2 : Simula

3 1 0
                                    

Nag apply ako sa Maynila nakilala ko si Carla sa facebook nag kasundo kami at naging mag Kaibigan nag kasundo kami na mag apply ng sabay katulad nya pareho kami ng sitwasyon at gusto ng kalayaan sa buhay. Naging mag best friend kami

Lumuluwas ako noon patakas para makapunta kela Carla from Bulacan to QC sobrang naging close kami at hanggang sa napag desisyonan na namin mag apply para sa trabaho.

Nag apply kami sa isang Agency natanggap ako bilang promodizer, dahil maliit si Carla hindi sya naging qualified. Instead pinasok sya bilang isang cashier sa isang store.

Nag simula na ako sa aking trabaho habang si Carla ay pumunta na sa store kung saan sya naka assigned. Hindi daw nya ito nagustuhan sabi nya sa akin at malayo daw sakanya ng sobra kaya hindi na sya tunuloy.

Pero ako nag patuloy pa din sa aking bagong trabaho sa Maynila. Nakitira ako sa aking mga Pinsan maayos naman at masaya marami kami doon mag ka-kamag anak at hindi ako nalulungkot.

Makalipas ang Ilang buwan sa aking trabaho sobra na akong nahihirapan, mabigat ang trabaho nag bubuhat ako ng ilang karton ng sapatos, umaakyat sa mataas na stock room. Nakakapagod sobra at the same time tinatamaan ako ng lungkot. Madalas ako lutang sa trabaho parang laging may kulang, "Ano ba yun kulang Love life?" Tanong ko sa sarili ko.

Hanggang sa wala akong magawa sa bahay. Nag chat ako ng random na tao na friend ko sa fb. "Ano mas masarap yun lumang pancit canton o noon" ayan yun eksatong sinabi ko mga 10 katao ang sinendan ki ng message na iyan. Nag reply naman silang lahat ngunit si Kyle hindi nya tunay na pangalan sya yun naging kausap ko ng consistent.

Pareho kami mahilig sa Anime at banda. Tumagal ang pag uusap namin ng buwan halos araw araw ko sya kausap. Pag papasok sya hindi nya makakalimutan na ako ay batiin ng good morning. At doon Napag desisyonan namin mag kita.

Nagkita kami sa isang park malapit sa aking pinag ttrabahuhan. Inantay nya ako nun ng ilang oras dahil galing pa ako sa aking kaibigan na si Carla mga 2 oras din sya nag antay sa akin. At humanga ako sa pasensya nya kahit nalowbat pa ang cp nya inantay nya pa din ako sa location na sinabi ko sakanya.

Nagkwentuhan kami, kumain ok naman sya kasama mabait. At yun pag antay nya sa akin ng 2 oras ay sobra kong na appreciate. Ng makauwi ako sa amin ay bigla na naman ako nalungkot pinakiramdamab ko ang aking sarili bakit ganun? Alam ko na may feelings din ako na nade-develop sakanya pero bat hindi ako masaya nun nakasama ko sya?

Nag tuloy ang aming pag uusap. At yun iaang beses na pag kikita ay nasundan pa. Nagiging sweet na kami sa isa't isa. Pero walang gustong umamin. Nahuhulog na ako pero ayokong umamin gusto ko sakanya manggaling.

Hanggang sa isang araw nag kita kami pumunta ako sa bahay nya nag laro kami ng video games, nanood ng anime, nag kwentuhan , nag tawanan, Hanggang sa nauwi sa may nangyari sa amin. Pag ka tapos noon bigla akong naiyak hindi ko alam kung bakit. Natakot ako bumalik yun alala ko noon yun nangyare sa akin ng past ex boyfriend ko after may mangyare sa amin iniwanan nya ako. Sobra akong natakot at umiyak at dahil baka maulit na naman ang nangyari. Tinanong nya ako kung ano ang problema ngunit hindi ko sinabi sakanya, hanggang sa nahimasmasan ako pinilit ko na iayos ang sarili ko.

Pag tapos ng nangyari lumabas kami nag hanap ng mabibilhan ng pag kain. Bumili din kami ng isang boteng beer sa 7/11. Habang nainom kami inaantay ko sakanya manggaling kung ano naba ang status ng relasyon namin pero wala akong narinig. Umakto kami na parang kami mag kahawak kamay, sweet ngunit walang gustong umamin.

Hanggang sa pauwi na ako nagawa nya pa akong halikan para sa pisngi. Noon ako ay makasakay na ng tren sobrang dami ng pumasok sa isip ko. Ayoko ng ganitong sistema ayaw ko ng walang label. Naguguluhan ako.

Makalipas ang mga araw ganoon pa din kami wala pa din naamin. Hanggang sa isang araw nag aantay ako ng chat o text nya sa akin. Pero wala na taranta ako, nag over think. Nag message ako sakanya "Ano hindi mo na ako kakausapin pag tapos ng lahat" "Iiwan mo na lang ako pag tapos may mangyare sa atin Tangina naman, Bakit ka ganyan" at kung ano ano pang mura ang lumabas sa bibig ko.

Nag reply sya sa akin ng gabi na nag text sya sa akin " Pasensya na ngayon lang ako nakapag text, hindi kita ma chat nag loloko ang signal, wala din akong load nag nag redeem lang ako ng points" Kilala ko sya hindi talaga sya nag papaload dahil wala naman syang ka text na iba. Hindi ko pinansin ang text nya nag aantay ako ng reply nya sa messenger. Nabasa nya ang chat ko sa messenger inantay ko ang reply nya ngunit wala. Binura ko ang lahat chat color, nickname, at yun heart na emoji sa messenger chat.

Simula noon hindi na kami nag usap.

Mas lalo akong nilamon ng lungkot, may kasalanan din ako. Hindi ako nag open sakanya, hindi ko sinabi yun past experience ko kung bakit ako paranoid , kasalanan ko na minura ko sya at pinag salitaan ng masasakit. At the same time may mali din sya. Hindi nya nilinaw kung ano ba talaga ang intensyon nya. Kung may nararamdaman ba sya.

Umakto ako na parang walang nangyari, hindi ko sya binlock. Ramdam ko din na apektado sya base sa mga post nya. Hinayaan ko na lang ang oras na lumipas. Nag pakalunod sa lungkot, sinisi ang sarili sa nangyari.

Ang lungkot, sobrang lungkot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DON'T GROW UPWhere stories live. Discover now