"Oh my God, Rence! Congratulations!" Saiya hugged me so tight that I can't even breathe. I chuckled when I see how emotional she is.

"Congrats, Rence. Looking at you performing on stage. Grabe!" Si Gary naman ang yumakap sa akin this time. "For you."

Tinanggap ko ang bouquet na hawak niya, "Thank you guys. I didn't expect you to come but you did!"

"S'yempre naman! Papalampasin ba naman 'tong performance mo dito sa Pinas?" I am still wearing my last costume. Our musical ended well a while ago. It was a success!

"We didn't get the chance to watch you when we were at California, but when we learned that your final performance is here in the Philippines hindi na kami nagdalawang isip na bumili ng ticket." I thanked them for watching our performance. Nagpaalam ako na magbibihis na muna para makapunta na kami sa restaurant na pinag-reserve-an ko.



After nang nangyari noon sa amin ni Eon, I strive so hard to give him a good life. Kasagsagan ng pagiging third year college ko ay nakasali ako sa grupo ng mahilig sa teatro at musical sa campus. Lumalaban kami noon sa iba't-ibang patipalak. Noong makagraduate ako ay may nag-offer sa akin ng scholarship para makapag-aral sa isang university for arts sa Amerika.

My friends Saiya, Gary, Tyrone and my brother Eon supported me with my decision to accept it and here I am.. performing around the world.



"I can't believe it, Rence! I remembered how troubled you were in making decision weather to accept it or not!" Naka-angkla ang kamay ni Saiya sa braso ko. Pumasok kami sa loob ng restaurant at sinalubong ng receptionist.

"Miss Rence Jimenez? This way please.." Iginiya kami sa table na nireserve para sa akin.

"So kumusta ka?" Tanong ni Gary nang makaupo kami.

"Ayos naman ako, kayo? Kailan ang kasal?" Nakangiting nagkatinginan ang dalawa.



Pagkaalis ko noon papuntang Amerika, nalaman ko na may namamagitan na kina Gary at Saiya. Yes, they are in relationship. Miski ako ay hindi makapaniwala noong una, natatawa pa rin ako kapag naalala kung gaano kalambot ang galaw ni Gary! Tapos ngayon ay lalaking-lalaki na!



"'Naku! Wala pa sa isip ni Gary 'yan, he wanted to explore the world pa!" Sagot ni Saiya na mariing pinaratangan ng boyfriend niya.

"Hindi ah! Saka hindi lang naman ako ang busy, ikaw din naman r'yan! You're always at your phone talking to your assistant." Natawa ako sa pag-irap ni Gary.

"It's because I need to know if my business is going well these days."

"Bago pa kayo mag-away d'yan, um-order na tayo." Binuksan ko ang menu at tumingin doon ng magugustuhan.

"Where is Eon by the way?" I sighed.




Apat na taon ako muling nag-aral sa Amerika. Nagtrabaho rin ako roon at dahil naka-ipon, naging residente at citizen saka ko napetisyon si Eon. Doon ko siya pinag-aral ng kolehiyo.




"Nagpaiwan, pag-iisipan niya muna raw ang pag-uwi dito." Kumirot ang puso ko.




Eon and I grew apart. Ramdam ko iyon. Magkasama kami sa apartment ko noon ko pero hindi kami gaanong nagkikita o nagpapansinan. We never talk about what happened at La Cresta. I don't even want to hear anything and everything about them. I even change my surname, now I am using my Mama's family name which is Jimenez.

Sa bawat sahod ko sa mga performances namin ay inilalagay ko sa bank account naming magkapatid. Balak ko kasing magpatayo na ng bahay dito kahit na may bahay kami sa Amerika. At kung mangyari man iyon, baka magtayo na rin ako ng negosyo dito.




"Where's Tyrone?" Oo nga pala, isa pa 'yon! Nasaan na kaya siya? "He watched your musical too but he left right after."

"I think umuwi pa siya, malapit lang kasi ang condo n'on dito." Lumapit sa akin si Saiya at bumulong, "He's finally got a girlfriend!"

"T-talaga?" Good to know..




Nakaraang buwan kasi bago ko sabihin sa kanila ang araw kung kailan ang bilihan ng ticket. Huling pagtatanghal namin sa Pilipinas, dito din kasi gusto ng karamihan sa kagrupo ko na magbakasyon.

Tyrone video called me.




"You should watch, Ty." Sabi ko, nawala na sina Gary at Saiya dahil kasalukuyan silang nasa party nang tumawag ako.

"Yeah, I will. Kailan ba ang selling ng tickets?" He asked.

"Two weeks from now I think?" I looked at my phone for the schedule, "Yes, it's two weeks from now."

"Rence, I like you." Napatingin agad ako sa screen dahil sa sinabi niya.

"T-ty.." I don't know what to say.. Nararamdaman ko na noon pa man pero ayaw kong pag-isipan iyon ng kung ano. Hindi ko rin siya kinumpronta tungkol doon dahil baka nag-aassume lang ako.

"I like you Rence, since second year college. I tried so many times to tell you about my feelings but I am scared. I don't know what to do back then that's why I keep it only to myself." Natawa siya ng mahina. "I'm such a coward."

"Tyrone," I sighed. "Anyone will like you for who you are, you're not that hard to like or love. You're a good man, reliable, responsible, intelligent and handsome.. but I only see you as my friend." Sunod-sunod ang pagtango niya.

"What if I express my feelings for you back then? Would you like me back?" Napalunok ako dahil sa tanong niya.

"You expressed your feelings for me back then, I felt it Ty. It's just that.. I only like you because you are my friend. I'm sorry."

He tried to laugh with what I said, "Thanks for listening, Rence. Goodnight."




Wala na akong nagawa nang ibaba niya ang tawag. Kung tatawagan ko man siya ulit ay baka mabigyan ko lang siya ng maling ibig sabihin. We didn't talk since then and now he is not here with us. Akala ko pa naman ay makakapunta siya. 

TilaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt