Chapter 5: She's Coming Home

18 6 0
                                    

Lestina's POV.

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ikaw ang pipiliin. Hindi din lahat pinili ka kasi mahal ka, minsan ginagawa ka lang nilang pampalipas oras dahil nabobored sila!

Matuto ka ring lumaban para sa sarili huwag siya ang puro ipaglaban. Hindi lahat ay natatakasan, harapin mo ang nasimulan mo at panindigan.

Bakit mo ako pinahulog sayo? Bakit mo ako biniktikma? Sa huli sisihin mo rin naman ang sarili kung bakit pati ikaw ay nahulog sa patibong na para sa akin.

~~Glitzy

…–––…–––…

Namimili ng damit ang babae habang si Bullet naman ay nakasunod lang dito. Nagkatinginan kami ni Bullet kanina pero parang hindi lang kami magkakilala. Parang wala siyang kilala na nangangalang Tina! Galit pa siguro ang unggoy hanggang ngayon!

Siguro maituturing ko ng kaibigan si Bullet, hindi man kami masyadong close at least kilala ko siya at hindi na siya maituturing na stranger.

Bagay silang dalawa. Maganda yung babae pero mas maganda ako, at hindi ko ikahihiya yon. Totoo naman. Sexy siya pero mas sexy pa rin ako. Kung may contest siguro ng pageant tapos kaming dalawa lang ang maglalaban siguro 1st runner up siya at ako ang Ms. Diyosa, kumbaga ako ang panalo.

"Boo bagay ba sa akin 'to?" Tanong ng babae kay bullet. Ang lambing ng boses niya.

Mag-jowa nga sila. Boo ang tawagan nila. Mabuti pa sila may lovelife ako eto bokya. Naloko pa.

"Kailan pa hindi naging bagay sayo ang mga suot mo?" Sagot naman ni Bullet "Boo ito bagay sayo" Sabi ni Bullet at lahad sa babaeng tinawag niyang boo Ang kinuha nitong damit.

Yan ang damit na dinesign ko. Si mama din ang gumawa niyan. Yan ang isa sa mga mamahalin na damit dito. Hindi ko alam na may magkakagusto pala sa mga design ko. Hindi pa din kasi nailalabas ni mama ang iba sa mga nagawa niya.

Gagamitin daw kasi yon sa isang photoshoot para sa magazine. Gagawan daw kasi ng magazine at si mama kahit busy dahil sa dinami-dami niyang trabaho nakakahanap pa rin siya ng extrang oras para dito.

"Ako po nag design niya" proud kong sabi

Tinignan ako ng babae at ngumiti siya sa akin. Si bullet ayon ngumiwi lang. Nagtitimpi talaga siya ng galit niya noh? Move on din pag may time dre! Madali ma'ng sabihin pero mahirap gawin!

"Talaga? I like it!" Sabi ng babae

Mabuti pa siya marunong mag appreciate ng gawa ko. Yung iba hindi na nga marunong mag-appreciate may gana pang magloko!

"I change my mind! It doesn't suit you! You look unattractive wearing that!" Bullet said.

Really? Kung galit siya 'wag niya idamay design ko.

"Hoy! Gwapo ka nga unggoy naman! Sinong may sabing hindi maganda ang design ko? Mabuti pa yang girlfriend mo marunong mag-appreciate. Kung galit ka sa akin huwag mong damayin ang design ko!" sigaw ko

Siya pa nga nagsabi na bagay sa girlfriend niya yan tapos nang malaman niya na design ko yan binawi niya yung sinabi niya!

Gaano ba kalalim ang galit niya sa'kin? Sige lang, sa sobrang lalim ng galit niya malunod na siya.

"For your information! Wala akong sinabing pangit yang design mo. Huwag kang assuming!" Saad niya "may nakita lang akong mas bagay na damit sa best friend ko! Ayan oh" turo niya sa isang peach dress.

Natameme naman ako sandali. He's right. Hindi naman niya sinabi na pangit yung damit ko. Ano bang nakain ko para sabihin yon?

Best friend niya pala ang babae? Pero ba't ang sweet nila sa isa't Isa? Para nga silang mag-jowa sa lagay na yan, talo pa nila ang mga totoong mag-jowa! Tanga ko. Bakit ba kasi biglang lumabas sa bibig ko ang mga yon? Kahit ano-ano na lang naiisip ko.

Starting OverWhere stories live. Discover now