** in between dialogues means they speak foreign language a.k.a. Hangul
12:45 PM... An hour after we departed from Incheon Airport.
Tiningnan nya ang wristwatch nya bago humakbang pababa mula sa private jetplane. Kulang pa ang tulog nya dahil sa akala nya ay tatagal sila sa byahe.
Oo, SILA.... Kasama ng kanyang kabanda. Lahat ng myembro ng BTS.
Name it. From the staffs, producers, make-up artist, stylist, music directors, side-singers, back-up dancers and them.
Pupunta sila dito hindi lang sa baskasyon nila kundi sa world tour na gaganapin. Buti nga at binigyan sila ng pagkakataong magbakasyon rito. Marami na silang pinuntahan lugar pero para lang sa promotion para sa grupo o para lang sa world tour. Binibigyan sila ng pagkakataon na magbakasyon sa lugar na iyon pero isang araw lang o isang gabi lang pagkatapos ng tour. Iba itong lugar na pupuntahan nila dahil magbabakasyon sila ng limang araw tapos masisimula mag-ensayo sa gaganapin na concert at susunod na rin ang inaantabayanang concert.
Pagkakababa nya ng plane ay iniisa-isa ang mga kagrupo nya kung nakababa na at kumpleto na sila. Kailangan nya ito dahil sya ang leader ng bandang ito.
"**Guys! Okay na lahat?**" Ma-otoridad nyang tanong sa mga kagrupo.
"OMG! **Ang init!**" unang bulas ni J-hope pagkababa nya. Nanibago sya sa panahon. Di katulad sa Korea na sa ngayon ay tagsibol pa lang.
"**Oo nga, Hyung!** It feels like summaa~!" Singit ng pinakabata sa kanila. Ang maknae ng grupo.
"Jungkook-ah! It's summer. Rrrr! **Idiin mo ang R sa dulo.**" Pagtatama ng leader.
"Summer. Rrrrrrrrr~"
Napa-roll eyed ang pinakamatanda sa kanilang grupo sa pag-iingay ng maknae.
"** Uh, alam ko yan.** " Sumingit bigla si Jimin at kumanta. " 🎶Oh, SUMMER! SUMMER! OH! SUMMER! SUMMER! nanana~🎶" Di nya na alam ang kasunod na lyrics basta ang alam nya ang tono at ang parte ng simula ng chorus na napanood nya sa YouTube makamakailan lamang na bagong labas ng isang kpop group tulad nila. Sumabay rin sa pagkanta ang kanya Bestfriend na si Taehyung.
"**Uy! Ang ingay nyo mga bata! Baka palayasin kayo ng mga bodyguard sa ingay nyo!" Saway ni Suga na sya ang huling lumabas sa plane.
Naglakad na sila papunta sa building ng airport habang ang maknae line ay pakanta-kanta ng Summer by BOYFRIEND - na unang kinanta ni Jimin kanina na nakalimutan nya ang ibang lyrics ng kanta.
"**Guys, alam nyo ba?**" Pagsisimula ni RM. "**Ang bansang ito ay nasa kalagitnaan na ng panahon ng tag-araw. Ngayong buwan ay isa sa pinakamainit na araw na paminsang pumapalo sa 42 degrees Celsius.**" Lahad niya na parang nagbibigay aral sa mga estupidyante- este estudyante.
"**Oo, Hyung. Na-research ko na iyan bago pa tayo pumunta dito." Ngiting sabi ni Jimin.
"** Kaya pala nararamdaman ko ang pawis ko sa kili-kili.**" Sabi ni J-hope.
"** Paano kang hindi papawisan eh nakasuot ka ng jacket at long-sleeve shirt?**" Singit na tanong ni Jin.
"** Ayaw lang nya umitim eh!**" Asar ni Suga.
"** Sa maputi ka eh!**" Balik na sabi ni J-hope.
"** Sa ngayong napakamainit sa pinuntahan natin, sana napakamainit ding sasalubungin ng mga ARMY sa labas **" Ngiti sabi ng leader. Marahang hinigpitan ang hawak sa strap ng shoulder bag nya at inayos ang shades at cap bago sila pumunta sa baggage checker.
Philippines! Here we come!
[A/N: Sounds family, ryt? Haha. Alam nyo naman kung saan pumunta sila noong 2017 bago magconcert sa MOA, right? Yung Summer package nila sa Coron, Palawan lamang yung sinabi dyan. Hehe! Kailangan ko ng masinsinang pagsasaliksik nito lugar sa kuglé (Google po).]
YOU ARE READING
Wandering [KNJ FF]
Fanfiction[TAGLISH] This place is freaking hot and I don't like humid summer weather. It made me don't want to go outside. But since I wanted an adventure, I take the risk in wandering... - KIM NAMJOOM - ☀️🔸☀️🔸☀️🔸☀️🔸☀️🔸☀️🔸☀️🔸☀️ THIS IS BASED ON AUTHOR'...
![Wandering [KNJ FF]](https://img.wattpad.com/cover/123019067-64-k671986.jpg)