Nagmadali ako. Kailangan ko talagang matapos ang araw na ito na kausap ko si Hermes. Kailangan na. Hindi ko na palalagpasin pa ang araw na ito na hindi siya nakakausap. 

I arrived at the house thrity minutes later - salamat sa traffic. Nagtaka ako nang makita kong bukas ang pinto. Pumasok ako tapos ay tinawag ko si Hermes. Halos mag-tatatlong araw ko na siyang hindi nakikita sa opisina. Mula noong gabing iyon hanggang ngayon. 

"Hermes?" Tawag ko. Nagulat ako nang may lumabas na  babae mula sa kusina. 

"Ay, ikaw ba si Nina?" Tanong niya. The woman is in her mid fifties I guess. She was wearing a pink dress - naka-apron din siya. She looked a lot like the woman on the cinema - mas pinatanda nga lang. She smiled at me. Inabot niya ang kamay niya sa akin. 

"Ako si Lexie. Tita ako ni Atlas. Inaalagaan ko siya at may trangkaso." 

Tumaas ang kilay ko. Tinatablan pala ng sakit si Hermes. Akala ko mutant siya. 

"Hello po, ma'am. Nice to meet you po. Nasaan po siya?" Tanong ko. 

"Nasa itaas. Nasaan ang apo ko?" Nakangiting tanong niya. Alam kong si Artie ang sinasabi niya. 

"Naiwan po sa bahay. Hindi ko na po kasi sinama. Pinagpapahinga ko." 

"Sa susunod, Nina isama mo siya. Gusto kong siyang makita. Kamukhang-kamukha ni Apollo ang batang iyon." Sadness lingered in her eyes. 

"Ma'am, luto na po iyong lugaw para kay Sir." Napatingin ako sa kusina nang makita ko ang isa pang babae. Naka-maid's uniform siya. 

"Puntahan mo na lang si Atlas sa itaas. Sige na." Napatango na lang ako at sumunod. Huminga ako nang malalim. Iniisip ko kung paano ko kakausapin ang impaktong may sakit? Napailing na lang ako. Napansin ko ang kwarto sa gilid ko na bukas. Naisip ko na baka nandoon nga si Hermes, lumakad ako at hindi naman ako nagkamali, he was inside the master's bedroom, he was in the middle of a queen sized bed, naked under the sheet. Hindi ko alam kung totally naked ba siya kasi nakakumot siya. I cleared my throat. 

Nakita kong iminulat niya ang kanyang mga mata. He half smiled me. "Where's my angel?" He asked about Artie. I sighed. 

"Iniwan ko sa bahay. Kamusta ka?" 

"May sakit." Napaubo pa siya. "Naulanan ako, tapos natutuyuan ako ng pawis sa likod. Wala na kasing..." Hindi na niya tinuloy ang sinabi niya. Naalala ko iyong sinabi ni Caren sa akin noong nasa opisina kami. Bigla ay napangiti ako. 

"Why are you smiling?" He asked me. Napaubo na naman siya. Lumapit ako sa kanya matapos kong isara ang pintuan. I sat in front of him. Hinawakan ko ang leeg niya tapos ay huminga nang malalim. 

"Kapag may sakit ka, mabait ka sa akin. Sana palagi ka na lang may sakit." Natatawang sabi ko. 

"Mabait naman ako, Nina. I'm just a bit ruthless. Blame my father for it. My mom said, kaugali ko si papa noong walang hiya pa lang siya. She was also telling me how much she wanted to witness the day when I will fall in love. She was quite sure that love will have the same effect on me as to my father." He chuckled. Nakatingin lang ako sa kanya. Ngayon ko lang siya nakikitang ngumiti nang ganoon. Para siyang bata. I touched his face. 

"Your daughter talked to me. She cried. I'm here to talk to you." Wika ko. 

"Bakit siya umiyak?" 

"She wanted a family, Hermes. A family that is composed of you, her, and me." Mataman siyang napatitig sa akin. "She had this idea of you and me and I couldn't break her heart. Hindi ko pwedeng sabihin na sa kama lang tayo magkasundo." Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naipapakita sa kanya ang ugali kong ito - pero ito talaga ako. I am outspoken. Nanibago lang siguro ako kay Hermes kaya ganoon. 

Who you loveWhere stories live. Discover now