Chapter 17

3.1K 40 9
                                    

Chapter 17

    Kasalukuyang nagaganap ang isang board meeting sa Chui Corporation upang pagusapan ang kasalukuyang sitwasyon ng C&A Mall. Hindi naging maganda ang takbo nang mall sa nakaraang two quarters. Mahirap mang sabihin pero nalulugi na ang naturang mall dahil na rin sa mga nagsusulputang bagong kakompetensya. Isa na rito ang mas lalong lumalaking GLU Center na siyang pinakasikat na mall as of the present. Nababahala na ang board sa magiging kahihinatnan ng kanilang investment sa C&A.

    Kaya minabuti ng President na si Mr. William Chiu na magpatawag ng meeting upang kumalap ng mga suggestions para sa ikauunlad ng mall.

    "As we all know, hindi nagiing mabuti ang takbo ng mall sa nakaraang 2 quarters. Kailangan nating gumawa ng paraan para mabawi ang nalugi nating pera", panimula nito.

    "I think we should. Sayang ang ating puhunan kung hindi agad maaagap ito.", sabat naman ni Mr. Sy, isa sa board member nag nagmamay-ari ng 20% shares.

    "Mr. Chiu, I think I need to say this. A certain Fred Lim-uy wanted to buy my shares in this company. Kung hindi agad mahahanapan ng solusyon ang problema ay mapipilitan akong ibenta ito sa kanya.", walang paligoy-ligoy na sabi ni Mr. Tan.

    "Kinausap din nya ako tungkol dyan and I might consider his offer kung hindi maresolba ang problema.", sagot naman ni Mr. Sy.

    Nagkatinginan si William at ang tatay ni Michael na si Henry Chan sa sinabi ng dalawa. Nabiglasila sa pagsulpot ng pangalang Fred Lim-Uy. Kaya minabuti na lang William na e adjorn muna ang meeting at magpapatawag nalang siya ulit kung kinakailangan. Nang makaalis na ang iba ay agad nag-usap ang matalik na magkaibigan na ilang taon na ring magkasosyo sa negosyo.

    "Pre, if I'm not mistaken, C Fred ang tinutukoy nila, ang anak ni Fred Sr.", sabi ni Henry.

    "Oo nga pre, si Fred Sr. na naging kalaban ni Mama noon.", pagsang-ayon naman ni William.

    "Mukhang he's up to something pare. Pag binenta ni Mr. Sy at Mr. Tan ang shares nila sa kanya, siya na ang magiging major stockholder.", nag-aalalang sabi ni Henry.

    "Yon ang kailangan nating pigilan. Kailangan nating makahanap ng paraan upang mabawi ang lugi natin.", may paninidigang sabi ni William.

    "Paano ang Mama mo? Kailangan niyang malaman ang balak ng mga Lim-Uy bilang siyanaman ang CEO.", tanong naman ni Henry.

    "I don't think she needs to know ngayon pa na may sakit ang mama.", may bahid ng lungkot na sabi ni William.

    "May sakit? Kaya ba nagpunta ang mama mo ng China?", naguguluhang tanong ni Henry.

    "She has brain tumor. Pwde pang operahan pero ayaw niya ipagalaw ito. 50% chance lang kasi na gagaling siya. Nagpunta siya ng China upang asikasuhin ang mga natitirang business doon.", pagpapaliwanag ni William.

    "Kaya ba gusto niyang makasal si Celine at ang anak ko?", tanong ni Henry.

    "Oo, pre. Ayaw nyang mawala sa kanya ang kompanya. Alam nyang mahihirapan na tayong makabangon. Gusto lang naman niyang magiging mabuti ang buhay ni Celine. Kung makasal siya kay Michael, sa atin pa rin ang full control ng kompanya.", madamdaming paglalahad ni William.

    "Kung ako man ang tatanungin pre, ok lang naman sa akin. Parang isang pamilya na rin naman tayo. Pero ang inaalala ko ang, ang mga bata. Baka hindi sila sumang ayon. Ang alam ko may girlfriend na ang anak ko. At di ba naglayas nga si Celine ng malaman ang engagement?! Paano na ngayon yan?, nag-aalalang sagot ni Henry.

    "Hindi ko alam pre. Hindi ko alam.", sagot naman ni William ng biglang nag ring ang telepono nito.

    Matapos makausap ang taong nasa kabilang linya ay agad nagpaalam ito kay Henry at may susunduin ito sa airport.

FOREVERMORE: A Love Journey(KIMXI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon