Chapter 9

3.4K 38 7
                                    

Chapter 9

    Kinaumagahan nagising si Celine na tila may nakapatong sa kanyang dibdib. Nang imulat nya ang kanyang mga mata tumambad ang braso ni Liam na nakayakap sa kanya. Nabigla siya, hindi nya alam kung paano napunta si Liam sa kanyang kama. Tiningnan nya kung nakadamait pa ba siya, meron naman. Tiningnan din niya si Liam, nakasuot rin ng damit. Nawala ang kaba nya ng makita nyang nakadamit sila pareho. Siguro naman walang nangyari kagabi. Sabi kasi ni Ella, ang bestfriend nya, pag first time daw ay masakit at para kang lalagnatin. Pero wala naman siyang naramdaman na kakaiba. Siguro nga wala talagang kaganapan kagabi. Nakahinga siya ng maluwag. Pero sa kabilang banda, may konting panghihinayang. Natawa nalang siya sa iniisip niya. Parang gusto pa niyang may nangyari nalang. Napatawa siya ng bahagya pero pinigilan niya ito, baka magising si Liam. Siyempre, gusto niya sa lalaking pakakasalan lang niya ibibigay ang kanyang hiyas. Pero as early as now masasabi na niya na si Liam ang lalaki para sa kanya, ang lalaking pakakasalan niya balang araw. Minamasdan niya ngayon ang napakagwapong mukha ng nobyo.

   "Ang gwapo pa rin ng mokong 'to kahit natutulog! Hmp! Mapanga nga bagay naman! Matangos ang ilong! Kissable lips! Nakakatunaw na mga mata!"i-eksamin ang mukha ng nobyo. Kinikilig naman siya sa ginagawa niya. Maya-maya pa, napunta ang paningin niya sa dibdib nito.

    "Hmp! Sarap kaya sumandal sa dibdib nito! Ang tigas! Makasandal nga!", natatawang wika ni Celine at sumandal sa matigas na dibdib ni Liam. Nanggigil naman siya at diniinan pa ang pagkakasandal niya na siya namang ikinagising ni Liam.

    "Good morning Hon! Parang enjoy na enjoy ka dyan ah!", nanauksong bati ni Liam.

    Namula naman si Celine sa sinabi ni Liam. Nahiya siya ng konti. Konti lang naman. Dahil ang totoo, nag e-enjoy naman talaga siya.

    "Good morning din! Bakit ka nga pala napunta dito?",tanong naman ni Celine.

    Pagkapasok ni Liam sa kanyang kuarto ay agad siyang naligo dahil amoy-alak siya, sabi nga ni Celine. Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay nahiga na siya. Pinikit niya ang kanyang mga mata pero ayaw siyang dalawin ng antok. Kahit nakainom siya pero parang hindi pa rin siya makatulog. Siguro dahil hindi mawala sa isip niya na sinagot na siya ni Celine. Happy ang puso niya,lumulundag sa tuwa, tila hindi napapagod. Hindi siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang ay palihim niyang pinupuntahan ito sa skwelahan nila kahit graduate na siya. at eto sila ngayon, muling nagtagpo ng landas, at sa wakas, sila na nga.

    Nagdaan ang isang oras, hindi pa rin siya makatulog. Kaya bumangon siya at pumunta sa kuarto ni Celine. Kinatok nya ng tatlong beses ang pinto, pero hindi na sumasagot si Celine. Malamang tulog na ito. Paballik na sana siya ng kuarto ng bigla niyang maisipan na silipan nalang ito. Kaya binuksan niya ang pinto at sinilip si Celine. Mahimbing na ang pagkakatulog nito. Hindi naman niya mapigilan ang sarili at pumasok sa kuarto, umupo sa tabi nito habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng nobya. Hinalikan niya ng dahan-dahan ang noo ito. Naisipan naman niyang dito nalang sa tabi ng nobya matulog. Nagpromise naman siya na magiging behave siya kahit alam niyang hindi na ito maririnig ni Celine dahil tulog na ito. Gusto lang niyang mayakap si Celine. At ganoon na nga, nahiga siya sa tabi ni Celine at dahan-dahang yumakap dito.

    "Tara na sa baba, kain na tayo!", sabi ni Liam at tumayo papalabas ng kuarto.

    Naghilamos si Celine, nagbihis at bumaba na rin para kumain.

    Mag-iisang linggo na siyang na kina Liam. Ang bilis ng araw. Hindi naman niya mapigilang mag-alala sa daddy niya. Siguradong siyang nag-aalala na ito sa kanya. Pero hanggat hindi iuurong ng lola niya ang plano nito, ay hinding-hindi siya uuwi sa kanila. Kaya naisipan niyang tawagan ang kanyang bestfriend na si Ella upang makibalita..

FOREVERMORE: A Love Journey(KIMXI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon