Chapter 25-Ending

3.8K 76 19
                                    

Chapter 25

                “Merry Christmas Hon!”, bati ni Liam sa fiancé nyang si Celyn sabay abot sa isang kahon rito.

                “Thanks Hon! Merry Christmas din.  Wow, ano naman ito? ”, masayang sagot ni Celyn sabay bati din kay Liam habang tinatanggap ang regalo mula rito.

                Tumambad sa kanya ang isang pink Prada bag na napakaganda at nagustuhan nya talaga. Napayakap sya kay Liam dahil sa kagalakan.

                “Maraming salamat Liam. Ang ganda!!!”, bulalas ni Celyn.

                “Nagustuhan mob a? Hindi ko kasi alam kung ano ang ibibigay say o eh, parang na sa’yo na naman ang lahat at maikling panahon na rin lang ang pagpipili.”, paliwananag ni Liam.

                “Oo naman, ang galing mo kayang pumili. Just right for my taste, actually perfect for my taste.”, buong galak na sagot naman ni Celyn. “Teka, ako din may gift ako sa ‘yo.”, pagpapatuloy nito habang kinukuha ang isang malaking box mula sa paanan ng kanilang Christmas tree.

                “Ang laki naman nito Hon, ano ba ‘to?”, tanong ni Liam nang abutin nya ang box.

                ”Buksan mo. I hope you like it!”, nakangising sagot ni Celyn at binuksan naman agad ni Liam ang box. “Yan na pumasok sa isip ko nung naghahanap ako ng gift for you. Nahirapan nga din ako on what to give you eh.”, sabi ni Celyn habang binuksan ni Liam ang regalo nya.

                “Wow!!”, ang tanging sabi ni Liam nang mabuksan nya ang box at nakapaloob dito ang isang brown LV shoes. “Thanks Hon. I really like it!”.

                Kasalukuyan nasa bahay ng mga Chiu si Liam para magcelebrate ng Christmas kasama ang pamilya ni Celyn. Naintidihan naman ito ng pamilya nya pero nangako naman siyang sa bahay din nila sila mag New Year. Matapos maibigay kay Celyn ang kanyang regalo para dito ay ibinigay din nya ang kanyang regalo para sa ama at lola ni Celyn, pati narin kay Manang Berta, sa mga driver at mga kasambahay nito. Masaya-masaya silang pinagdiwang ang Pasko. Masaya si Celyn dahil hindi na matutuloy ang pag-alis ni Liam upang mag-aral ng MBA sa ibang bansa. Nagdesisyon kasi si Liam na dito nalang mag-aral para mamonitor ang pagbubuntis ni Celyn.

                Samantala sa mga bahay ng mga Lim-Uy, masaya rin na nagdiriwang ang mga tao doon. Kagaya ng nakagawian, ang pagbibigayan ng regalo, salo-salo sa noche Buena din ang pinagkaabalahan nila.

                “Anna, Merry Christmas!”, bati ni Fred kay Anna na tahimik na nakatayo sa may garden.

                “Merry Christmas din sa’yo Fred.”, nakangiting sagot naman ni Anna.

                “Heto nga pala regalo ko para sa’yo.”, at inabot kay Anna ang isang rectangular small box.

                “Ano to? Nag-abala ka pa.”, nahihiyang sagot ni Anna.

                She was surprised when she saw a necklace as she opened the box.

                “Fred, this is too much. Hindi ko matatanggap ‘to.”, pagtanggi ni Anna sa regalo mula kay Fred.

                “No, Anna. You deserve it, for being a good mom to our son. You were able to raise Liam all by yourself in a good way. You did a very good job I raising him. Im so proud of you.”, mapusong sagot naman ni Fred na kanina pa may gustong sabihin. Kumuha muna ito ng lakas sa pamamagitan ng paghinga ng malalim saka nagpatuloy sa sasabihin.

FOREVERMORE: A Love Journey(KIMXI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon