"What the fvck!? Ano bang nangyayari?! Bakit kayo umiiyak?! Ano?!" Tumaas na rin ang boses ng kapatid ko. Nilapitan niya si Devon pero parang hindi man lang siya narinig ni kuya Dev kaya si Kuya Ash ang nilapitan niya. Sakto namang umayos ng tayo si Kuya Ash kaya nakaharap niya ang kapatid kong gulong-gulo na..

"Hyung.. anong nangyari?" Mahinahong tanong ng kapatid ko.

Napayuko ako. Hindi pa rin nagsi-sink-in sa utak ko ang buong nangyari. Jusko... n-namatayan na naman kami?!

"We lost Devin." Para iyong tagline na paulit-ulit na umikot sa utak ko. Wala na si Devin. Ang sakit lang isipin na ang baby niya pa. Hindi pa nga siya nakikilala ng lahat eh, tapos wala na siya...

"W-What??" Halos pabulong iyong sinabi ni Kuya Zander. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o ano.. kasi alam kong masakit ito para sa kanya. Nawala na sa amin si Comet. Tapos, si Devin naman.

"We lost Devin." Pag-uulit ni Kuya Ash na nagibg hudyat ng pagtulo ng mga luha ni Kuya Zander. Mabilis siyang napayakap kay Kuya Ash na para bang batang inagawan ng candy. Parang bumalik lahat ng ala-ala nung si Comet ang nawala sa amin dahil sa pag-atungal ni Kuya Zander ng iyak. Yung iyak niya.. nakakahawa..

NANG mahimasmasan ay marahang nilapitan ni Kuya Zander si Kuya Devon  ngayon ay nakatulalang nakatitig lang sa walang buhay ng katawan ni Devin. Iniluhod ni Kuya Zander ang isang tuhod niya ng magkapantay silang dalawa, tapos ay walang sire-seremonyang niyakap niya si Kuya Devon na ngayon ay umiyak na naman.

"Alam kong masakit. Alam kong mahirap. Hindi mo alam ang gagawin mo. Hindi mo alam kung paano haharapin. Pero kailangan mong magpakatatag, may isa ka pang anak, kailangan ka niya, kailangan ka ng asawa mo. Ikaw ang higit na kailangan ni ate Val ngayon. Please.. help yourself, Dev." Rinig na rinig ko ang mga sinabi ni kuya Zander at tagos na tagos iyon sa puso ko. Kitang-kita ko rin ang pagtulo ng panibagong balde ng luha mula sa mga mata ni Kuya Devon na ngayon ay parang nagkaroon ng lakas para tumango.

"She needs you." Bulong ni Kuya Zander.. paulit-ulit niyant sinabi iyon hanggang sa makatayo na si Kuya Devon at muling nilapitan si Devin tsaka ito niyakap..

Sa kanila natuon ang atensyon namin ni Kuya Ash, sa kanila kaya hindi namin napansin. Hindi namin naramdaman. Hindi namin narinig ang pagdating nila.

"W-What happened to my baby?"

DEVON's POV

Para akong naubusan ng lakas dahil sa pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil padang namanhid yata ang buong katawan ko.

"Alam kong masakit. Alam kong mahirap. Hindi mo alam ang gagawin mo. Hindi mo alam kung paano haharapin. Pero kailangan mong magpakatatag, may isa ka pang anak, kailangan ka niya, kailangan ka ng asawa mo. Ikaw ang higit na kailangan ni ate Val ngayon. Please.. help yourself, Dev." Ramdam na ramdam ko ang hinagpis sa bawat salitang binitawan ni Zander habang nakayakap sa akin. Hindi ko mapigilang tumango.

"She needs you." Paulit-ulit niyang sinabi yun. Parang nanumbalik ang lakas ko at tumayo. Maagap kong kinarga ang walang buhay ko ng anak tsaka siya niyakap ng mahigpit. Masakit. Parang may kung anong nawala sa akin. May nabutas. Parang may kulang. Nang mga sandaling iyon ay si Devin lang ang nasa isipan ko. Habang hawak ko ang maliit niyang katawan sa mga braso ko ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kakayanin namin to..

"W-What happened to my baby?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng nga sandaling narinig ko ang boses niya. Puno ng pait.. sakit.. para akong nahuling may ginawang krimen at dahan dahang nilingon ang bukana ng NICU..

There.. sitting on a wheel chair, with tears flowing from her eyes.. my wife. Napalunok ako. Hindi ko ulit alam kung ano na ang gagawin ko. Kung ilalapag ko ba ang anak namin at lalapitan ko ang asawa ko o ano..

Samaniego Side Story 1: My ValerieWhere stories live. Discover now