"Kuya Max!" Bati ni Seis sa lalaki, nag-akap silang dalawa. "Cómo estás?" (How are you?)

"Estoy bien y tú? Tagal mong hindi nagawi dito sa rancho." (I'm fine, how about you?)

"Madami kasing ginawa sa planta tapos lumuwas pa kami ng Maynila. Nga pala," nilingon ako ni Seis at inilapit sa kanila. "This is Kuya Max, the owner of Rancho de Caballero."

"Hi! Nice to meet you, Rence Belmonte po." Ngumisi si Kuya Max kay Seis.

"Belmonte na ngayon ah? Akala ko dati ay Altamirano lang?" Sinuntok ni Seis si Kuya sa dibdib dahilan ng pag-ubo nito.

"Hihiramin ko muna si Luna, tuturuan ko si Rence na mangabayo."

"Sige, ikaw na ang bahala. Alam mo naman kung nasaan ang mga gamit. Hindi ko kayo masasamahan sa loob dahil may kinukumpuni ako sa garahe."


Iniwan kami doon ni Kuya Max, pumasok siya sa loob tabing bahay na tama akong garahe.

Dumiretso kami sa loob ng rancho, ang buong rancho ay may puting fences para siguro'y hindi makalabas ang mga kabayo. Naglakad kami papasok patungo sa isang building. Hindi ko alam ang tawag doon pero mukha siyang barn.


"Heto ang stable, kung saan namamalagi ang mga kabayo at ibang kagamitan. Sa tabi niyan ay sa mga manok naman. Doon sa pinakadulo ang barn para sa mga sheep at baka." Paliwanag niya. Hindi lang pala kabayo ang narito, mayroon din palang iba.


Pumasok kami sa loob ng stable. Tumambad sa akin ang mga kabayong nasa kani-kanilang stalls. Marami sila at sobrang lalaki!


"Ang mga kabayo dito ay mga Pura Raza Española means Pure Spanish Horse o mas kilalang Andalusian Horse." Sumunod ako sa kanya papunta sa isang stall. "This is Luna, she will be your ride today."

"Agad?" Suminga si Luna kaya medyo kinabahan ako.

"I'll teach you how but first you need to get close with her. Mabait naman si Luna just like her owner, pero dahil hindi ka niya kilala dapat makuha mo ang loob niya. You need to pet her."

"P-paano? Hindi ko alam." Aso at pusa pa lang na palaboy ang naaalagaan ko.

"Luna loves to be rubbed her neck and chest. You should try it." Nagaalangan pa akong itaas ang kamay ko at ipasok sa stall. Sa huli, si Seis ang gumawa noon sa akin.

"Oh my God," hindi ko mapigilang mangiti dahil hinahagod ko ngayon ang leeg ni Luna.

"Mukhang gusto ka niya." Tumingin ako kay Seis na nakatingin din pala sa akin. "Gusto mo ba siya?"

"Oo naman. Ang ganda niya." Itim ang kulay ni Luna ngunit makintab ito kapag nasinagan ng araw.


Pinagsuot niya muna ako ng boots, helmet at iilang pangprotekta sa siko at tuhod ko. Baka sakali daw na mahulog ako ay hindi ako masyadong magagalusan. Iyon pala ang laman ng sports bag niya.

Inilabas niya si Luna sa stall nito, umusbong ang kaba ko. Hindi pa ako nakakasakay ng kahit anong hayop noon, miski kalabaw.


"Huwag mong iparamdam na natatakot ka kapag sumampa ka sa kaniya. Narito naman ako kung may mangyaring hindi maganda." Ani Seis nang makalabas kami ng stable.


Halos hindi ako makasunod sa paliwanag niya kung ano ang dapat kong gawin para makasampa ng maayos kay Luna. Tahip-tahip ang kaba sa dibdib ko.


"Feeling ko hindi ko kaya," natatawang lumingon si Seis sa akin.

"You can do it, Rence. It's easy and I am here to help you." Paalala niya pa. He smiled at me. "Put your foot here and then voila!"


TilaWhere stories live. Discover now