"Okay na ba lahat?" tanong niya nang matapos siyang maghiwa ng kalamansi.

"Paminta, baka gusto n'yo rin." Kinuha ni Kenneth ang shaker ng paminta saka pinatong iyon sa tray. "Tara?"

"Go!"

Binuhat nito ang pagkain at dinala sa sala.

Habang papunta sila sa sala, gumana na naman ang malandi niyang imahinasyon. Naisip niya kasing isang gwapong waiter si Kenneth sa isang sikat na restaurant.

Kung sakaling waiter nga siya, nako, for sure araw-araw akong kakain doon para lang masilayan siya, ngingiti-ngiti pa niyang monologo. Naalala tuloy niya bigla 'yung manager sa KFC na naging viral pa nga sa Facebook. Naisip niyang pwedeng makipagsabayan doon si Kenneth.

Pinatong ni Kenneth ang tray sa coffee table. "Oh, guys, lomi?"

Agad namang kumuha ng mangkok si MJ at nilagyan iyon ng lomi. Nilagyan din nito ng toyo-mansi ang pagkain bago tinikman.

"P***, ang sarap!" OA ang pagkakasabi ni MJ. Para itong isang linggo nang nagke-crave sa lomi at ngayon-ngayon lang nakakain. "Ikaw na, p're, ang magaling magluto! Pwedeng-pwede ka na talagang mag-asawa!" Pinagpatuloy nito ang pagkain. Para pa nga itong patay-gutom dahil sa sobrang bilis tapos tulo-tulo pa.

"Salamat," sabi lang ni Kenneth saka siya nito inalok ng pagkain.

Syempre, kumain din si Ruby. Si Kenneth pa nga ang nagsandok niyon. Gusto pa nga siyang subuan nito pero tumanggi lang siya.

"Kenneth, ha?" Binigyan niya ito ng ngiting nagsasabing, "Dumada-moves ka na naman."

Napaiwas lang nang tingin si Kenneth bagaman nakita niyang namula ang mukha nito.

Natawa lang siya saka nagsimulang kumain.

Totoo nga ang sabi ni MJ. Masarap ang lomi ni Kenneth. The meat broth blended well with the al dente noodles. Saktong luto ba, ganoon. Gusto rin niya ang toppings na tokwa, nilagang itlog, carrots at atay ng baboy.

The taste of Kenneth's cooking was exquisite, something she would never forget. No wonder MJ went nuts after tasting the lomi.

"Ang sarap, Kenneth!" puri niya sa katabi. "Pang resto. Iba talaga ang nag-cooking lesson."

"Ha-ha, salamat, Ruby. Buti naman, nagustuhan mo."

Ewan lang kung imahinasyon lang niya iyon pero parang nakahinga nang maluwag si Kenneth. Para bang nag-aalala itong hindi niya magustuhan ang luto nito.

Muli na naman siyang natawa. Ay, nako. Si Kenneth talaga.

"Guys,"—Binaling nila ang tingin kay RJ, na hindi man lang naisip kumain.—"may tanong ako."

"Ano 'yun?" sagot niya.

Abala ang kakambal nito sa paglamon. Nakadalawang mangkok na nga ito nang hindi nila namamalayan.

Well, matakaw si MJ pero napakapayat nito, na kabaligtaran naman ni RJ na malaki naman ang katawan dahil nagsimula itong mag-workout three years ago. Natural kasing mabilis ang metabolism ng kambal.

"Ano'ng meaning ng 'DNP'?" tanong ni RJ. "Dati ko pa ito nakikita, eh. Di ko pa rin alam ang meaning."

"Diary ng Panget, bakit? Wattpad book iyon na naging movie na," sagot ni Ruby saka pinagpatuloy niya ang pagkain.

Tumangu-tango ito. "Ah, iyon pala 'yun. Akala ko naman kung ano."

"Bakit, ano bang akala mo?" tanong naman ni Kenneth.

"Dede ng flat. Ang layo pala ng meaning." Tumawa ito.

Si Ruby naman ay nabulunan. Agad naman siyang inabutan ni Kenneth ng panulak. "Ano ba iyan?" reklamo niya matapos maalis ang bara sa lalamunan. "Nasamid pa tuloy ako sa iyo, leche ka."

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Where stories live. Discover now