MPIASB

34 18 20
                                    

"Happy advance 7th anniversary prinsipe ko."biglang sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. 2 days from now ay officially 7 years and counting na kami.Ewan ko ba kung bakit ang aga ng greetings niya.

"Happy advance 7th anniversary rin prinsesa ko."sabi ko at hinalikan siya sa kanyang noo.

We're almost 7 years,together now.
Ang swerte ko dahil siya ang girlfriend ko.
Bakit?Dahil bukod sa maganda siya ay mabait,matalino,mapagmahal at matulungin pa.
Nang dahil sa kanya tumino ang isang tulad kong basagulero,nagdiditch ng klase,umiinom ng alak at naninigarilyo noon...pero ng dahil sa kanya hindi ko na ginagawa yung mga hindi magagandang ginagawa ko noon.

Lumipas ang dalawang araw at heto ako ngayon sa paborito naming restaurant,hinihintay siya.
Halos isang oras ko na siyang hinihintay pero wala pa rin siya.

"Nasaan ka na ba prinsesa ko?"tanong ko sa aking isipan.

"Kinuha ko ang aking cellphone sa pocket ng pantalon ko at agad siyang tinawagan.

"The subscriber cannot be reach please try again later."

Inulit ko ulit na tawagan siya pero hindi niya pa rin sinasagot kaya ako naman ay hindi tumitigil sa pagtawag sa kanya hanggang sa sagutin na niya.Hindi ko alam kung nakailang missed calls na ako sa kanya bago niya sinagot.

"Hello prinsesa ko...Nasaan ka na?"agad kong sabi pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag.

"Hello prinsipe ko...Pasensya ka na kung ngayon ko lang nasagot ang tawag mo.Dumating kase yung mga relatives namin kaya inaasikaso namin sila.But don't worry papunta na ako.Wait mo ako diyan ha?"sabi nito.

"Sige prinsesa ko.Hihintayin kita...Ingat ka papunta dito ha.I love you."sabi ko naman.

"I love you too...Sige papatayin ko na ang tawag ha.Bye."sabi nito bago pinatay ang tawag.

Pero makalipas ang ilang minuto ay tumatawag ang prinsesa ko...Ewan ko kung bakit kinakabahan ako.

"Hello prinsesa ko."sabi ko ng masagot ko na ang tawag,pero ibang tao sumagot sa akin.

Halos tumigil ang buo kong sistema ng malaman ko ang nangyari sa kanya kaya nagmadali akong nagtungo sa hospital dahil naaksidente siya.

"Tita nasaan po siya?"agad kong tanong kay tita(ang mama niya) ng makita ko sila sa labas ng E.R.

Umiiyak sina tita at ako naman ay pinipigilang tumulo ang mga nagbabadya kong mga luha.

"Nasa E.R pa siya...Sana lang ay maging maayos siya.Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya."sabi ni tita habang umiiyak.

Mayamaya lang ay lumabas mula sa E.R ang isang doctor.

"Doc. kamusta po ang kalagayan ng anak ko?"
agad na tanong ni tita sa doctor.

"Kritikal sa ngayon ang kalagayan ng pasyente dahil sa dami ng injury na natamo niya,marami ring dugo ang nawala sa kanya at nasa comatose state siya ngayon.Huwag kayong
mag-alala dahil ginagawa namin ang lahat para mabuhay siya.Ililipat na po namin siya sa private room at mayamaya lang po ay pwede niyo na siyang puntahan.Excuse me po." sabi ng doctor at umalis na ito.

Lumipas ang hindi lang isa,dalawang taon kundi tatlong taon na mula ng mangyari ang aksidente.Today is our 10th anniversary at 3 years na rin siyang comatose.

"Happy 10th anniversary prinsesa ko." sabi ko at inihipan ang kandila sa cake na hawak ko.
Inilagay ko na sa table na nasa malapit sa kama niya yung cake at umupo na ako.

"Prinsesa ko gising ka na oh.Tatlong taon ka nang natutulog at nakahilata diyan.Hindi ka ba nangangawit diyan?Tyaka sige ka mapapanis na yang laway mo...hahha...joke lang iyon prinsesa ko.Ang sarap sanang tumawa kung kasama kita na hindi ganito ang sitwasyon.Ang saya din sana ngayon dahil 10th anniversary na natin.May gift nga pala ako para sayo.Etoh oh...New album ng favorite mong korean boy group.Nagkaroon kase sila ng fansigning event dito sa pilipinas last week.Pumunta ako para makapagpasign at kinuhanan ko rin sila ng mga litrato para sayo dahil alam kong fan na fan ka nila.May ibinigay rin pala silang souvenir para daw sayo.Nasabi ko kasi sa kanila ang tungkol sa kalagayan mo kaya sinasabi nilang gumising kana raw dahil gusto ka nilang mameet.Ayaw mo ba iyon?
Makikita mo na sila ng personal kaya gising na oh.Miss na miss na miss na kita...Patawad kung minsan iniisip kong sumuko na pero hindi ko kaya dahil mahal na mahal kita.Handa akong hintayin ka kahit minsan nakakapagod na,hindi ako susuko.Kung may hihingiin man akong regalo mula sayo ay ang 'Gumising Kana'.
Para ka nang si sleeping beauty diyan oh.
Kung sana lang gumagana ang true love's kiss ay sigurado akong matagal kana sanang gising at kung sana lang ay nasa mundo tayo ng pantasya pero nakakalungkot Dahil wala tayo doon sa mundo ng pantasya kundi nasa reyalidad tayo.Reyalidad kung saan hindi gumagana ang true love's kiss para gisingin at basagin ang isang sumpa."sabi ko at pinunasan ang mga luhang lumalandas sa mga pisngi ko.
Hinawakan ko ang isang kamay niya at hinalikan ito.

"I love you so much and I miss you so so much.
I don't know what to do without you so please come back now." naiiyak kong sabi at isinandal na ang ulo ko sa side ng bed niya at unti-unti na akong nakaidlip.

Lumipas ang ilang buwan ay pumanaw na siya.
Ang sakit-sakit.Hindi ko kayang tanggapin na wala na siya pero kailangan.

Andito ako ngayon sa puntod ng prinsesa ko.
Inilapag ko ang mga sariwang mga mapupulang rosas na paborito niya sa kanyang lapida at nagtirik rin ako ng kandila.

*FLASHBACKS*

"Doc. ano pong nangyayari?" naiiyak na tanong ni tita sa mga doctor.

Halos hindi ako makagalaw sa pwesto ko at sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko.

Isang nakakabinging tunog ang maririnig at mga salita ng doctor ang maririnig dito sa loob ng silid at pati mga iyakan.

Nire-revive kasi siya dahil bigla nalang kasing naging straight line yung mga linya sa monitor.

Nakatingin lang ako sa kanya,hindi ako makagalaw at hindi alam ang gagawin.

Bigla nalang huminto ang mga doctor sa pagrevive sa kanya at sinabi ng isang doctor na

"Time of death 1:43 pm."

"We're so sorry."wika ng doctor.

Agad namang nagsilapitan sa kanya ang mga magulang niya at iyak sila ng iyak.

Ako naman ay bigla nang napaiyak dahil hindi ko matanggap na wala na siya.Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang mga kamay.Then,napaluhod nalang ako.

*END OF FLASHBACKS*

Napangiti nalang ako ng mapait ng maalala kung paano siya malagutan ng hininga.

"Paalam na mahal ko."sabi ko at umalis na sa puntod niya.

                      ———THE END———

Vote and comment...<3
🖤FadingAsh

My princess is a sleeping beauty(One Shot)Where stories live. Discover now