Inside I was hoping na sana wala doon ung mga nakasalubong ko sa panaginip ko.

Dahan-dahan akong lumabas ng CR. Syep by step akong naglalakad, counting a second before taking another step.

Nakahinga ako ng maluwag nang wala namang suspicious sa labas kaya't naglakad na ako ng mabilis. Pinagtitinginan pa rin ako dito kasi nakabonnet at shades pa rin ako. Siguro iniisip na nilang weird ako kasi wala namang araw ba't ako nakaganito. Tsk. Mind their own business and I'll do mine.

Now back to mine. Naglalakad pa rin ako ng mabilis nang tumitingin sa kaliwa at sa kanan.

Kaliwa...

Kanan...

Kaliwa....

Kanan...

Kaliwa...

Kanan...

I was relieved when finally nalampasan ko na ang area kung saan dapat ko silang makakasalubong. Naimemorize ko pala ung napanaginipan ko.

Tinanggal ko na ung shades at bonnet ko kasi malapit na rin naman ako kina Miku. I could even hear them laugh out loud.

Nagulat ako at nanlamig nang may mabangga ako. Sh*t sh*t sh*t....

I closed my eyes and cursed simultaneously, hoping that this is someone I don't know. Oh please.

Slowly, binuksan ko ung mga mata ko and was relieved to see a stranger standing in front of me.

"Mian." sabi ko informally. Aish. Baka hindi niya maintindihan.

"Daijoubou." sagot nito. Eh? Japanese un ah?

Hindi ko napigilan ang ngiting sumilay sa labi ko na naging tawa.

"What's funny?" Tanong nito.

"I just found our small talk funny. I talked in Korean but you answered in Nihonggo. Ain't it funny?" sagot ko na nakangiti.

Nakatitig lang siya sa akin na ikinakunot ng noo ko. Kapagkuwan ay ngumiti siya."You're more of a laughter." Sabi niya bago umalis pero may sinabi muna siya. "See you around."

I wonder kung anong ibog nitong sabihin doon pero hindi ko na lang pinansin kasi nakatingin na pala sa direksiyon ko ung dalawa na may mga malisyosong ngiti sa kanilang mga labi.

"Ano un?"Mapanuring tanong ni Mariel.

"Wala. Tara na. Andian na ung sundo natin." Dismiss ko sa kanila. Hindi nakaligtas sa akin ang mapanukso nilang mga ngiti habang sinasabing "New found love"

Love? Saan banda? Tsssss. I just bumped into a stranger that is not even related to me or to anyone I know.

"A'right then. SM Taguig tayo." Announce ni Miku na nakaupo sa harap.

Oh boy here we go again.

I was desperately asking for a jamais vû(been there but don't remember, nangyari na pero wala kang maalala tungkol doon. Opposite siya ng deja vû) to enter my body systems but it was to no avail.

Paranoia strikes.......again. *sigh heavily*

Mag-isa lang kasi ako ngayon. Kating-kati akong pumunta sa hyper, like I used to be. Kapag pumupunta ako sa SM, hypermarket lagi ang una. Pero ngayon no way, so I settled for department store.

Wala naman akong magustuhang bilhin dun kasi wala naman akong ibibilhan in the first place, liban sa sarili ko.

Pumunta na lang ako sa iba pang mga botique ng damit. Nadaanan ko ang Jag kaya bumili ako ng jeans.

Simple lang ako manamit. Hindi naman ako ung taong 'branded'(in such way na higher-brand class ang binibili).

I wear Chanel tops aside from my favorite, A/X. And prefer Jag jeans and Lee pants. As for dresses, A/X is still on my top list, my shoes are from Niké, and my heels? Rusty Lopez is enough. I love Victoria's Secret's Blue Perfume, Secret Garden. It smells Garden fresh. And I prefer Guess for my bags.

Ugh fudge. Girl's way of thinking. I guess I love shopping like other girls do? So much for that.

Hindi naman talaga mataas ang halaga ng mga binibili ko eh, 'di ba? Others may think it still is high but no. Kung iniisip mong mataas ang halaga ng isang bagay then hindi mo pinapahalagahan ang halaga ng iyong buhay.

Napadaan ako sa Tom's World. Wow Toy Crane! Pero naisip ko ung mga pinamili ko, madami na pala so I decided to deposit it at the baggage counter. I have five shopping bags. Geez hindi ko namalayan. Ayaw na ayaw ko ang may hinahawakan kapag shopping. Anyway, balik na ako sa Tom's World. Inilibot ko muna ang tingin ko sa loob. Maraming naglalaro lalo na doon sa isa na hinuhulugan ng piso. What do you call that?

Pumunta na ako sa helera ng mga toy cranes. Wow ang daming choices. Nagtingin-tingin ako kung ano ba ang magandang kunin and there! Nakakita ako ng domo.

Pero hindi ako fan ni Domo so I rejected it. Tssssss. What did they find in that fanged bear? Red na dila? Tsk.

Random na nga lang. Gusto ko lang maglaro. Naghulog ako ng isang token at nilaro ung isang toy crane. First try, nakakuha na ako agad. Easy win naman pala ito eh.

After three tries umalis na ako. Pero ipinasupot ko muna ung tatlong nakuha ko from the crane. Mula elementary adik na ako sa Toy Crane kaya madali na lang ang strategy ko dun. *laugh*

I passed by Tribal's botique at nacurious ako kung anong meron sa loob. It's my first time getting in this particular botique. Hindi kasi ako mahilig sa design niya dati pero I think it's okay so.....I bought one T-shirt for me.

Bumili pa ako ng kung anu-anong pagkain sa mga in-stalls habang naglilibot. Bumili na rin ako ng Uncommon phone protector for my Iphone. Bumili ng kung anu-ano connected sa mga gadgets at marami na naman akong buhat.

Pero ikiclaim ko na ung nasa counter kasi pagod na akong maggala. Nang makapasok ako sa kotse ay nandun na pala ung dalawa kong kasama.

"Tagal mo naman." Iritang sabi ni Miku.

"Oo nga." Sabi naman ni Mariel.

"Anong binili niyo?" Tanong ko.

"Mga kung anu-ano sa hyper." sagot nilang dalawa.

Now that they've mentioned it, hypermarket...

Aish. Get rid get rid get rid.

Pero successful naman ako kanina eh. I forgot about the thing that's making me paranoid.

"Saan tayo? " tanong ko sa kanila.

"Sa bahay namin." Wika ni Miku. Okay. So doon na lang. Pero gusto kong i-visit ung condo ko eh. Hindi ko naman un ibinenta. But next time na nga lang. Ayaw kong maginsist ngayong naiisip ko na naman ung ex-husband ko.

Naalala ko ung tao sa airport kanina. What does he mean nung sinabi niya un?

*Karl's POV*

"Mark, I have something to tell you." bungad ko sa aking pinsan.

"What?" Iritang tanong niya. *shake head* Maiirita ka pa kaya kung malaman mo?

"She's back. Lianna Matrix Eigenman is back." Sabi ko.

"........"

As expected. "I'll have her." Madiin kong sabi bago siya babaan. I even heard him cuss.

I took my wallet and looked at the picture in there.

"Leigh..."

***************************

Oh 'di ba spoiler? Haha! Happy vibes ako ngayon ewan ko kung bakit.

Anyway, I love you guys!

Not Enough (Completed)Where stories live. Discover now