"Oo! Ilan ba? Mayroon ding dugo.."

Shocked, napatakip ako ng bibig. Dugo ng ano? Dapat yata pumayag na lang ako sa alok niya kanina na kumain sa fast food. Kita ko ang nagtataka ng tindero at tinignan si Fire.

"Masarap yon, hija," ngiti niya. Binaba ko ang kamay ko at sinubukang ngumiti.

Naglagay si Fire sa isang plato ng mga napili niya. Apat na barbecue, apat na ano yon.. intestines? Dalawang itim na something na hugis square at dalawang hotdogs. Parang yung hotdogs lang yata ang makakain ko. Wait, Tender Juicy kaya ang brand non?

Still holding my hand, hinigit ako ni Fire papunta sa mga stool at square na mesa sa gilid. Nauna akong maupo habang siya ay nakatayo lang at tinitignan ang cart na katabi ng ihawan.

"Gusto mo ng softdrinks?" tanong niya.

"Oo," sagot ko habang tinitingala siya.

Lumapit siya sa cart at bumili. Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang paligid. The posh men I saw earlier are sitting on the plastic stools drinking beer and eating other street foods, may mga babae namang nagagawi rito pero iyon ay para lang tumabi sa mga lalake. They didn't sit or buy something.

Bumalik si Fire na may dalang dalawang paper plates. So, we are really going to have dinner here? I scanned the place again. Ang maliit na area ng barbecue-han ay may dalawang fluorescent lights, sapat na para mailawan ang grill, cart at apat na mesa. The same goes for the other food carts.

Fire came back holding two bottles of cola on one hand while on the other is probably the grilled foods. Pagkalapag niya ng mga iyon sa mesa ay agad kong sinuri ang mga inihaw. They look appetizing naman.

"Ito yung suka, Fire. Maanghang yan."

Kinuha ni Fire ang maliit na bowl na inabot sa kanya at nagpasalamat.

"Isaw.." turo ni Fire sa intestines, "betamax.." sunod naman sa square na itim,"barbecue at hotdogs."

Pinigilan kong itanong kung anong brand ng hotdog iyon. Baka sabihin ni Fire na ang arte ko. He put two pork barbecues and one hotdog on my plate. I watched Fire eating these foods normally. Siguro ay matagal na siyang kumakain ng ganito.

Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang tingin sa amin ng nag-ihaw, he smiled at us. Nginitian ko rin siya pabalik at nagfocus na sa pagkaing nasa harap ko. Bibili na lang ako ng yakult mamaya para kung sakaling sumakit ang tiyan ko.

I am aware that Fire is glancing at me every time na sumusubo ako. The barbecue is good at halos paubos ko na ang kanin ko.

"Try this," sabi ni Fire pagkatapos isawsaw yung intestines sa suka. Medyo kabado pa ako nang kinuha iyon sa kanya. I hope that my stomach won't be upset after eating this. Nako talaga!

My eye lit up nang ma-realize kong ayos naman pala ang lasa. Ngumisi si Fire at nilagay sa plato ko ang isa pang stick ng isaw.

After our meal, nagpasalamat si Fire sa vendor. Akala ko ay pupuntahan pa namin ang mga kaibigan niya bago kami umalis but he told me that he should drive me home na.

"Sure ka? Di ka na magpapaalam sa kanila?"

He frowned a little,"Yes, Ziana. Bakit?"

"Wala lang," I shrugged at nilingon ang isang grupo ng mga lalakeng bumati kay Fire kanina, kasama nila doon ang pinsan ni Conrad.

Hinawakan ni Fire ang likod ko at iginiya na sa kanyang kotse, the car he usually uses, not the one na pang karera niya.

"Babalik ba uli tayo rito?" tanong ko sa kanya.

Pink SkiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora