Chapter 7: Believe.

1.3K 45 7
                                    

Chapter 7: Believe.

Dianne Ysabella Granada

It's been two weeks since I kissed Chris and desperately asked him if he love me. He didn't answer me, though. He just stared at me like a dumb person. Kaya hindi ko na kailangan pang i-analyze kung anong sagot niya. He doesn't.

"Kelan ba kayo mag-uusap ng matino?" Umirap ako kay Dominique na siyang nagsalita. She's too insensitive. Hindi niya ba napapansin na ayaw kong kasama si Chris? At ganon din si Chris sa akin.

For almost two weeks, Dominique's been pushing the two of us to be together. Tuwing lunch sasama siya sa akin, and Chris being his own dog, sumasama din ito sa amo niya.

"Never." Umalis na ako at pumunta sa Melody.

Ganito palagi. Sasama sa akin sila Dominique, susungitan ako ni Chris na para bang ako pa ang may ginawang masama sa kanya. I'm so tired of dealing with him. Kahit naman mahal ko siya he doesn't have any right to treat me that way. Minsan ay pinapatulan ko siya, pero sa huli ay ako pa din ang talo. Hindi ko siya kayang pagsalitaan na lang katulad ng dati, kaya ang ginagawa ko na lang ay aalis ako at pupunta dito sa Melody para naman matahimik ang buhay ko.

"Bakit nakaganyan ka?" Tanong ng bagong dating na si Andre. Nakatukod kasi ang aking siko sa takip ng grand piano dito at kunot noong nakatitig sa music sheet sa harap ko. "You don't have to say it. Alam ko na."

Umismid ako sa kanya at inalis ang takip ng piano, I press some keys hanggang sa nagpatugtog ako ng isang sikat na symphony ni Mozart. Pumikit ako at dinama ang musika na lumalabas mula dito. I'm not creating the music, music ang nagdadala sa akin.

Nasa parte na ako ng symphony kung saan bibilis ang tempo, I thought I was doing fine when I felt my finger pressed the wrong key. Napamulat ako at tinitigan ang kamay kong namali ng pwesto.

"Nagkamali ka," puna ni Andre. Tumango ako sa kanya at inalis na ang kamay ko sa piano. "You're distracted."

Naupo siya sa tabi ko at kinuha ang kamay ko tapos ay nilapag iyon sa piano. He put my forefinger in one of the keys and pressed it, making a soft sound from it.

"Why are you distracted?" Lumingon ako kay Andre, nakatitig siya sa akin at nakangisi. Itinaas niya ang kamay ko at magaang hinalikan ang likod nito. Inirapan ko siya, ngumuso ako at umiling sa ginawa niya.

"Ysabella!" Mabilis na binawi ko ang kamay ko kay Andre at tumayo. Napatingin ako kay Chris na siya lang namang tumatawag sa akin ng Ysabella. "Kanina ka pa namin hinahanap."

Lumingon ako kay Andre at nakangisi pa din na para bang may bagay siyang alam na hindi ko alam. May binulong pa ito at tumingala upang magkasalubong ang aming titig, ngumiti siya at kumindat sa akin.

"Ysabella!" Napairap ako sa kawalan at naglakad palapit kay Chris na halos umusok ang tenga sa inis. Bakit siya naiinis?

Binigyan ko siya ng masamang tingin at lumapit na kay Dominique na parang naiirita na natatawa. This girl is getting crazier each day. Bunga siguro ng hindi pa din nila pag-uusap ni Jhester simula pa nung prom.

Invisible (BLAIV: Jump Ball Spin-Off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon