Chapter 4: Choice.

1.4K 46 4
                                    

JhasMean: Pasensya nap o kung maikli at walang kwenta ang UD. Hahahaha! Salamat sa pagbabasa. :)

Chapter 4: Problema.

Chrisander Army Alonzo

“Hey, andito ka lang pala Bea. Kanina pa kita hinahanap.” Lumingon kami ni Ysabella sa tumawag sa kanya at napatangis na lang ako ng bagang nang makitang si Louie iyon.

May sinabi it okay Ysabella na hindi ko na pinakinggan pa.

‘Yeah, screw you, Chrisander. You can do nothing but watch. You’re pathetic.’

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong sumakit pagkaalis ni Ysabella at Louie. Sumandal ako sa puno at tumingin sa itaas, napakadaming bituin ngayong gabi. HInawakan ko ang aking labi at ngumiti. She tastes sweet.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Dominique, after few rings she answered.

“What? Made your move yet?” Bungad niya sa akin na ikinangiti ko.

“You know, I can’t.”

“Ugh. You’re frustrating. Yeah, yeah, you can’t because you love me. Chrisander, didn’t it ever came to your mind that probably, just probably, you’re the one who’s not really in love with me anymore? At isa pa, how can you forget your feelings for me if you don’t open your heart for someone else?”

Mariing pumikit ako. “I can’t love her.”

“You can’t or you don’t?” Hindi ako sumagot. “Oh my...”

Nang matapos ang pag-uusap namin ni Dominique ay umalis na ako sa Garden, but before that, iniwan ko muna ang isang pahabang kulay pulang box sa pwesto kung saan ko hinalikan si Ysabella at bumalik na sa loob ng bahay nila.

And there in their living I saw how that Louie serenades her.

“'Cause every time you touch my hand, you feel my powers running through your veins. Well I can only write this song, and tell you that I'm not that strong. 'Cause I'm no superman, I hope you like me as I am.”

Damn. You’re definitely not superman, because if you are, I’ll drag you to planet Krypton immediately.

Dianne Ysabella Granada

After kumanta ni Louie ay nilapag niya ang gitara sa tabi niya at kinuha ang bulaklak sa ibabaw ng piano na katabi niya. Gulat pa din ako sa ginawa niya, pagdating kasi namin dito ay sinabi niya ibibigay niya daw ang regalo niya sa akin. I didn’t know it will be something like... this.

“Finally. A reaction from you.” Nilahad niya ang bulaklak sa akin na tinanggap ko naman. “Mukha namang halata na, Bea. I like you. So much. Can I court you?”

Hindi ako makasagot. Tumingin ako sa mga tao sa paligid, they were all smiling, ganon din ang kapatid ko na parang kinikilig pa. Kinikilig? Bakit hindi man lang ako makaramdam ng kahit anong saya sa ginawa niya. Parang normal lang. I don’t feel moved by it.

“Pumayag ka na, Ate!” Sigaw ng kapatid ko.

Invisible (BLAIV: Jump Ball Spin-Off)Where stories live. Discover now