Chapter 13: Refuse.

1.3K 37 7
                                    

JhasMean: maikli lang ito. Sorry. :(

 

Chapter 13: Refuse.

Dianne Ysabella Granada

“Tita?” Nagtatakang tawag ko sa ina ni Chris. Two weeks na ang nakalipas simula ng magising si Chris, at habang tumatagal ay lalong sumisigla ito, kinakain na din nito ang mga pagkaing dati ay hindi niya pwedeng kainin – gaya ng chocolates at cakes. “Bakit po nililigpit na ang gamit ni Chris?”

Ngumiti ito sa akin pero may kakaiba akong napansin dito na hindi ko maipaliwanag. “Naku, Si Chris nagpumilit na i-discharge na siya ngayon.” Isang buwan pa dapat si Chris mag-stay ditto dahil daw may ilang bagay pang kailangang i-monitor sa kanya. Kung ano iyon – ay hindi ko alam. Basta ‘yun ang sinabi ni Dominique sa akin pati na din ni Doctor Laudencia.

“Eh, bakit daw po?” Tinulungan ko siya sa pagtitiklop ng ibang gamit. Wala si Chris at ganon din si Lukas kaya nagkaroon na ako ng clue na baka magkasama sila.

“Magaling na daw siya, eh.” Bahagyang pumiyok si Tita pero hindi ko na lang iyon pinansin at sinabihan siyang ako na lang ang magliligpit ng gamit dito sa kwarto na hindi na naman niya tinanggihan dahil siguro sa pagod.

Natapos na ako sa pagliligpit pero hindi pa din dumadating si Chris at Lukas. Naupo na lang ako sa katapat na sofa ni Tita at mahinang nakinig ng music. Tulog si Tita at mukhang pagod na pagod. Mukha ding kagagaling lang nito sa pag-iyak. Hinayaan ko na lang ito dahil kung may problema man si Tita ay labas na ako doon. If she wants to tell me about it, I will listen. I have no right to meddle.

Halos kalahating minuto ang lumipas nang dumating si Chris kasama si Lukas, sa likod din nila ay nandon si Angelique. Angelique’s hand was wrapped around Chris’ arm, and she was sobbing, namumula din ang ilong niya at mugto ang mata. Did she cry?

“What happened?” Nag-aalalang tanong ko kay Angelique. Pinunasan niya ang luha sa pisngi niya at nakangiting umiling sa akin. I looked at Lukas, umiling lang din siya, ng bumaling naman ako kay Chris ay wala akong makitang emosyon sa kanyang mukha. Tumango lang siya at nilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman ito tapos ay naguguluhang tinanggap ang bigla niyang pagyakap sa akin. Angelique burst into tears.

I want to ask them what’s happening but then my mind told me not to. That’s why I didn’t.

Four days had passed. Ito ang araw na inaya ako ni Chris na mag-date daw kami. Alas-tres ng hapon kami aalis dahil sa Sky Ranch sa Tagaytay daw niya kaming gustong pumunta. Ang sabi ko nga sa kanya ay sa Star City na lang kami dahil mas malapit iyon pero pinilit pa din niyang sa Tagaytay kami. Pumayag na din ako dahil mukhang gustung-gusto niyang pumunta doon.

Mga alas-dose ng tanghali ay naligo ako ulit. It was hard for me to pick up clothes to wear dahil hindi ko alam kung magpapakababae ba ako o yung normal na suot ko lang ang gagamitin ko. At quarter to two na ng mapagdesisyunan kong mag-simpleng shirt na may nakasulat na ‘Save water, drink beer’ ang sinuot ko at skinny jeans, sinuot ko din ang paborito kong Air Jordan at nagdala ng maliit na back pack na nilagyan ko ng dalawang jacket, power bank, wallet at extra na damit. Mga Alas-tres y media na din ako natapos at nakipaglaro muna ng video game kay Ysa hanggang sa dumating si Chris.

I was expecting him to come alone but was surprised when I saw Angelique and Lukas with him.

Invisible (BLAIV: Jump Ball Spin-Off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon