Part2- friends

10.1K 130 23

PLEASE SAY DON'T part2

Recap:

Then she suddenly..kissed my cheeks for 3 seconds.. Binilang ba? 3 baka naman ang sasabihin niya is..

To LOVE ME.

To be mine

Ano sa tingin niyo?

Pakipot pa.Then she walked away then looked back tapos nag mouth ng words.. na talagang

NAGPAGUHO SA BUONG MUNDO KO...

".............BREAK YOUR HEART"

***

"OHMYGOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOSSSSSSSSSSHH!!!!!!!!!! "

Napalingon kaming lahat sa sumigaw! Harujosku! Si Avril! Siya yung magaling na may gusto sakin. Haha. Dami ba? Sabi ko naman sa inyo eh sikat ako... Pare-parehas lang naman ang mga babae.

T________T

Hindi pala. Naalala ko na naman yung babae kanina. Ayaw kong ipahalata pero nasaktan ako sa sinabi niya. Yung alam niyo yung feeling na biglang parang tumusok sa puso mo? Xete! Ayoko ng gantong pakiramdam. Lumalabas ang Pagka JACE ko.

Si irvin siya ang mayabang, cool,sikat,matalino at mataas ang pride na tipo ng tao.. Samantalang si Jace siya ang parte ng pagkatao kong siguradong mamahalin mo.. Malambot ang puso, madaling masaktan, tapat at higit sa lahat mapagparaya.

Ang sa panahon ngayon si IRVIN muna ko.

"Tol! Bilis mo naman maka-score! " sabat ni Clarenze na mayabang! :0 hehe. Peace ulit tayo jan tol! Apir!

Pewww. Kung alam lang nila kung anong sinabi sakin nung Goddess na iyun.

"Pare oo nga. Anong sinabe nun sayo?" Umaariba na naman ang pagkatsismoso nitong si Norvin..

"Sus.Ha ah? Secret na namin yun kung ano man yun!" at may nakinig na kong tsismisan sa tabi...

Chismosa no. 1 - "Huaw. Ang landi nung babae.! Gf niya kaya yun?"

No.2 - "Pero yun yung transferee! Ung sinasabing maganda talaga at matalino!"

No.3 - "bagay sila. Injerness! HAHAHAHA! No.1 fan ako ng loveteam nila.."

Tapos umentra sa eksena si Avril..

"Excuse me lamang sa inyo ha. Pwede wag niyong pagtsismisan si Irvin? Atsaka, wala silang affair. Yun lang. Sayonara!"

Sus. Palapit na siya samin.

"Hi Irvin..Eld,Clar, norvs! Musta bakasyon? "

"Ayos lang! Hehehe. Me tama ka pa rinba kay Irvin namin? " Eldridge naman sumabat ka pa!

"That's permanent.. There's nothing you can do about it. Hehe. Atsaka, matagal ko ng inaccept na wala kaming future niyan Kaya nga bestfriend na lang kami di ba Irvin? " tapos kumapit siya sa braso ko..

"She's right. It's better this way. Friendship is way better. "

Bestfriends kami ni Avril. We used to know each other since Elementary. And yes, me gusto talaga siya sakin.. Kaso hindi mutual. Maasahan ko yan sa lahat ng bagay! At higit sa lahat, readers DI YAN KONTRABIDA SA STORYANG ITO J

Hehehehehehe..

Peace!!

Andito na kami ng barkada sa classroom. Magkakaroon kasi ng orientation. Tapos dahil nga sabi ko matalino kaming magkakabarkada, Section A kami. J kami pa! Pumasok kami sa loob. Yung iba talagang feeling close! Nagtanong tanong ng kung ano ano..

Hinihintay na lang namin ang mga kaklase namin.

"Pare! Ano kayang section nung chic kanina noh?! " haaaaya. Naalala ko na naman.

Natulala na ko. Basta pag siya na ang pinaguusapan nawawala na ko sa sarili ko, nagiging Jace na ko! HUHU.. Yuck para kong bakla. Ano kayang feeling na maging kaibigan si goddess ? Ambango niya kanina , parang naligo ng pabango? Tapos yung labi niya ang lambot nung kiniss niya ko sa cheeks. Tama lang ang height niya. Bagay sakin.

"Hello! Irv! Pare, takte! Kaklase natin yung babae!" pabulong na sabi ni Clarenze!!!

"At pare, guess what? Haha. Ganda ng taon mo, kaklase natin si Lita girl! "

"Oh? Di nga???!! Pano nyo nalaman? Wala pa sila dito?! "

"Tungek! Ano pang use ng class list sa pintuan di ba?!" oo nga nuh..

Maya maya... dumating na ang anghel... at nagulat ako kasi sa vacant seat na katabi ko siya umupo.

"AYIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEE!" mga kaklase ko talaga! Himala mag kaka love team ata ako..

"Hi..I'm Irvin" Bati ko sa kanya. Makikipag shake hands ako..

Ngumiti siya.! WOOOO/ Nag smile siya?! Pwede na kong mamatay! Ay joke. The sweetest smile I've ever seen in my whole life.. inabot niya yung kamay niya..

"Eyedea. " parang hindi siya yung babae kanina parang naging soft siya ngayon..

"Ahem.Ahem. Yung kamay ko Irvin. Baka pwedeng pakibitawan na ? "

"AYIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEE" Umygad!

Hindi ko naman kasi napansin na hawak ko pa rin yung kamay niya. Nalambot syete! Heaven.

"Ay sorry. "

Bigla syang tumalikod. Ayan umiiral na naman ang babae kanina. Hmmp! Duamting na si Ms. Soriano.. Siya ang magiging adviser namin

"Hello guys. Ako ang adviser nyo. Gusto ko friend ung turing niyo sakin, At sana maging masaya ang ating school year. Kelangan gawin niyo na at sulitin niyo na ang lahat. Make the most out of it. Pakilala na kayo.. "

Isa isang tumayo ant nagpakilala ang mga bago kong kaklase.. Time na ni Eyedea mylab para magpakilala..

"Hi sa inyo.. I'm Eyedea Lorraine Madrigal. Just call me, Eyedea for short! I want us all to be friends. Thank you! Xoxo!"

Sumabat si Clarenze "kasama ba si irvin sa gusto mong maging friends?"

"It depends. ^______^V" shete. Ang ganda niya.

At natapos na ang orientation.. Lunch na.. Sa labas inabangan ko si Eyedea.. Di niya ko pinapansin.. Yan .. Aw... Kasama niya si Lita.

"Hi Eyedea."

STARE.STARE.GLARE, TUNAW NA KO..

Dinaanan niya lang ako . T_______________T .. AYOKO NA!!!!!!!! IIYAK NA KO!

PLEASE SAY "DON'T"Read this story for FREE!