I apologetically look at Fire. Binitawan naman niya ako agad at tinapunan ng tingin ang kakambal ko. Dumausdos ang kanyang hawak sa akin from my wrist to my fingertips. My heart pounded from that simple touch.

Ako na mismo ang naghanda ng inorder ni Fire dahil abala halos lahat. Dumami ang nagpunta sa booth namin, hapon na kasi, marami ang gustong magmeryenda at siguro dahil kay Fire.

"Ako na ang magbibigay niyan kay Kuya Fire," sabi ni Zian at umambang kukunin ang tray na hawak ko. Nilayo ko iyon sa kanya dahilan kung bakit kumunot ang noo niya."Ziana."

"Bakit ikaw?"

"Bakit di pwedeng ako?" nagtaas siya ng kilay.

"Kasi hindi naman ikaw ang kumuha ng order niya," pagrarason ko. Medyo napaisip ako roon, tama naman.

"Bawal ba? Tulungan mo na lang kaya si Rachelle sa pagtitimpla."

"Ehh, tumulong na ako kanina," sabi ko at sinubukan siyang lampasan pero hinarangan niya ako. Hala, bakit ang kulit?

"Kayong dalawa na lang kaya ang maghatid," utas ni Edson sa tabi.

"Don't tell me, Zian crush mo rin si Fire?" pang-aasar ni Mica. Natawa sila at sumimangot ang kakambal ko habang masama silang tinitignan. I took that time to leave them. Hindi ko na sila nilingon.

Binaba ko ang order ni Fire sa tapat niya at nagbayad agad siya. It's the exact amount kaya hindi ko na siya kailangang suklian pa. Hindi agad ako umalis sa harap niya, gusto ko kasi sanang tanungin siya kung saan kami pupunta. Thankfully, nauna na siyang magsalita.

"I have a race today, gusto mong manood?" he asked.

Nanlaki ang mga mata ko. Ito yung karerahang sinabi ni Conrad noon. Yung sa ghosttown daw!

Hindi ako nakasagot agad sa pagkabigla. Hindi rin ako makapaniwala! Nanatili lang siyang nakatitig sa akin, patiently waiting for my answer.

"S-Sige.. pero sasabihin ko muna kay Zian tsaka.. ite-text ko si Daddy.."

Sumandal muli siya sa upuan,"Nagsabi na ako sa kanila. But still, message them."

My brows raise. Talaga? Kinausap niya kanina?

Bumalik ako sa counter at nakatingin sa akin ang kakambal ko. Malamang ay may hinala na to kung anong pinag-usapan namin ni Fire.

"May pupuntahan kami mi Fire," I said. He looked at Fire briefly then back at me.

"Alam ba nina Dad?"

Tumango ako at unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mukha. Inirapan lang ako ng kakambal ko at sinabihang umuwi bago mag-alas otso.

By five in the afternoon, nagliligpit na kami. Fire stayed at tumulong pa sa amin. His muscles flexed when he lifted some boxes.

"Salamat, Kuya Fire," Winona said while giggling.

Umasim ang mukha ko at nag-iwas ng tingin. Binilisan ko na lang ang pagtulong ko para makaalis na kami agad.

"Edson, same time pa rin bukas di ba?" tanong ko.

"Oo. Salubungin namin kayo bukas sa gate para matulungan sa mga dala niyo," aniya.

Tumango ako at nagpaalam. Nang sinabi ko sa mga kaibigan ko na sasama ako kay Fire ay halos maestatwa sila and their jaw dropped when they saw Fire walk towards me. Uminit ang mga pisngi ko at ginawaran na lang ng maliit na ngiti ang mga kaibigan.

"Alis na kami, Zian," Fire said casually. Medyo kabado akong bumaling sa kapatid.

Nakasimangot pa rin siya habang tumatango. Mukhang labag na labag sa kalooban niya. When we're walking away, nilingon ko uli si Zian. He mouthed something at tinaas kanyang braso at tinuro ang relos. Oorasan na naman ako. Pagbalik ko ng mga mata sa harap ay agad na tumambad sa akin ang likod ni Fire at nabunggo ko. Mabilis akong umatras habang hawak ang noo.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now