Prologue

49 1 0
                                    

"Kyaaahhh.." sigaw ng katabi ko at sinamahan pa nito ng malakas na paghampas sa balikat ko na kinangiwi ko.

"Ano ba naman yan, Cha. Maiinjured ako dahil diyan sa pinaggagawa mo eh." Saad ko sabay haplos ng balikat ko na hinampas niya.

"Teh, sino ba naman hindi kikiligin? Ang gwapo gwapo ni Ace lalo na kapag kumakanta." Sagot nito saka tumulalang nakangiti. Nag-iimagine ata na kinakasal sila ng idol niyang artista na hindi ko naman kilala.

"Ay teh, Wala akong pake diyan sa dine-day dream mong lalaki na yan." Ubos pasensiya kong sambit saka pinulot ang libro kanina na nahulog dahil sa paghampas nito sa akin.

Imbes kasi na magreview kami sa nalalapit na final examination ay iyon ang ginagawa niya. Pinapanood ang paborito nitong artista.

"Bitter." She mumbled.

"I heard that." I uttered. Tinaas nito ang kamay niya na parang nahuli na ng pulis.

PAGKATAPOS ng tatlong oras na pag-stay namin sa tambayan namin at dahil wala na kaming susunod na klase ay nagpaalam na ako pero ang bruha gusto pang makisabay sa akin.

"Ayaw mo talagang pakinggan boses si Ace, Ria. Ipaparinig ko sa'yo mga cover songs niya. Tiyak na magugustuhan mo siya. Promise, Ibebenta ko lahat ng collection ko ng EXO kapag hindi mo nagustuhan." Mahaba niyang sambit ng makalabas na kami ng University.

"Tch, fine. Akin na, headset mo." Nilapag ko ang kamay ko sa kanya at agad naman nitong binigay sa akin kaya isinuot ko naman.

"Heto ang pinaka latest niyang kanya although it's a cover song." Wala pa akong naririnig dahil may kinalikot pa siya sa cellphone niya bago ko marinig ang simula ng kanta.

🎵Stay with me, don't fall asleep too soon.🎤

Unang bigkas pa lang niya sa simula ng kanta ay alam ko ng sobra sobra ko itong magugustuhan. Hindi na niya ibebenta ang EXO collection nito.

Tama nga ito. His voice is addicting to the point na hindi ko namalayan na patapos na ang kanta.

🎵The state of my heart,the place where we are
Was written in the stars🎤

"Ano, teh? Napatulala ka jan. Narealize mo na bang hindi tayo gagraduate ng nursing." Hinampas ko siya to the point na muntik na siyang may makabanggang estudyante din na pauwi na.

Nag-sorry naman ito kaagad saka inirapan ako.

"Gaga, ba't mo naman ako hinampas?" Sambit nito.

"Andami mo kasing sasabihin eh yung hindi pa makakagraduate talaga." Nawala tuloy ang focus ko sa pinakinggan ko kanina dahil doon.

"Sorry na, uwu." Pabebe nitong saad.

"Eww. Hindi mo bagay. Oh siya, babye na dahil ayan na yung work ko. Chupi na at magtatrabaho na ako." Pagpapaalis ko sa kanya. Wala naman siyang choice kundi tawagan ang driver nila para sunduin siya. Hindi naman ako masamang kaibigan na iiwan na lang siya bigla bigla. Hinintay kong dumating ang sundo niya bago pumasok sa trabaho ko sa convenience store na open 24/7.

"Don't forget, ria. Written in the Stars cover by Ace Rivera."

Kumaway pa ito sa akin bago pumasok sa sasakyan nila.

I sighed. Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang sasakyan bago pumasok.

Habang naghihintay ng costumer ay naalala ko ang pamagat na sinabi nito sa akin. Nilabas ko ang mumurahin kong cellphone at tinignan sa isang music app kung meron ba iyon. Meron siya kaya pinakinggan ko ulit iyon.

🎵'Cause when I look at my life
How the pieces fall into place
It just wouldn't rhyme without you
When I see how my path
Seemed to end up before your face
The state of my heart, the place where we are
Was written in the stars🎤

Simula noon ay patago ko ng pinapakinggan ang lahat ng mga kanta niya.

_______________________________________________

A/N: ok! 4th installment of Night Series is on the way. May nag-aabang pa ba. I bet wala na kasi antagal kong mag-update HAHAHA

P.S. Try to listen "Written in the Stars" by Westlife

El-mademoiselle ❤️

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Dec 29, 2023 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Seducing Mr. Famous (Night series 4) On-goingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora