Kabanata labing isa

28 3 0
                                    

Mazel

Nakarating kami sa pool side ng bahay niya. Napakaganda ng tanawin sa parteng ito. Sa likurang parte ito ng bahay. Kakaiba ang bubong ng parteng ito. It is transparent and I can see the beautiful night sky. Hindi ko akalain na may ganito palang style ng bahay. Ang sarap ding pagmasdan ng pool. Siguro ay marunong siyang lumangoy kaya may pool.

May mga naka-set na parisukat na lamesa na napaliligiran ng apat na upuan na sa mga bakal ang yari. Doon kami nagtungo. Pinaupo niya ako roon sa pinakamalapit at pinakaunang nalapitan naming set of tables. Nang makaupo ako ay saka pa lang siya umupo. Naupo siya sa upuan na kasunod ng upuan ko kaya nasa gilid ko siya sa kanan at sa wakas ay binitiwan na niya ang kamay ko.

Hindi ko maalis ang titig ko roon sa pool. Nakakahipnotays ang mga ilaw nito sa ilalim. Pink, blue and purple ang kulay ng mga ilaw. Ang ganda. Hindi lang basta pool. Magarang pool ito!

Lumingon ako sa kaniya para sana magtanong tungkol sa pool, pero nabungaran ko siyang nakatitig sa mukha ko. Bigla tuloy akong na-conscious at nahiya.

"Bakit ka nakatitig?" Tanong ko.

"Masama ba?" Tanong niya rin. Ang hilig niya talagang sumagot ng tanong rin.

"Oo." Sagot ko at nag-iwas ng tingin.

"Ang sarap mo kasing titigan."

Bahagya akong sumimangot. Parang nahiya tuloy ako bigla.

"Mahilig ka palang tumitig sa pangit na mukha." Naglikot ang mga mata ko. Hindi ko alam kung saan titingin. Parang gusto kong magtago.

"Ikaw lang ang nagsasabing pangit ka."

Hindi ko alam kung namumula na ako dahil hanggang ngayon ay nakatitig pa rin siya habang nakikipag-usap sa 'kin. Kitang-kita ko iyon sa gilid ng mga mata ko at sa tuwing mapapadpad ang malikot kong mga mata sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako makakilos ng natural o makagalaw ng maayos at malaya ngayon. Hindi ako mapakali. Parang hindi rin ako makahinga ng maayos. Parang gusto kong itago na lang ang mukha ko para hindi na siya tumitig sa 'kin.

"Ang nipis ng labi mo, 'no?" Sabi niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa kaniya. Nang maglapat ako ng tingin sa kaniya ay nakita kong nakatitig siya sa labi ko.

Hindi lang ang mukha ko ang nag-init dahil sa sinabi niya. Parang biglang nawalan ng epekto sa 'kin 'yong malamig na ihip ng hangin dito sa likuran ng bahay niya na gawa ng mga halaman at hindi kalakihang puno sa paligid nito.

Parang lalo akong nainitan bigla sa hindi ko malamang dahilan. Napalunok ako. Parang nanuyot bigla ang lalamunan ko.

Hindi ko magawang tumingin sa kaniya ng matagal. Halos yumuko na ako para lang maiwas ko ang mukha o tingin sa kaniya. Halos lumubog na rin ako sa kinauupuan ko.

"Umayos ka nga ng upo." Sabi niya.

Umayos ako at inayos din ang sarili.

A Knight in a Cruel, Dark WorldWhere stories live. Discover now