Mazel Roenzo

255 6 1
                                    

Mazel Roenzo

Hinahatid ako ng isang armadong lalaki papunta sa isang silid. Kagagaling ko lang sa isang subastahan at doon ay may bidding na naganap sa pagbebenta sa akin. Narito ako sa isang malaking underground market na kung saan kahit tao ay ibinebenta at isa na ako roon. Kasabay kong ibinebenta ang iba pang mga katulad kong dalaga. Iyong ibang mga dalaga ay excited pa. Ako, natatakot man ay hindi ko ipinakita. Para saan pa? Wala na rin namang saysay.

Pinag-agawan ako ng mga malalaki at mayayamang tao kanina. Naglabas ng sobrang laking halaga ang taong nakakuha sa akin makuha lamang ako. Hindi ko inaasahang sobrang laking halaga ang mapagbebentahan sa akin. Pero inaasahan ko na, na ito ang mangyayari sa akin, na ito ang kahihinatnan ko, na sa ganitong lugar ako pupulutin.

Nanginginig ang mga binti ko habang naglalakad. Huminto kami sa isang silid at hindi ko pa man naihahanda ang loob ko ay pinihit na ng lalaking kasama ko ang doorknob ng pinto sa harap namin at itinulak iyon pabukas.

Napalunok ako habang nakayuko. Matinding kaba ang bumubulabog sa dibdib ko ngayon. Alam kong hindi ito kailangan pero hindi ko maiwasan. Alam kong ako ang pumili ng landas na ito, pero hindi ko pa rin mapigilang manlumo sa sitwasyon ko ngayon. Kanina ko pa gustong maiyak pero pinipigil ko upang hindi ako magmukhang inaapi o kinakawawa dahil ako naman ang nagdala sa sarili ko sa lugar na ito.

Napansin kong masama na ang tingin sa akin ng armadong lalaki na nagbukas ng pinto. Kanina pa niya binuksan ang pinto at hinihintay na lamang niya akong pumasok. Minabuti kong kumilos na at dalhin ang sarili ko sa loob.

Bumungad ang isang lalaking nakamaskara na nakaupo sa dulo ng kama rito sa loob ng kuwarto. Narinig kong sumara agad ang pinto sa likuran ko at naiwan na ako ng tuluyan sa kwartong ito kasama ng lalaki na hindi ko kilala.

Tinanggal nito ang nakasuot sa mukha nitong maskara habang ang mga mata nito ay nanatiling nakatitig sa akin. Wala akong emosyon na nababakas sa mukha at mata niya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napayuko na lamang ako at hinayaan siyang gawin iyon.

Napalunok ako. Ngayon ay nararamdaman ko na ang panginginig ng buong katawan ko. Tinatatagan ko lang ang sarili ko pero ang totoo ang tuhod ko ay kanina pa gustong bumigay. Idagdag pa na ang hirap tumayo gamit ang heels na suot ko ngayon.

May isa o dalawang minuto rin siguro akong nakatayo rito at nanatiling nakatungo. Huminga ako ng malalim at saka nagdesisyon na kumilos na. Pinigilan ko ang mga luhang pilit tumatakas sa mga mata ko at pilit pinalakas ang loob ko. Dahan-dahan kong ibinababa ang isang strap ng suot kong dress. Pagkatapos kong ibaba ang sa kaliwa ay 'yong kabila naman ang ibinaba ko.

"Stop. Don't do that!"

Gulat, nagtataka at nagtatanong ang ibinigay kong tingin sa lalaki na nasa harap ko. Sa isang iglap ay parang may pag-aalala akong nabakas sa mukha niya. A very swift switch? Parang kanina lamang ay wala siyang emosyon, pero iba na ngayon?

"T-this is what I'm supposed to do?" Halos pabulong kong sambit.

"Sa itsura mo, halatang hindi mo gusto ang ginagawa mo.." Pati sa boses niya ay nakabakas ang pag-aalala.

Bakit nag-aalala siya sa 'kin? Hindi naman niya ako kilala? Hindi ko maitatanggi na gwapo siya at matikas. Alam ko na kaya niyang makakuha ng katulad ko kahit hindi siya magbayad. Kahit marami pang babae na higit sa akin ay maaari niyang makuha nang walang kahit isang singko sentimo na lumalabas sa bulsa niya sa itsura at katawan niyang iyan na taglay. Sigurado ako na maraming naghahabol sa kaniya at nagkakagusto, pero pinili niyang pumunta rito at nagtiyaga sa akin? Bakit?

"S-s-sorry po, s-sir. P-pag-iigihin ko na po." Inayos ko ang mukha ko at sinikap na maging maayos na ang mga susunod kong galaw.

"I did not tell you to do that." Anito sa ma-awtoridad na paraan.

A Knight in a Cruel, Dark WorldWhere stories live. Discover now