Chapter 1: Lungga ng mga Bandido

119 4 0
                                        

Dinig na dinig ko ang sigawan ng mga madla sa labas habang inaayos ni Lili ang pagkakasuot ng bandana ko. Huminga siya nang malalim bago humarap sa akin at nagsalita.

"Hindi ko na ba talaga mabago 'yang isip mo?" tanong niya sa akin habang pinupunasan ang noo ko, "May sobra ka pa namang pera mula sa huli mong laban. Hindi mo na 'to kailangang gawin."

Nginitian ko lang siya at hinawakan ang magkabila niyang balikat, "Babe, alam mo namang hindi sapat 'yon para mapaaral ko si Polly sa Celestial Alliance Academy sa susunod na pasukan, di ba? Kailangan kong kumayod nang doble para mabayaran ko ang tuition fee niya dun."

"Alam ko," sabi niya at umupo sa isa sa mga maalikabok na bench ng waiting room, "Pero iba 'tong makakalaban mo. Si Don Partido na 'to. Isang Class C fighter."

"Ikaw, Lili, nakakasakit ka na ng damdamin ah," sabi ko at tumabi sa kaniya, "Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Sobra yung tiwala ko sayo, alam mo yun," sabi niya habang nakatitig sa akin. Kitang-kita sa mga mata niya ang kaba at alala niya para sa akin, "It's just that ayokong makita kang nasasaktan. Alam mo naman ang mga labanan dito sa Lungga ng mga Bandido. Madalas humahantong sa patayan. Ayoko lang—"

Hinalikan ko siya sa labi nang matahimik siya. Alam ko rin kasing naaalis nito ang anxiety attacks niya. So far, sa limang taon naming naging magkakilala, at sa halos dalawang taon naming naging magkasintahan, naging sandata ko ito kapag nagkakaroon kami ng tampuhan o bangayan. Effective naman.

"I'll win," sabi ko sa kaniya, "I'll win for you. Pangako yan."

Ngumiti siya, sa wakas. Pero hindi pa rin nawala ang alala at takot na kanina pa lumalagi sa magaganda niyang mga mata. Kaya yinakap ko siya nang napakahigpit. And for a while, nananatili kaming ganun. Kahit sobrang ingay ng labanan sa labas ng waiting room, mapayapa kaming nakasandal sa piling ng isa't isa. Ayokong kumawala. Gusto ko ganito lang kami parati. Nakayap kahit alam namin pareho na humahakbang ako pasulong sa panganib.

This is all I ever wanted. Her beside me against all odds. Her beside me against anything.

"Kalem Reeves. You're on in five, okay?" Biglang sabi ng pamilyar na boses ng manager ng Lungga sa kabilang banda ng pintuan, "Get your stuff prepped up."

"Sure, boss!" sigaw ko naman, "Thanks."

Agad na tumayo si Lili at pumunta sa sulok kung saan nakahanay lahat ng gamit ko. Pinulot niya ang espada na bigay sakin ng tatay ko at inabot ito sa akin.

"I was going to say 'make it as quick and as painless as possible' but I remember you have to put up a good show so never mind," sabi niya, "Basta. You'll know what to do."

I chuckle. Ang cute niya talaga kapag nagtatapang-tapangan siya, "How about 'break a leg'? That would suffice."

Ngumiti siya. Tinitigan niya lang ako nang ilang segundo bago niya sinabi ang katagang, "Break his leg."

And just like that, I'm all fired up. I'm more excited about this match than I've ever been. Tumayo ako at hinalikan siya sa noo. Habang nakatingin sa kaniyang mga mata, sinabi kong, "As you wish."

-

"On the west is one of the best! Nagbabalik na Class C Fighter na umangkin sa titulong 'Bandido ng Lungga' tatlong taon na ang nakalipas," sigaw ng emcee na siyang ikina-engganyo ng madla, "Let's see if he still has that fire in him! Isang malakas na sigaw para kay Don Partido!"

Grabe ang sigawan ng madla. Halatang kanina pa nila inaabangan ang pagbabalik ng iniidolo nila. Kung sa audience impact binabase ang labanang 'to, siguradong talo na ako. Matagal nang lumalaban dito si Don Partido kaya syempre marami ang pumupusta para sa kaniya. Hindi rin nakakatulong yung records niya dito sa Lungga para sa akin. Kahit kailan, wala pang nakakatalo sa kaniya. He even became champion of the Bandits at one point. Lili wasn't overreacting during our exchange in the waiting room. Malakas talaga 'tong makakalaban ko.

Lumabas mula sa isang madilim na hallway sa kabilang banda ng arena ang isang malaki at nakamaskarang nilalang na may mala-konkretong katawan at mahabang buhok. Naka-topless siya at may dala-dala siyang malaking axe na kinakaladkad niya sa sahig. He looks old, maybe around 40s going 50. And he's still scary as hell. I still think I can take him out though, not to brag or anything.

"On the east is a little beast! A rookie! Isang baguhan ngunit nakitaan agad ng potensyal. Kinaiinggitan ng kalalakihan, at kinababaliwan ng kababaihan! Siya na nga ba ang sisira sa records ng Hari ng Lungga?" patuloy ng emcee, "Let's give it up for Sirius A!"

Sirius A. That's my alias as a Bandit. You may ask, "Bakit kailangan niyo ng alyas?" Well, if it didn't occur to you yet, ang Lungga ng mga Bandido ay illegal, kaya kailangan namin ng alyas para hindi malaman ng awtoridad ang pagkakakilanlan namin. You may also ask, "Bakit Sirius A?"

Let me tell you.

My Might is Light Manipulation. At least, that's what I know. May kakayahan akong mag-concentrate ng photon particles to blast it out at my own will. Kaya ko ring bulagin nang pansamantala ang mga makakalaban ko kung gugustuhin. That explains why I chose Sirius A as my Bandit nickname. It's the brightest visible star in the night sky. And it makes sense.

Sinuot ko muna ang maskara ko at tumakbo patungo sa arena dala-dala ang espada ko. Agad na bumungad sa akin ang libo-libong taong naghihiyawan, mga taong nakaabang para lang makita ang labanan na ito. Yes, this is the highlight match of the night, by the way. Ito ang unang laban ni Don Partido matapos ang kaniyang tatlong-taong pahinga. He's back. Of course, everyone wants to see that.

"Fighters! One rule!" sigaw ng referee na nakapwesto sa paggitan namin ni Don Partido, "The match ends when one of you yields or dies. Got it?"

Tumango ako. Hindi ko maiwasang pansinin ang madiin na titig sa akin ni Don Partido. He looks like a hungry predator peering at his prey, preparing to lunge at me anytime.

But I refuse to be anybody's prey. If anything, I am the predator.

"Bandido sa kaliwa! Bandido sa kanan! Simulan na ang labanan!"

The Zodiacs' ChampionsStories to obsess over. Discover now