I stared at the water below. Sa gilid ng ilog ay may malalaking mga bato. Malakas ang agos ng tubig. Alam kong malamig ang tubig sa baba.

Muli kong tiningnan ang aking relos. This time ay hindi ko na nakita ang mukha mo. Pero nadismaya ako nang makita ang oras. 4:58. Walong minuto pa lang ba talaga ang lumipas? Bakit parang ang tagal na?

Muli akong humugot ng malalim na hininga. Should I go back now? Anong sasabihin ko sa mga tao? Anong sasabihin ko sa photographers na kukuha sana sa mga litrato natin?

Alam mo kaya kung nasaan ako ngayon? Iniisip mo rin kaya ako ngayon? 

Pero higit sa lahat, nasaan ka nga ba ngayon?

My fingers want to squeeze your nose. My hands want to touch your face, stroke your lips and kiss you.

Pero wala ka dito ngayon para gawin ko ang mga iyon kaya't ikinuyom ko lang ang aking palad. A tight fist. Gusto kong manuntok. Gusto kong magwala.

Ang sakit ng ginawa mo sa akin. You have humiliated me like no one else did.

Bakit mo ginawa sa akin ito? How could you reject me?

"Judd?"

Napalingon ako nang may narinig akong nagsalita. Alam kong hindi ikaw iyon dahil lalaki ang boses na narinig ko.

Habang nakatingin ako sa matandang lalaki ay napansin kong may mga taong nakatayo sa kalsada na nakatingin sa akin. My eyes moved from him to them.

There were around six other people standing at the other side of the bridge. May dalawang sasakyan naman ang nakahinto sa kalsada.

"Okay ka lang ba, iho?" Muling tanong ng matandang lalaki.

Tinitigan ko ito. Pamilyar siya para sa akin. Hindi ba't ito ang kapitan ng baranggay? Sa likuran nito ay nakahinto ang isang kulay pulang multicab na may nakalagay na BRGY Mobile Patrol.

"Hindi mo ba ako naalala? Ako si Kapitan Lastimosa. Kaibigan ako ng mga magulang mo."

Kaya pala pamilyar ang mukha nito. Kaibigan pala nito ang yumao kong mga magulang.

"Kumusta po kayo, Kap?" Ang tangi kong naitanong. Pinilit kong maging masaya ang aking boses.

"Ang tagal na kitang hindi nakita, Judd. Huli tayong nagkita ay noon pang binibenta mo ang sakahan ninyo." Sabi ni Kapitan habang papalapit sa akin.

Yeah, I remember. That was almost five years ago.

"Hanggang ngayon ay nanghihinayang pa rin ako sa naging desisyon mo."

Ang pagbenta ko ba ng sakahan ang tinutukoy nito?

Well, I had to. The farm had nothing but painful memories. At isa pa, wala akong alam sa pagsasaka. I now live in the city. My company is thriving. Alam ko na kung nasaan man ang mga magulang ko ngayon ay masaya sila sa naging desisyon ko.

"Ano pong atin, Kap?" Hindi ako naniniwala na nandito ito para makipagkuwentuhan tungkol sa sakahang matagal ko nang ibenta.

Something caught my eyes as I was talking. Napatingin ako sa isang babaeng naroroon. Is she pointing her cellphone at me?

"Gusto ko lang masiguro na okay ka, Judd."

Tama ba ang narinig ko? Napa-concern niya naman yata.

"Bakit naman po ako hindi magiging okay?" Nagtataka pa rin ako kung bakit nakatutok sa akin ang cellphone ng babaeng nakatingin sa aking direksyon.

"Alam kong masakit ang nangyari sa'yo pero hindi iyon sapat na dahilan para tapusin mo ang iyong buhay. Bata ka pa, Judd. Guwapo, mayaman. Marami pa ang babaeng magkakagusto sa'yo."

Ano bang pinagsasabi nito?

"Hindi ko po kayo maintindihan." Natatawa ako sa sinasabi nito pero ang totoo ay nalilito talaga ako.

"Hindi natin pag-aari ang buhay natin, Judd. Ang Diyos ang nagbigay kaya't ang Diyos lang din ang may karapatang bumawi."

Now I'm really confused.

"Ano po bang pinagsasabi ninyo, Kap?"

"Nakikiusap ako sa'yo, iho. Huwag mong sayangin ang buhay mo."

Sayangin ang...? 

Tama ba ang narinig ko?

I adjusted myself to turn around. Nagulat ako nang biglang sumigaw si kapitan at ang mga naroroon.

"Judd! Huwag kang tumalon!"



***Please don't forget to vote and comment! Thank you! :)

You & Me + Her (Complete)Where stories live. Discover now