"Jolo, alisin mo yang kunot sa noo mo. Namumuo na naman," rinig kong sabi ng isang staff under sa company namin.

"Sorry ho," sabi ko bago ako naglakad sa mismong studio kung saan may mga camerang nagrerecord.

Nginitian ko lahat ng mga fans namin. Todo hiyaw naman sila habang nagpeperform kami.

Nang matapos, ininterview pa kami ng mga MCs.

At dahil alam kong alam nilang tatlo na wala ako sa mood, sina Dex angsumagot ng sumagot sa mga tanong. Taga-tango lang ako tapos taga-ngiti pag sumasang-ayon. Di rin naman nagtagal ay nagpasalamat na kami sa kanila at umalis na doon at tumungo na sa dressing room para magpalit ng damit. Meron pa kase kaming praktis para sa susunod naming kanta. Eh hindi siya pagkaraniwang kanta dahil sabi ng boss namin e gagawin niya raw kameng grupo na hinde lamang kumakanta't tumutugtog ng instrumento-- sumasayaw pa. Kung tatanungin, matagal na, bago pa namin pirmahan ang kontrata, na plano yun.

Last week pa kami nagsimula pero sadyang matagal itong praktisin kesa sa dati, dahil kailangang sobrang perpekto ang kalabasan kasi dito ibabase kung magtatagumpay ba kami o hindi.

So ayun nga, dahil naunahan ko silang tatlo sa pagpalit ng damit, nag cellphone na lang muna ako para pampalipas oras.

Tinitingnan ko lang naman yung interactions ng twitter ko nang may mag text.

At tingnan mo nga naman!

Ano ito! Tinext ako ni Asia, yesssss naman!

Asia: Jolo, bukas po yung practice for graduation. 8 am, gym. Sabi ni Ma'am, sabihin ko daw sa'yo, baka makapunta ka :)

Ganon? Kung hinde pa sinabe ni Ma'am, hinde mo ko itetext?

Ganyan ka naman eh... Parati mo na lang akong dinededma :(

* * *

Asia's POV

Grabe!!!

Kahit 👌, wala?! Talagang hindi ako nireply-an?!

Nilagay ko sa mesa yung phone ko. Back to Nokia ako. Hahaha sabi ko sa inyo e, bumulok na naman yung phone ko.

Paano naman kase. Nasira ko na naman yung akin! Malas nga yata ako e hahaha pero ewan ko, parating nasisira sa'kin yung mga mamahaling gamit. Pfft!

Tapos hindi ko pa nasasabi kay Mama yung tungkol sa pagiging Valedictorian ko. Huehue! Hinihintay ko pa kasi yung revised invitation namin kung saan e nakalagay dun yung program sa graduation at kung saan rin nakalagay yung pangalan ko at sinasabing ako yung Valedictorian. Hihihi! Excited na nga ako eh, bukas pa daw ipapamigay!

Napabangon ako nang mag vibrate yung phone ko.

Si Joshua lang pala.

Joshua: sabay tayo bukas? Miss na agad kita eh haha :)

Gaaaahhhhhhh joshuang malande! Grabe 'to! Sabi nila torpe daw 'to sa'kin pero parang hinde naman at ayaw lumayo sa'kin simula nung prom!!! At oo, kahapon ng kahapon, ng hapon, yung prom namin. At guess what? Siya yung naging partner ko! Tapos nanalo pa kaming--- HALA!!! Paano niyo nalaman? Sinong nagsabe sa inyo?

Napatingin ulit ako sa phone ko kase nagtext na naman siya.

Joshua: i love u :*

Napa-ubob talaga ako sa mesa.

HUHUHUHUHUHUHUHU! Lord help meeeee!

Anong gagawin ko?

Hindi ko talaga siya gusto pero kasi... Nung prom kasi!!!

*Ub-ob*

Bakit kasi ako nagpadala na lang sa mga kaklase ko???

Hays...

Ganito kasi yan. Hindi kayo naliligaw ng chapter at lalong lalong walang ligdang na chapter.

So nung prom, sobrang ayos na ayos ako. Pinagpagawa kasi ako ni ate ami ng gown! Tapos yung stylist ni ate yung nag-ayos sa'kin. Kaya ayun, wala pa ako sa gate ng school eh, sobrang agaw ako ng pansin (kahit ayoko talaga ng ganung feeling, ever!)

Edi ayon. Tiyempong si Joshua agad ang nakita ko kaya nilapitan ko. Sobrang dami kasing tao non at prom nga (puro magulang at mga naka-sasakyan) kaya sobrang pasalamat pa ko at nakita ko siya.

Yun e nung una.

Malay ko bang dala dala niya ang buong pamilya niya?!

Inakala tuloy ng pamilya niya na girlfriend ako! Suskupo!

Kung may kasama lang talaga akong magulang, naitanggi ko agad!!! #perowalaeh

So ayun nga... Sinakyan ko na lang kase ngiting ngiti yung mga magulang niya tapos hindi ako pasalitain (para masabi kong hindi ako girlfiend ng anak niya). Mga wala pa yatang 5 minutes, nalaman laman kong kumalat na yung balita within the 3rd years at 4th years, susmaryosep!!!

Sobrang dami tuloy ang pumicture sa amin na kahit yung mga official members ng photo club e kinuhanan kami!

Hindi na nga ako nakaimik nang bigla akong hinalikan sa pisngi ni Joshua eh. Nagdadasal nga ako na hinde makita ni Jolo yung picture eh (pinadedelete ko nga eh, hindi pa rin delete sa group huhuhu). Laking pasalamat ko nga at wala si Jolo nun, kung hindi baka nahimatay ako sa sobrang hiya!

At ang sobrang hindi ko matanggap e nung manalo kaming prom king & queen.

Aaminin ko, nung third year ako, nung nakuha ko yung title na prom princess, sobrang natuwa ako.

Pero nung time na yun, sobrang ayoko talaga!

Kasi di ba magsasayaw kame?

Oo, ayos lang yun kase walang malisya.

Pero ang hindi ko inaasahan eh nang i-anunsyo ni Joshua na hindi niya ako girlfriend!

Siyempre sobrang tumahimik ang lahat. Sa isip isip ko nga, tuwang tuwa ako at siya na yung tumanggi.

Pero halimuyak ng sampaguita! Dinagdagan niya na gusto gusto niya raw ako kaya kung pwede daw bang totohanin!!!

Eh partida! Puro mga adik sa wattpad ang karamihan ng mga estudyante, kaya ayun! Puro "O-oo na yan! O-oo na yan!" ang sigaw nila! T____T

Ang tagal ko ring nakatayo dun at tinitingnan lang si Joshua at hinihintay na bawiin yun... Pero seryoso pala siya kaya... Ayun... Napa-oo na lang ako kasi kahit yung mga teachers, nakisali eh :|

Alam ko sasabihin niyo na sana hindi ko yun ginawa.

Pero hindi ko yata kayang magpahiya ng tao...

Sana talaga ginawa na lang niyang personal para naka-hindi ako. Yan tuloy... Kami na ni Joshua!

Putspang lovestory 'to!!! Walang kakilig-kilig! Pag talaga nakilala ko si Yuokim, magpapagawa talaga ako sa kanya ng love story para kiligin naman ako!

- - -

***Author's Note: Sorry guys, ngayon lang nag-update, tapos ganito pa. Huhuhuhu sorry talagaaa***

(ONHOLD) Prologue to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon