Chapter 28 - The Promise in Neverland

Start from the beginning
                                    

As of now, the only danger I know of is you, my love. Ikaw lang ang nakikita kong panganib kung saan tiyak akong magpapabihag.

Nilapitan ko na siya at akmang tatalon para yumakap pero nilapat niya ang hintuturo sa aking noo kaya 'di ako nakalapit. Hmmmp damot!

Kinuha ko ang kanyang kamay at tinignan ang pulso. Pinaglapit ko ang sa amin at nakitang puting kalahating pakpak ang akin at sa kanya'y itim. The symbol of white and black wings.

"'Uy, couple symbol tayo oh!" masaya kong puna habang pinagmamasdan pa rin ang aming mga pulso.

"Anong kinatutuwa mo? This is probably just a result of our unison link from the fight against Huson's league. Nothing special, Lupe." Pinitik niya ako sa ilong at tumalikod na. Naugatan naman ako sa kinatatayuan at natulala lang sa kanyang likod.

Excited akong tumakbo sa kanya at kumapit sa braso. "Uwi na tayo?"

"We're going to train and hone your powers. Anong uuwi ang sinasabi mo? Hunghang!" aniya at nauna na talagang maglakad.

Ngumuso ako sa pagkadismaya. Ang chunget talaga! Sarap laplapin!

I followed him until I noticed we're going to the basement of the school grounds. Binuksan niya ang engrandeng double doors ng Dark Clandestine at walang ibang tao sa napakalawak na bulwagan.

Marami rmga libro sa paligid at boards na may mga nakasulat na hindi ko maintindihan. Sa kabilang banda ay mayroon namang mga armas. So he was preparing to train me all this time? Kaya pala lagi siyang wala sa bahay!

Sa pinakagitnang bahagi ay mayroong mesang naiilawan ng spotlight. Nakahilera ang iba't ibang klase ng wands. Wow!

"Pumili ka ng isa, bilis," atat niyang sabi pero busyng-busy pa rin ako sa pagpili ng wand.

"Wala bang kulay pink?"

Nang manindak siya ng tingin ay nagseryoso na akong pumili. Kinuha ko ang isang transparent crystallized wand. Unang tingin ko pa lang dito ay nahumaling na ako sa ganda. "You think I can wield one?"

"Certainly. You're the most powerful . . ." tumikhim siya, "Well, just next to me of course." Ay biglang bawi!

Kinuha niya ang wand na pinili ko at sinuri ito. "Ang pangit, palitan mo."

Aba ang arte! Ngumuso ako sa kanya. "Eh 'yan ang gusto ko. Akin na, try ko. Tamo gagana 'to!"

Hinayaan niya akong agawin 'yon. "Anong gusto mong spell? 'Yong paiilawin ang wand? Easy!" Tinaasan ko siya ng kilay.

He raised his eyebrows too, looking amused. "Do you even call that magic? That's too lame. Hmmm. . ."

Bigla niyang inapuyan ang laylayan ng kanyang damit at hinayaan ang sarili na unti-unting gapangan ng apoy! HOLY SH*T!

Nataranta ako bigla at hinawakan ang kamay niya na nababalutan ng apoy pero tila wala siyang pakialam. Tinutok ko ang wand sa kanya. "Dreyxin, give me the spell!"

Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakita kong nakangisi pa siyang ubod ng pogi! Shet naman eh!

Pansamantala akong natulala sa kanyang mapanganib at mapang-akit na mga mata. He has this devil eyes that I would always gladly stare at! Nakakainis! "Dali na kasi, ano nga? 'Pag ikaw namatay bahala ka!"

Lalo siyang ngumisi pero patuloy sa panonood sa aking pag-aalala.

"Bilisan mo na Drey-Drey, what spell?"

After uttering the words in my mind thru telepathy, I quickly casted the spell, "El Warett en Hilia Minocdus"

A circle of light suddenly swished and water started looping around us until I noticed a magical circle with lots of symbols on it appeared on the ground. This is just so surreal! Nasaksihan ko rin kung paano maghilom ang kanyang mga paso na animo'y matutuklap na ang kanyang balat kanina lang. It disappeared with no traces nor scars left at all! I quickly held his hand to double check if he's completely back to normal again.

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Where stories live. Discover now