Bakit siya nakokonsensiya?

Pero dahil kilala ko sila, hindi nila gagawin 'yon kasi nirerespeto nila ang salitang 'privacy'. Nanahimik na lang sila sa tabi.

"Xhai, okay ka lang?" tanong ni Jerson Quin kaya napatingin ako sa kanya. "Kung hindi ka okay sabihin mo lang. Dadalhin agad kita sa langit at hindi na ibabalik," ngisi-ngising dagdag pa niya.

Nalaglag ang aking panga. Agad na nag-init ang mukha. Alam kong biro lang 'yon. Pinapagaan niya lang ang tensiyon. Ganyan 'yan, eh. Babaero. Pero never kang iiwanan sa ere kapag ikaw ang nasa crisis. Totoong-kaibigan. 'Di lang talaga halata sa itsura. Ngisi pa lang kasi... alam mo ng puro babae ang laman ng utak.

Hindi ako umimik. Iyong tatlong katabi niya ang sumagot para sa 'kin. "Tang-ina mo talaga, Caballero!" singhal nila. Sunod-sunod na sinapak ang kawawang si Jerson.

"Mga gago! Nagbibiro lang ako may sakit sa katawan na agad akong nakuha? Nasaan ang hustisya?" Hinimas-himas niya ang batok habang nakangiwi. "Pakshit! Nabasag yata ang itlog ko!"

Napahagalpak ako. Jerson Quin will always be Jerson Quin.

Naagaw kong lahat ang atensiyon nila. Para bang nagtataka kung bakit ako tumatawa. Tumahimik ako. Kinagat na lang ang labi. Hindi ba dapat ako p'wedeng tumawa? Hindi ba nakakatawa 'yong sinabi ni Jerson?

"Tanga! Paano mababasag ang itlog mo, eh batok mo ang sinapak namin?" asik ni Cyclone.

"Eh, mga gago. Naipit ko no'ng sinapak n'yo ako!" asik naman niya pabalik. Humagalpak na si Dew at akmang babatukan ulit si Jerson. "Sinabi nang mababasag itlog ko! Basagin ko kaya 'yong sa 'yo?"

Napangiti ako. Sumulyap kay Grant. Wala na siya sa 'king harapan. Hinanap ko siya. Busy sa paghahanap ng mga damit ng barkada. Ibinato niya ang mga ito sa kanila nang makumpleto.

"Magsuot nga kayo ng mga damit. Mukha kayong mga rapist!" asik niya. Isa-isang tiningnan ng masama ang mga ito.

"Ang g'wapo ko namang rapist!" protesta agad ni Jerson.

"Babae ang humahabol sa 'kin," apila ni Cyclone. "Gustong magpaturo ng baseball. Hindi ba nila alam na basketball player ako?"

Bakit malakas kutob ko na double meaning ang sinabi niya?

"At babae ang nangrarape sa ganitong mukha at katawan, brad!" ani naman ni Dew.

Napatingin naman ako kay Serg. Hinintay kung aapila rin ba siya. Kinuha niya lang ang damit at isinuot. Tumingin siya sa 'kin. Ibinaba ang mga mata sa siko ko. Kumunot ang noo. Tumayo siya't lumapit. Sinipat ito. Inangat ang laylayan ng pajamas ko para tingnan din ang tuhod at mga paa ko.

"You're bleeding, Xhai!" wala sa sariling usal ni Serg. "Ang dami mong sugat."

Napalapit naman ang apat sa 'kin at pinasadahan ako. Dumudugo nga ang tuhod ko. Gano'n din sa siko. Kumalat ang dugo sa sahig pati na sa pajama. Kaya pala kumikirot kanina pa. Hindi ko alam kung malalim ang sugat.

Mas itinaas ni Serg ang laylayan. Itinupi hanggang ibabaw ng tuhod ko.

"Brad, may first aid kit dito?" baling ni Serg kay Grant. Isa siyang nurse. G'wapo at mabait na nurse. Nakakainggit 'yong mga pasyenteng inaasikaso niya.

"Ako na!" Hinawi ni Grant 'yong apat na nakatunghay sa paa kong parang ngayon lang nakakita ng nasagutan sa buong buhay nila.

Pinag-aralan ko silang lahat. Hindi ko maipinta ang mukha ng bawat isa. Pero mas hindi ko kayang ipaliwanag ang lagabog ng dibdib ko. Para akong aatakehin sa puso.

Ang lakas ng agam-agam ko. Bakit pakiramdam ko katabi ko si Silver? Nararamdaman ko ang presensiya niya. Nakakainis!

Pero nakamask lang si Silver kanina. Wala siyang suot na gloves o ano sa katawan. Ang lapit lang din ng kubo sa pinanggalingan ko. Mas nauna si Silver na umalis sa 'kin. Mabilis siyang makakabalik dito.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon