[Mg] MYLC

11.1K 242 22
                                    

NYAH's POV:


Tahimik lang ako habang pauwi kami. Minsan lang kasi magalit si daddy ng ganyan. Sabihin na natin na swerte ako na mag karoon ng cool na parents kaso wala namang magulang ang hindi magagalit sa ginawa ko.. o sa ginawa namin ni michael. Saka kahit pabalibaligtarin pa, babae ako, panget nga naman na may kasama akong lalaki sa kwarto, lalo nat more than friends lang ang turing sa akin.

"dad.."

"alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon NYAH JADE?"

"sorry.."

"alam ko naman na nasa tamang edad para mag desisyon sa sarili mo.. alam ko na mahal mo si michael jace kasi hindi ka naman aamin kanina na ikaw ang nililigawan nya kung hindi mo sya mahal.. pero sana man lang maisip mo na ikaw ang talo kung magbubunga ang kapusukan nyo.."

Tama naman si daddy, ako ang talo sa lahat. Pero talo nga ba ako? Sa pagmamahal na pinapakita ni Michael Jace sino ako para mag isip na talo ako?

" ethan hayaan mo na ang mga bata, kung magbunga ang kapusukan nila,, ayaw mo bang mag kaapo??"

Ang khulet lang talaga ni mommy, apo agad? hahaha Mommy paano naman po kayo magkakaapo eh laging may istorbo?hahaha

"janine.."

MISS YOU LIKE CRAZYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon