[N] MYLC

13.3K 263 35
                                    

NYAH'S POV:



Naging maayos naman ang weekend ko, naging maayos naman ang PUSO ko. Hindi sya namisplace kahit pa sobrang kilig/kulet ni Michael Jace manligaw. At san ka ba nakakita na nanliligaw pero sa bahay na halos tumira? Oo hindi na sya umuwi. Dun sya nag stay sa room ng brother ko since nasa condo naman yun kasi nag aaral pa sya para sa Board Exam. Pareho kaming Engineering graduate ng brother ko. Sya Mechanical Engineering tas ako naman Chemical Engineerng. Hindi mo naman kasi masisisi na yun ang course namin kasi grandparents ko at sina mommy puro nasa Engineering fields. Mas sinunod ko nga lang yung major nina Lolo.

"NYAH.. kamusta?"

At since lunes ngayon napaghandaan ko na makikita ko si Riyuu. Last Week na nya sa company. Pero sinabi ko lang napaghandaan ko pero ngayong nasa sa harap ko na sya parang bumalik lahat yung nangyari nung friday.

"Ok lang.."




Nasa canteen kasi kami ni Elle ngayon. Umupo lang si Riyuu sa upuan na malapit sa akin.  Kung sana ganyan sya dati pa.

"ihahatid kita maya Nyah.. kailangan nating mag usap"

"hindi ko alam.. pero baka sunduin ako ni manong mamaya."



Gusto ko din namang magkausap kami. Ayaw ko din naman na aalis sya ng hindi kami ok.  Saka gusto ko din na malaman kung ano nga ba ang nararamdaman ko sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko. Hinayaan ko na lang din sya. 

Kung sana dati pa syang nag effort ng ganyan. Sana KAMI na ngayon. Malay mo baka KASAL na kami. Sana hindi ako nalilito ngayon. Kung MAHAL ko nga ba sya o si Michael?

"maaga pa naman..tawag ka sa inyo. sabihin mo hindi ka kailangan pang sunduin. kailangan nating mag usap.. gusto kong makasama ka NYAH"



"OK.. Riyuu"



Pinisil pa nya ang kamay ko bago sya tumayo. Tumawag na din ako sa bahay na hindi ako magpapasundo. Sa totoo lang parang ayaw ko ng maging bida sa story na to. Ang hirap kaya. Yung hindi ko alam kung sino ba talaga yung MAHAL ko?

MISS YOU LIKE CRAZYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon