Nagpasalamat ako kay Kuya Rio sa paghatid niya sa akin. Narito na din sa loob ang mga gamit ko. Dumiretso agad ako sa terrace. Kitang-kita ko ang buong Hacienda De Belmonte. Sa 'di kalayuan ay may mga trabahante yata nila na nagpapahinga sa ilalim ng puno. 

Dumako ang tingin nila sa akin, ngumiti ako sa kanila bilang pagbati ngunit hindi sila ngumiti pabalik. Nagbulungan sila saka umalis. Hindi ko na iyon pinansin at pumasok na lang sa loob, nahiga ako sa kamang tutulugan ko ng isang linggo. 

Grabe! Ang lambot!

Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako, nagising na lang ako dahil sa tawanan na naririnig ko mula sa labas. Sumilip ako sa terrace at nakita kong nagkakatuwaan sina Loqui, Isobelle, Seis at iyong ibang pinsan namin na hindi ko pa masyadong kilala. 

Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa loob ko. Napalingon ako sa side table ng kama ko kung nasaan nakalapag ang phone ko. Tumutunog ito.


"Hello?" Sagot ko sa tawag.

"Hi, Rence! Kumusta?" Si Tyrone. 

"Okay lang, napatawag ka?" Tumawa siya bigla.

"Gusto lang kitang kumustahin, nakarating na kayo sa inyo?" Naupo ako at sumandal sa headboard.

"Oo, nakarating kami dito kanina bago mag-alas dose ng tanghali. Grabe Ty! Ang ganda dito, ang yaman pala nila?" 

"Kayo. Mayaman kayo. Naks naman, may kaibigan na akong mayaman!" Asar niya.

"Baliw! Hindi naman akin 'tong pera, sa kanila. Belmonte lang ang apelyido ko pero wala akong bilang sa kung anong meron sila." 

"Paano pala kung may pamana sa'yo ang Papa mo, Rence? Mga one million pesoses!" Natawa ako dahil sa pesoses na sinabi niya, nahawa ata 'to kay Gary.

"Kung ganoon, edi maganda! Hindi na ako mamromroblema sa mga gastusin at hindi na ako magtatrabaho dyan sa Aroma." 

"Ayaw mo na ba dito sa Aroma?" Umiling ako kahit hindi niya ako kita.

"Hindi, napapagod lang ako pero gusto ko dyan. Pangalawang bahay ko na 'yan eh." Bukod sa dalawang kaibigan ko na tumulong at patuloy na tumutulong sa akin, nariyan din si Tyrone na marami ding naitulong sa'kin simula nang pumasok ako sa Aroma. 

"Pagod ka? Ayan may one week leave ka na, with pay pa! Enjoy ka dyan, Rence. Huwag ka na masyadong mag-isip. Ibababa ko na, andito na prof eh." 

Inayos ko ang mga damit ko at inilagay sa kabinet, patapos na ako sa pag-aayos nang may kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at sumalubong sa akin si Seis.

"Are you busy?" Andito pa din siya? Hindi ba siya hinahanap sa kanila?

"Hindi naman, bakit?" 

"Samahan mo ako sa bayan, bibili tayo ng karne." Kumunot ang noo ko. "Plano namin mag-barbecue party mamaya." 

"Ah, bakit ako ang isasama mo?" Hindi naman sa tamad ako, hindi ko lang siguro gusto na umalis dahil wala akong kasama na pinsan ko. Seis is a stranger for me after all. 

"Sabi ni Belle eh, they're busy arranging the garden kaya ako ang inutusan. Besides kasama ka naman sa barbecue party kaya dapat may gagawin ka din." 

"Ha? Kailan ako nasama diyan?"

"Since birth. You're a Belmonte Rence, remember?" 


Wala na akong nagawa. Hindi lang pala ako at si Seis ang pupunta sa bayan, kasama namin sina Jako at ang girlfriend niya na si Ivanka. Kotse din nila ang gagamitin dahil wala naman atang kotse itong si Seis. 

TilaWhere stories live. Discover now