GOT7 (71)

42 1 0
                                    

GOT7 - [BamBam]











“Tama ka naman do'n. So what kung malaman namin, diba?” pag ulit ni JB sa sinabi 'ko. “Pero hindi ba't.. parang may karapatan parin kami do'n? Hindi lang kayo ang nag iisang pumirma ng kontrata. Kasama niyo kami duon.”











Tumango na lang ako. Pagod na ako magpaliwanag. Maiintindihan rin naman nila ako, hindi nga lang ngayon. Mga nawala rin sa mood 'yung iba. Hays. Bakit parang kasalanan 'ko pa?











Tumalikod na ako at dumapa sa kama, “Matulog na tayo.”










“Pero nag u - ” may pumutol sa pagsasalita ni JB hanggang sa narinig 'ko na lang na nagsara uli 'yung pinto.










Nakaalis na siguro 'yung iba, yey.










Tatlo lang kami dito na naghahati hati sa kama. Pero  ako lang mag isa sa kabilang kama. Gusto 'ko solohin sarili ko. Pumikit na lang ako, nag kunwaring tulog at inaantok talaga. Pero noong may luhang pumatak na galing sa mata 'ko ay mas sinubsob 'ko pa mukha 'ko sa unan at saka iniyak lahat.











Sobrang dami 'kong rason para umiyak ngayon. Aaminin 'kong sobrang sobra akong kinakabahan sa gaganaping tour namin ngayon, sobra rin ako sa pagod at wala pa akong matinong pahinga, nalaman nila 'yung about sa contract at parang kasalanan 'ko pang hindi nila nalaman, tapos si Chaesy..











Nakakapagod 'yung araw na 'to para sa akin. Sana all may nagsisilbing pahinga sa nakakapagod na mundong 'to.











***









Kinaumagahan, ginising na 'ko ni Marco at Lug. Grabe, napahaba pala ang tulog 'ko do'n. Nakakaantok rin pala talagang umiyak ng sobra.











i stretched my body for a while, “Good Morning..” tinitigan nila ako saglit.










Palipat lipat ang tingin 'ko sa kanilang dalawa, “Good.. morning?” duon lang sila nabalik sa realidad at binati rin ako pabalik.











Nakakapagtaka naman tumingin ang mga 'to. “Magsho-shower lang ako ng katawan.” paalam 'ko and they awkwardly nodded to me.











Seriously? What's up? Nagmadali akong pumunta ng banyo para tingnan ang sarili 'ko. And boom! Sobrang mugto pala ng mata 'ko. As in sobrang halata na umiyak ako kagabi! Nagmadali akong lumabas ng banyo at tinanong mga kasama 'ko.











“Paano 'ko matatanggal 'to?!”










“Nako, matagal pa bago mawala 'yan. Mga.. tatlong oras lang naman, hahaha!” si Lug at nag apir pa sila ni Marco.










“Ano o sino ba kasi iniyakan mo diyan?”










“Bwisit!” nabalik na ako sa banyo at inalala paano aalisin 'tong mugto sa mata 'ko. “Bwisit. Kung alam 'ko lang na lalala 'to..”










Wala na nga akong nagawa kaya nagshower na lang ako, naghilamos na rin ako ng mukha baka sakaling mawala. Mga tatlong beses 'kong hinilamos ang mukha 'ko, Pero eh? Andon parin! Natapos na 'ko maligo't lahat lahat, andon parin! Mugto pa rin!











The BangTwice's DestinyWhere stories live. Discover now