TWICE (54)

45 3 0
                                    

TWICE - [Jiji]









It's 9AM, hindi pa nagsisidatingan ang ibang mentors para sa rehearsal kaya tumambay muna kami sa mga upuan sa harap ng stage. Tatawagin naman kami kapag ready na, e.









Naalala 'ko 'yung nangyari kanina. 'Yung sa pag iyak ni Yuae. Madalang siyang umiyak, pero once na umiyak siya, damang dama namin 'yung lungkot na nararamdaman niya. I suddenly felt guilty about it. Lalo pa't alam 'ko naman na wala silang kasalanan sa nangyayari..









At alam 'ko rin naman na hindi maiiwasan 'yun. Hindi nga ba?









Naalala 'ko 'yung pag uusap namin ni Naj dati. Nuong naka-underwatch kami sa mga netizens dahil sa naiisip nilang possibility na magkagusto kami sa ka-collab namin. Nagkataon kasi na nagkaroon kami ng pagkakataong mag usap. And he asked me if we could talk.









“May napapansin ka ba sa mga kagrupo mo?” he went straight to the point.









“Like..?”








“Ayaw 'ko lang naman na may kumalat na balita tungkol sa atin about duon.. kaya gusto 'ko sana, bago pa magkaroon ng issue ay pangunahan na natin. Para hindi na lumaki pa ang gulo.”









Napakamot ako sa ulo, “Bakit ako lang kinakausap mo dito? Bakit hindi kasama si JB?” inalis niya kamay niya sa bulsa at hinarap ako. “Nakapag usap na kami.”









Tumango tango ako.









“Hindi sa sinasabi 'kong may possibility nga na magkatotoo ang suspetiya nila sa atin. Ayaw 'ko lang na magkaroon sila ng false accusation.. or assumption. Ayaw 'kong may magkaproblema sa atin before or during the World Tour.”









Bumuntong hininga ako and forced a smile, “Geokjongma. May tiwala ako sa members 'ko. They won't do things that are against the contract. We are well-disciplined. And we're also taught to not rush.. If you're worried na baka mapahamak 'yung popularity niyo dahil sa amin, - ”









“Hindi iyon ang pinag aalala 'ko. Come on, Jiji. Pati ba naman ikaw ay ganyan mag isip sa amin? You're the Nation's Girl Group. We are all popular. Huwag mo ngang i-down sarili mong grupo.”









Iniwas 'ko tingin 'ko, “Bahala na.. basta. Hindi kami nagmamadali sa pakikipag relasyon. Focused kami sa trabaho namin. Sabihin na natin na kunwari, isa sa amin ang nahulog ang loob sa kapwa namin artista, kaya namin pigilan 'yon. There is always a better timing for everything, it can wait. Hindi kami nagmamadali.”









On my peripheral vision, he nodded and puts his hand inside his pocket. “Nalalayo na tayo sa topic. Basta. Fighting lang.” tumango ako. “Kumain ka na ba?”









“Hindi pa,” inangat 'ko tingin 'ko sa kaniya. “Sabay na tayo?” tumango siya at naglakad na kami papasok at sabay na kumain.









Kinalabit ako ni Taki na nagpabalik sa akin sa realidad, “Hindi ka ba kakain?”









Saka 'ko lang narealize na may pagkain palang nakapatong sa hita 'ko at hindi 'ko pa nagagalaw habang ang iba ay nangngalahati at paubos na ang pagkain.









The BangTwice's DestinyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu