"Ang damot naman," I murmured.

Binalikan ko siya ng sulyap. At least two rays of the moonlight incised across his body illuminating some words and lines of his tattooes. Natabunan ang mga iyon nang isinuot na niya ang puti at maluwang na muscle shirt.

"Matutulog ka na? Hinihintay ko pa reply ni Ate, e. Dito muna ako... kung puwede?"

He nodded stiffly, a silent cold reply before he rounded the end right of the couch and reach for the door.

"Angelov," sambit ko nang binubuksan niya ang pinto, napatayo sa natanto kong gagawin niya.

"Sisilipin ko lang." His slippers clapped against the ground when he stepped out.

Mula sa bintana katapat ng pinaglalagyan ng couch, tinanaw ko ang paglapit ni Angelov sa kanilang gate. Brows deeply creasing, I wondered if he's still pissed or is already on the side of curiosity. Hindi nagtagal, bumalik din siya agad ngayon sa mas magaan nang anyo.

"Nandiyan pa ba?" tanong ko habang nilo-lock niya ang pinto.

He nodded, and without throwing a glance at me, he followed it up with, "Anong ginawa niya sa 'yo?"

Na siyang bahagya kong ikinatigil. Binuod ko na ito sa kanya kanina, so it quite surprised me why he still ask about it to once again hear the reason why I'm here.

"Nilapitan ka lang?" dagdag niya saka tinagpo ang katahimikan ko. His hand slowly let go of the locked door and faced me.. "Did he try to hurt you?"

Mabilis ang pag-iling ko upang harangan ang banta sa kanyang tono. "Nagtanong lang tungkol kay ate. Tinext ko na siya, pauwi na raw."

"Iyon lang? Walang ibang habilin?"

"Wala naman. Why?"

His lips pursed in thought, and with the aid of the dimlight it allowed me to seize the war between disappointment and concern inside the gaze of his barefaced contemplation.

" 'La lang." He shrugged. "Hindi ba sinabi na pumarito ka muna habang naghihintay ka sa kanyang makauwi?"

"No need. Dito naman talaga ako."

"I-text mo," giit niya, "O ako ang magsasabi."

Lumubog ang espasyo sa tabi ko pagkaupo niya. He slightly bent his upper body forward to reach for his phone which was lying beside the hardly void pack of cigarette. Tinukod niya ang mga siko sa kanyang tuhod at mula roon, nagsimula nang magtipa.

"Alam naman ni Ate na nandito ako, Lov. Tsaka hindi naman siguro niya mamasamain iyon dahil hindi ito ang unang beses na pumupunta ako rito."

He shook his head while his fingers are typing fast. "Kahit na."

I sighed. Sa dulo ng dila ko ay marami pa silang mga kumakatok na dahilan para baguhin ang isip niya. But watching him putting his phone back on the table, I knew he'd be too dogged to hear reasons other than his own. Kahit pa siguro sabihin kong pinaalam ko na kay Ate na pumarito muna ako habang naghihintay sa kanya. Anyway, he's done texting her. Bakit ba siya tumitiklop pagdating sa kapatid ko? Not that it's wrong but... it's quite strange for me.

Huli ang galaw ng anino sa harapan, nilingon ko siya. Nasa bibig ang kanyang kamao para takpan ang paghikab. At sa nakapikit na mga mata ay hinilot niya ang tulay ng kanyang ilong, a surefire sign of exhaustion.

A thin sliver of guilt slashed over me. Kung hindi siguro ako pumunta rito marahil ay nakakapagpahinga na siya ngayon.

"Hindi mo ako kailangan samahan. Matulog ka na. Dito ako sa couch."

OBSIDIAN ISSUE #2 : WOUNDEDKde žijí příběhy. Začni objevovat