Chapter 10: Paalam Kabaduyan.

696 15 0
                                    

Khy's pov.

Nagising ako sa liwanag na nagmula sa malaking bintana ng kwarto ko. Tumagilid ako at nakita ko sa orasan na it's already 7 am. Agad akong bumangon para maligo.

Pupunta raw kami ngayon sa mall nina Xzaph at Kristal. Kinuha ko ang phone ko at may tatlong message na si Xzaphera.

"Khy! Susunduin ka namin dyan mga 8:30 so better get ready"

Eh? Susunduin alam ba nila kung san ako nakatira? Pwede naman ako sanang mag commute pero di ko din alam pano mwehe.

"Sige, sa Eastwood subd. ako nakatira, block 760"

Pinatong ko nalang ang phone ko sa side table at agad na pumunta sa cr para maligo.

Ang gara talaga ng cr ni tita. May shower pero di ko naman alam kung pano gamitin so gripo nalang ang ginagamit ko. After kong maligo agad akong nag hanap ng damit.

Haayst wala naman akong maayos na damit. Puro lahat t-shirt at pants. May shorts man ako pero puro naman pambahay.

Kinuha ko nalang ang isang pants ko at nag tshirt na asul. Agad akong bumaba at nakita ko naman si tita na kumakain at nandito pala yung boyfriend niya. Mukhang mayaman since ang gara ng sout ng lalaki. Medyo may edad na din mahahalata mo sa mukha eh.

"Oh Ikay san punta mo?"

"Ah tita yung sinabi ko po sa inyo kahapon. Magandang umaga po"

Bati ko sa nobyo ni tita pero ngumiti lamang ito at nag nod. Ang gara ng lalaki well doctor si tita maybe it's quite normal na mag jowa din siya ng may pera.

"Ahh oo nga pala, mag m-mall ka ganyan sout mo?"

"Ah eh tita wala po kasi akong ibang maayos na damit. Ito lang po yung mas okay"

"Sus bat di mo sinabi? Teka, manang pakikuha ng mga damit ko dun sa guest room at ibigay niyo po kay Ikay"

Agad namang umalis si manang. Tiningnan ko ulit ang lalaki sobrang pamilyar ng mukha niya. Hindi ko ma explain pero may kamukha talaga siya. Nag uusap sila ni tita at halata namang mahal nila ang isa't isa. Kita mo naman sa ngiti nilang dalawa.

"Ito ikay oh"

Kinuha ko naman ang damit at bumalik ulit sa kwarto tsaka bumihis
Kinuha ko ang maong na palda ni tita at tsaka yung white na lace na damit. Ang gaganda pa ng damit na tu di na ginagamit ni tita? Kinuha ko ang wallet ko at tsaka phone at lumabas na ulit.

"Oh diba ang ayos na ng itsura mo. May pera kana ba dyan? Eto oh"

"Nako wag napo tita may ipon naman po ako dito"

"Sus ano pa yung silbi na kinuha kita kung di mo mn lang din tanggapin lahat ng binibigay ko?"

Napakamot ako sa ulo ko. Linapitan ako ni tita at linagay sa kamay ko ang 5000. Nakakahiya na talaga andito lang naman ako para pag aralin niya pero pati luho ko sinusupurtahan ako ni tita.

"Salamat po tita."

"Oh siya sige na alis kana. Baka andun na sa labas mga kaibigan mo"

"Sige po tita alis napo ako, bye po."

Ngumiti lang ang boyfriend niya. Agad akong lumabas ng bahay. Paglabas ko ng gate agad ko namang nakita ang kotse ni Xzaphera, bumaba ang bintana.

"Hali kana"-Kristal

Pumasok na ako sa sasakyan si Xzaphera ang nagmamaneho. Nasa front seat naman si Kristal.

Im inlove with Miss ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon