Chapter Two

19 1 0
                                    

I'm in trouble, I must admit it. Exited talaga ako dahil may bago akong mission pero parang nawala yung exitment ko nung nakilala ko tong malanding lalaking to!

Naiirita na talaga ako sa kanya, kanina pa kasi sya lapit ng lapit sa akin. Pilit akong lumalayo pero kung saan ako magpunta andoon din sya.

Nakarating na kami dito sa Chocolate Factory nya, nag lakad lang kami. Magkatabi lang kasi yung Office Ng Rollo Chocolate Company at Yung Factory nito.

Nagsimula na akong mag picture dito sa part na nasunog, kumuha na din ako ng mga extra metals na andun para malaman kung anong klaseng bomba ang ginamit sa pagsabog, meron ding naiwan doon strand ng buhok kaya kinuha ko, Nilagay ko ang mga nakalap kong ebidensya sa isang malaking ZipLock.

Binigay ko ang ziplock doon kay SPOII JOSH LAPAZ, sya ang kasama kong pumunta dito, pinahatid ko nalang yung ziplock duon sa presinto para masuri ng mga forhensic scientist.

Nagpa iwan lang ako dito sa Factory dahil mag titingin tingin pa ako sa paligid, kung saan maaring dumaan ang suspek, paano siya o sila nakapasok sa kabila ng pagkakaroon ng gwardya nitong factory kahit na sa gabi.

Sa totoo lang wala pa akong background sa pag iimbestiga, kaya nga ako na exite sa misyong ito dahil gusto ko itong maranasan, aaminin kong mahirap dahil sanay ako na nasa field yung nakikipag barilan, maaring sa mga nang hohold up, yung nang huhuli ng drug pusher and user, yung pinapadala pag may hostage taking.

Mahirap pero kakayanin, hindi ka matatawag na magaling na pulis kung sa isang larangan ka lang mag babase, minsan kailangan mo ding lumabas sa kinagisnan mo at sumubok ng ibang bagay.

Okay na sana e, maganda na sana ang takbo ng pag-iisip ko ng biglang may gumulat sa akin,hinawakan ako sa balikat. Hindi ako sanay na may humahawak sakin sa ganoong paraan. Kaya,ang ginawa ko ay hinagip ang kamay nya, pilipitin iyon, pinalipad ko sya sa ere at bumagsak sya sa lapag.

Nagulat ako ng makita ko kung sinong lalaki ang nakalupagi doon at namimilipit sa sakit.

"Bakit ba kasi nang-gugulat ka, sir?" tanong ko sa malanding ceo.

Tumawa lang ito, pilit na tinatago ang sakit na nararamdaman "Grabe ka naman pala magulat."

"Sa susunod kasi wag nyo akong gugulatin kung ayaw nyo magkaganyan." Tinulungan ko sya sa pagtayo at inalalayan ko sya pa-upo sa pinakamalapit na upuan.

"Aray, Aray ang sakit!" pag rereklamo ng malanding ceo.

Nag kanda aligaga naman ako "saan, saan?"

"Dito oh!" tinuro nito ang kanyang kaliwang braso,kaya hinilot ko baka kasi na dislocate na kawawa naman ang malanding to.

"Yan ang sakit ouch, ouch! Ang sakit talaga" may pa pikit pikit pa syang nalalaman halata naman na scripted ang pagsasalita nya.

Kaya hinampas ko ang braso nya "Oportunista!!!" Inis na sabi ko, iniwan ko sya sa upuan at sya naman ay napangiwi lang sa sakit. Buti nga sayo!.

Tumingin ako sa relo ko, 5:00 PM. Okay kailangan ko ng umuwi, nasaan na ba ang malanding C.E.O nayon??? Kailangan ko ng nagpa-alam sa kanya at sabihin bukas ko nalang itutuloy ang pag interview sa kanya.

Masasabi kong napakalaki at napakaganda ng Rollo Chocolate Factory,malinis ang bawat paligid. Gusto ko sanang makita kung paano nagwowork ang paggawa ng tsokolate gamit lamang ang mga mamalaking makinang ito pero wala silang produksyon ngayon hangga't hindi pa naayos ang gulong ito ay hindi muna sila gagawa ng mga chocolates.

Sobrang laki ng Factory pero agad kong, nakabisado ang pasikot-sikot dito. Isa sa dapat maging katangian ng pulis ay ang matalas na memorya.

Naikot ko na ang buong Factory pero hindi ko nakita ang MALANDING CEO nayun kaya napagdesisyunan kong pumunta sa kabilang building doon sa RCC kung saan nandon ang opisina nya.

Nakarating agad ako sa opisina nya, pinihit ko pabukas ang door knob.

Bumungad sa akin ang tulog na mukha ng malanding ceo, lumapit ako sa kanya, pinagmasdan ang maamo nyang mukha habang natutulog. Mukha syang anghel kapag tulog,sana tulog nalang sya palagi.

Ewan ko ba pero hindi ko maiwas ang tingin ko sa lalaking to, tumagal pa ng ilang minuto ang pagtitig ko sa kanya.

Mukha syang mabait pag tulog, mukhang inosente at walang alam na kalandian sa katawan. Mahirap mag tiwala sa ganitong mga lalaki halatang malandi at walang alam kundi makipag laro lang sa isang relasyon.

Hindi ako bulag sa katotohanan, nakikita ko ang lalaking ito sa mga magazine at tv news, bawat buwan ata ay may iba-ibang girfriend ang malanding ito.

Ngayon ko lang na realize, sya yung lalaking anduon sa commercial ng "Rollo Choco" wow sya yung nag i-endorse ng sarili niyang product, ang laki rin talaga ng kompiyansa nya sa sarili nya.

Aaminin kong Gwapo sya sa T.V pero diko inakalang mas Gwapo pala sya sa personal. I think right now sya ang pinakagwapong lalaki ang nakita ko.

Hay ano ba itong pinag-iiisip ko, hindi na tama to, nakakita narin naman ako ng mga gwapo dati pero hindi naman ako ganito sa exagerated.

"Baka matunaw ako nyan" bigla akong nagising sa katutuhanan, nagulat ako dahil nakita ata ni rollo na tinititigan ko sya.

"Yelo kaba para matunaw?" Pambabara ko sakanya.

"Hindi, pero chocolate ako natutunaw dahil sa mainit na titig mo." Ay pumipick up lines pa tong malanding to, akala naman nya ay ma pi-pick nya ako.

"For your information Mr. Rollo, i'm not staring at you or whatever." Mataray na sabi ko "I am just waiting for you to wake up because im gonna say that I'm leaving, see you tommorow."

Ngumisi lang ang malanding lalaki na may ari ng pagawaan ng tsokolate "Sus, Nagpalusot pa."

Taray lang ang iginanti ko sa kanya, sa totoo lang dapat naiinis ako sa kanya dahil he's not being professional para lang nya akong tropa kung kausapin pero ewan ko ba bat di ako nagagalit, siguro kung iba yun kanina pa sumabog ang nguso nun.

Palabas na ako ng pinto nang magsalita sya "Miss Aby, Can i offer you a dinner."

Matamis akong ngumiti bakas sa mukha nya ang kasiyahan dahil akala nya siguro'y papayag ako pero nagkakamali sya "The answer is NO." Nawala ang ngiti sa mga labi nya at ako naman ay lumabas na ng pinto.

Urghhh... i really hate men with flirty attitude.

Flaneur Series 1: SWEETEST CHOCOLATEWhere stories live. Discover now