Chapter12

90 10 0
                                    

Three days after...

Nagising ako at nakita ko sa tabi ko si Mama. Nakahawak siya sa kamay ko, naiyak ako. Miss ko na ang Mama ko:<
Hinawakan ko siya nang mahigpit dahilan para magising siya at niyakap niya ako. Noon ko lang napagtanto na 'di pala ako makagalaw nang maayos at masakit ang buong katawan ko. Nakasuot ako ng damit na ginagamit sa hospital, teka, nasa hospital ako?

"Anak ko!" Umiiyak na sambit ni Mama.

Ngayon ko lang napansin na nandito pala si Papa, Tita at 'yong bespren kong matagal ko nang 'di nakikita.

"Nak! Kumusta ang pakiramdam mo? Bakit kasi umupo ka pa doon sa gitna ng daan? Ayan tuloy!" Umiiyak na sermon ni Papa sa'kin.

"Baby! 'Wag mo na uulitin 'yon ah! Sobra mo akong pinag-alala eh!" Sabi ni Tita na umiiyak na rin.

"Bes! Ano ba kasi 'yong pumasok sa isip mo? Ba't mo naisipang gawin 'yon? 'Di ka naman nag-iingat eh!" Pagsesermon ng napakadaldal kong kaibigan. Miss ko na 'to...

Napangiti ako dahil nandiyan sila at minamahal nila ako.

"Anak... sorry kong 'di ka maalagaan ni Mama ah? Miss na miss na kita, Anak!" Umiiyak na saad muli ni Mama.

"Miss na miss na rin kita, Ma!" Sagot ko na umiiyak na rin.

Narealize kong marami pala ang nagmamahal sa'kin kaya dapat pahalagahan ko ang buhay ko.
Buti pa sila minamahal ako, si Darren sinasaktan lang ako. Hala! Si Darren nga pala ba't wala siya rito?
Nagsimula na akong kabahan...

"Tita? Nasa'n po si Darren? Ayos lang po ba siya? Nasa'n po siya? Ba't wala siya dito? Tita! Sorry po!" Humahagulgol na ako sa iyak.

Kung may nangyaring masama kay Darren, kasalanan ko lahat 'yon. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko.

"Tita! Nasa'n po siya? Pa!" Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Baby, 'wag ka gan'yan. Makakasama sa'yo 'yan eh!" Saad ni Tita.

"Pero Tita! Si Darren!" Umiiyak pa rin ako.

"Shhhh, tahan na Nak! Ayos lang si Darren, Nagtamo siya ng sugat pero kaunti lang naman kaya nakalabas na siya ng hospital, kahapon pa." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Papa. Salamat po Lord at maayos siya.

"''Asan po siya?" Tanong ko na kumakalma na.

"Nasa Daddy niya, baby. Do'n daw muna siya." Sagot ni Tita.

Nalungkot ako, kasi mukhang ayaw niya akong makita. Baka galit siya sa'kin dahil doon sa nangyari.

Natapos ang two weeks.
Nakalabas na ako sa hospital at nasa bahay ngayon buti nalang at saktong summer vacation kaya makakapagpahinga ako.
Hanggang ngayon 'di ko pa rin nakikita si Darren. Tuluyan na ba siyang lumayo? Pero 'di ako nawawalan ng pag-asa na makikita ko ulit siya.

Gusto ko siyang makausap. Gusto kong magpasalamat sa ginawa niya para sa'kin, do'n sa pagligtas niya sa'kin.
At gusto kong humingi ng tawad.

Ibinalita ni Papa na sa makalawa na gaganapin ang engagement nila ni Tita. 'Di pa raw kasi sila engage eh! Tiningnan ko ang date sa makalawa.
Birthday ko pala ang araw na 'yon?

Kasabay ng celebration ng birthday ko ang engagement ni Tita at Papa.
pupunta kaya siya? Nakausap ko naman si Mama at invited daw siya sa engagement nila Papa.

Naiyak ako no'n at niyakap ko si Mama. Buti pa si Mama mabilis makamove-on kay papa. Sana gano'n nalang din ako.

My First Love, My Future Brother? | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon