Chapter 2

60 3 10
                                    

Ito pala 'yung chapter 2. Mali yung napost ko hehe ^^v

**

Caleb's POV

"I do love her!" Dave shouted.

"You're too annoying!" naiinis na sabi ni Spencer

"But I love her!" Sigaw naman ng natatangang si Dave.

"Ang cry baby mo. Pasensya na sa Ate ko" Sabat naman ng magandang Reyna.

"Sinabihan ka naman na pala si Margaux na hindi siya nag seseryoso pero tatanga tanga ka naman pala" Pag da-down ni Thomas.

"Yan ang mahirap sa mga sundalo ng pag ibig. Kung ako kasi sayo pinag laruan mo nalang" Sabi ko.

Nakipag break na daw kasi sakanya si Margaux, at halata namang hindi makaka-move on ang loko. Kanina pa 'to siya umiiyak. Susme. Parang bading! Parang hindi lalaki, hindi na siya nahiya kay Airiz at Queen na kapatid ni Margaux na nandito. Sarap upakan.

"You don't know what is the meaning of true love, Caleb" sabi niya habang humihikbi.

"True love, true love, gago! Tigil-tigilan mo nga ako diyan! Masasapak na kita" sabi ko sabay bato ng unan sakanya.

Talagang hindi ko alam ang meaning ng pag mamahal. Sus, masasaktan at masasaktan ka lang kapag nag mahal ka. Bakit ka pa tataya kung alam mo namang masasaktan at masasaktan lang 'din yang damdamin mo, diba? Ayokong mag pakatanga sa pag-ibig na yan, tulad nitong si Dave. Mukhang tanga. Hindi pala mukha, natanga na nga ang loko.

"Gusto kong gumanti!" he said in gritted teeth. Closed fists, at halata talagang galit siya

"Hoy! Wag mong sasaktan 'yung Ate ko. Ako makakalaban mo" sigaw naman ni Queen.

"I won't hurt her physically but I'll hurt her emotionally. Maybe hindi ako 'yon pero alam kong makakahanap 'din siya ng katapat niya" matapang niyang sabi.

"Sus, asa ka pang mahuhulog sa mga ganung patibong si Margaux. Alam mo Dave, ka-uri ko si Margaux. Gago ako, gago 'din siya. She's playing a game like what I am playing. I'm a playboy and she's a playgirl. What do you think, guys? Compatible ba kami?"

"Mokong! Ikaw na ang nag sabi na hindi nag papahulog sa ganung patibong si Margaux alam niya din ang galawan ng mga gago kasi gago din siya" sabi ni Spencer

"Gusto ko ng mag bago si Ate, ang pangit-pangit ng image niya" sabi ni Queen na mukhang nalukungkot.

"No, you're wrong Queen. Ang tingin naming mga gago sa isang tulad niya ay HOT. Kasi hindi mo sila makukuha basta basta though kahit sino nalang nagiging boyfriend niya. Ang mga tulad niya may taste, hindi siya kumukuha ng basta basta. Basta! ang hirap kasi mag explain"

"Hirap kang iexplain yung ugali mo?" natatawang sabi ni Thomas.

"Nasaan ba si Bryx?" Pag tatanong naman ng natatangang si Dave.

Lahat kami nag shrug. Malay ba namin dun sa wirdo na yun.

Oo wirdo yun, sobrang sungit, parang laging may dalaw. Takte, 5 words ang minimum niya kapag may kaharap na iba, pero kapag kami minimum of 15 words. Galing no?

Bumukas 'yung pinto kaya naman, napatingin kami. And speaking of...

"Bryx!" sigaw ni Dave.

"Why? What happened to you?" walang expression na tanong ni Bryx.

"Nakipag break saakin si Margaux" and then, he cried again. Uupakan ko na 'to. Nakakabwisit na kasi eh.

"Kanina pa iyak ng iyak yan!" -Thomas

The Skirt ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon