Chapter 9

44 2 3
                                    

I blinked twice. All white lang ang nakikita ko sa paligid ko. 'Yung ceiling, yung wall, 'yung kama na hinihigaan ko all white. Nasa heaven na ba ako? Kinuha na ba ako ni Lord? Sa pag kakatanda ko kasi, kasama ko lang si Caleb eh. Hindi kaya.. Na-aksidente kami at na-tigok ako ng ganun? Huhu! Pero sa lahat pa 'din ng kagaguhan na nagawa ko sa buong buhay ko, sa heaven pa 'din ako bumagsak? Mahal talaga ako ni Lord.

Pero, joke lang. Hindi naman ako namatay. Haha! Mukhang nakatulog lang talaga ako kanina. Sa busog ba naman sa landian este sa dami ng kinain naming kanina, sinong hindi aantukin. Plus, siesta time kanina.

"Gising ka na pala" biglang pasok ngi Caleb sa kwarto. Nagulat nalang ako kasi hindi man lang siya kumatok ng pintuan. Pero, di ko naman bahay 'to kaya wala ako sa lugar para mag inarte ng ganun.

"Wala namang nangyari 'diba?" pag tatanong ko. Natawa siya sa sinabi ko at umupo sa edge ng kama na hinihigaan ko.

"Kahit na gago ako, hindi ako nag te-take advantage" pabirong sabi niya at may iniabot siyang paper bag sa'aakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang tanong 'kung bakit. "May event dito sa bahay, kaya gusto 'din kitang dalhin dito. Akala mo ba gagawa tayo ng milagro? Bawasan mo ang maduming pag iisip sa'akin" sabi niya, at ipinatong ang paper bag sa kama.

"Saan mo 'to nakuha?" pag tatanong ko.

"Pinadala ko 'yan 'kay Victor. Ayaw na ngang umalis kanina eh. Nag sisigawan na kami dito sa kwarto pero, ang tibay mo palang matulog no? Tulog mantika ka"

Natawa nalang ako dahil totoo naman kasi iyon. Minsan kasi para lang gisingin ako ni Victor, binabasa niya ng malamig na tubig iyong mukha ko para magising ako agad agad. Masarap kaya kasing matulog, pero sa sobrang sarap hindi mo na magawang gumising ng maaga.

Pumunta naman si Caleb sa bintana at hinawi ang kurtina. Nakakita ako ng liwanag na nanggagaling sa mga ilaw na nasa ibaba nito. Pinuntahan ko naman ito, at nagulat sa nakita.

"May party?" pag tatanong ko.

"Yeah. Engagement party ng Kuya ko" sagot naman niya sa'akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa'akin para sana nakapag handa ako?"

"Kahapon lang 'din namin nalaman na may engagement party. Hindi ko na nasabi sa'yo kasi, you know if I invited you here there's a tendency that you might reject my invitation. So, naisip ko na hindi ko nalang sasabihin sayo"

"Kahit na!! Dapat sinabi mo pa 'din sa'akin"

"You're going to meet my family. So, behave"

Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit sa ganoong sentence niya lang ako napapatigil. Bawat kasi sabihin nila, hindi 'din ako nawawalan ng sasabihin. Talaga bang nakaka-speechless kapag you'll meet his family? Ganito ba talaga 'yung normal? 'Yung kinakabahan ka?

"Bat natahimik ka? Bakit, namumutla ka 'din? Okay ka lang ba?" pag tatanong niya sa'akin.

"Nagugutom na kasi ako. Hindi mo naman kasi ako pinakain kanina nung nag luto ka. Nakatulog ako ng gutom" pag papalusot ko sakanya sabay irap sakanya.

"So, mag ayos ka nalang. Pag labas ko, may papasok dito na make-up artist. After kang ayusan, I'll check you up then we will go there, okay?" he said and then he suddenly kissed my forehead na ikinagulat ko.

I'm stoned. Nakatingin lang ako sakanya. Nawala bigla 'yung gutom na nirereklamo ko sakanya. Nginitian niya ako at tuluyan na nga siyang umalis dito sa kwarto. Pumasok na 'din iyong make-up artist. Tinanong niya ako kung nakapag freshen up na daw ba ako, sabi ko hindi pa. hindi pa naman talaga. Hindi pa 'din nga ako nakakapag toothbrush. I checked on my paper bag na dinala daw kanina ni Victor. And there you go! Nandoon ang mga undies ko, pati na 'din ang mga pang personal use. Talagang mapag kakatiwalaan sa mga ganito si bakla.

The Skirt ChaserWhere stories live. Discover now