Chapter 10

28 2 11
                                    

"Victor! Nilalamig ako!" Tawag ko sa lalaking-- este bakla pala na katabi ko.

"Sorry Machay but I don't want to hug you. Payakap ka kay Caleb or kay...." Lumapit siya sa'akin at bumulong "'Kay Bryx HAHAHAHAHA" sabi niya tapos humagalpak siya ng pag tawa.

Inirapan ko siya at nag cross arms. Hindi ko alam 'kung bakit ko 'to naging kaibigan. Pero dahil siguro nag kakasundo kami sa mga kalokohan namin?

"Sira ulo ka talaga no? Hoy, FYI ikaw nag dala nitong damit na 'to dito. Alam mo pala na may party dito hindi mo man lang sinabi sa'akin. Kapag ako pinulmon dito tapos nategi ako, ikaw unang una kong mumultuhin" sabi ko na may halong inis sa boses ko.

"HAHAHAHAHA!! Sorry na Machay. Napag utusan lang ako ni Fafa Caleb na huwag na huwag kong sasabihin sayo kasi baka daw hindi ka pumunta kahit nandito ako. Uminom ka nalang ng uminom diyan para mainitan 'yang katawan mo. Or baka naman, ibang init 'yung hinahanap mo?" Sabi niya at iniabot sa'akin ang isang shot nitong alak na iniinom namin. Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya kaya naman binatukan ko siya. "Aray haaaa!!!! Problema mo?" Sabi niya habang naka hawak sa batok.

"Anong ibang init iniisip mo dyan? Can you please shut up?" Pag tataray ko.

"Ikaw 'tong nag sasabi ng nilalamig ka tapos ngayong nag susuggest ako nag rereklam---" hindi niya na natapos ang sinabi niya ng lagyan ko ng tatlong slice ng lemon iyong bibig niya.

"Dami mong sinasabi! Manahimik ka na nga" sabi ko pa at tuluyan na akong tumayo para mag CR.

Medyo nakakarami na 'din ako ng inom pero hindi pa naman ako tinatanggalan ng tamang pag iisip. Si Victor siguro ang nawala na sa katinuan kaya lalong dumadami nalalaman nun sa mundo.

Nang papasok na ako sa loob ng bahay nila Caleb, bigla akong kinilabutan at nakita kong naka upo sa sofa si Bryx sa sala ng bahay. Napatingin ako sakanya at nakita ko din naman na nakatingin 'din siya sa'akin.

Dahil gusto kong maging mag kaibigan kami, nilapitan ko siya at siya nalang ang kakausapin ko. Kesa 'kay Victor na 'kung anu anong lumalabas na bad words sa bunganga niya.

"Hey. Nandyan ka lang pala?" Pag sisimula ko. Nag lakad ako papalapit sakanya at umupo sa kabilang sofa, malapit sakanya.

"Obviously" simpleng sagot niya.

I sighed. Ganito ba siya ka-cold talaga? Kalma lang Margaux. You can deal with that cold guy. Chicken lang sayo yan. Makukuha mo 'din loob niya.

"Can I call you Snow?" Biglang sabi ko out of the blue. Bigla akong napahawak sa bibig ko. Kasi iniisip ko 'kung ma-o-offend siya sa sinabi ko.

"Snow? Why?" Pag tatanong niya. Tumingin siya ulit saakin at lumapit sa'akin ng kaunti na para bang interesado siya sa sinasabi ko.

"Kasi, you're cold as an Ice. White as an Snow" sabi ko while looking down at my fingers and playing with it.

"Bat hindi mo pa ginawang taong nyebe or Olaf?" Sagot niya na ikinagulat ko.

Oo. Nagulat ako sa sinabi niya dahil paraat  bigla akong napatingin sakanya. At bigla akong natawa. Hindi tawa. Hagalpak.

"Hahahahaha! Sheet Bryx. Hindi ko alam na may ganyang side ka hahahaha. Ang korni mo promise" pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko pero... "Bryx! Gusto mo ba gumawa ng taong nyebe? Hahahaha" biglang sabi ko.

"I'll make one. Don't worry" sabi niya at lalo akong natawa.

"Hahahaha! Good luck! Suportahan kitang gumawa ng snow man dito sa tropical country" pang iinis ko.

The Skirt ChaserOnde histórias criam vida. Descubra agora