"Rona! Rona tama na!" May umawat kay Rona pero hindi ko na naaninag ang mukha niya dahil sa luhang bumabalot sa mga mata ko.

"Bitawan mo ako, Xavier! Kailangan niyang pagbayaran ang kasalanang ginawa niya! Kailangan kong maipaghiganti ang kaibigan ko!"

"Akala mo ba magiging masaya si Amanda sa ginagawa mo?" Sagot ni Xavier sa kanya. Dahan-dahan akong tumayo at inayos ko ang sarili ko.

"Hoy! Wala kang pakialam kong patayin ko man yang malanding yan! Bitawan mo ako! Bitawan mo ako't puputulin ko ang ulo ng malanding yan!" Pagwawala ni Rona habang mahigpit siyang hinahawakan ni Xavier.

"Rona--" magsasalita pa sana si Xavier pero inunahan ko na siya.

"Bitawan mo siya." Napatigil sa pagwawala si Rona at napatingin silang dalawa sakin.

"Aba! Matapang kang malandi ka ha! Ano? Gaganti ka? Aagawin mo din si Xavier sakin gaya ng pang-aagaw mo sa asawa ng kapatid mo? Hoy! Hindi mo maaagaw sakin ang asawa ko! Papatayin muna kita bago mangyari yun!"

"At kapag namatay ba ako magiging masaya kayo?" Biglang tumulo ang masasaganang luha sa mga mata ko at pinahid ko naman ito kaagad. "Kapag nawala ba ako sa mundong 'to ay magiging mapayapa ba ang buhay niyo?"

"Oo!" Sigaw niya at feeling ko biglang nawasak ang puso ko dahil sa sagot niya. "Magiging masaya kaming lahat kapag nawala ka! Magiging mapayapa ang buhay namin kapag wala ka na! Alam mo kung ano ang pinangarap ko? Pinangarap ko na sana... sana di ka nalang nabuhay nong naaksidente ka! Sana di nalang kita tinulungan nong nagdadalantao ka! Sana di na lang ako naawa sayo! At sana... sana si Jeff nalang ang nabuhay kesa sayo!"

"Sana nga Rona... sana nga." Yun lang ang tanging nasabi ko sa kanya at naglakad na ako palayo sa kanilang dalawa. Palayo sa mga taong nasaktan ko ng sobra.

* * *

Alex POV:

"Pahina ng pahina ang katawan ng pasyente dahil sa epekto ng pagkakasagasa sa kanya. Ang tanging pag-asa nalang natin ngayon ay ang pasyente mismo. Magdasal na lang tayo na sana ay lumaban siya at pilitin niyang mabuhay. Ginawa na po namin ang lahat pero parang gusto na po talagang bumitaw ng pasyente. Wala na po kaming magagawa kung hindi man siya magising sa loob ng bente-kwatro oras. Sa ngayon, ang tanging nagpapatibok na lang ng puso niya ay ang makina. Hindi na po namin mapipilit ang pasyente kung ayaw niya na po talaga. Pasensiya na po." Bigla akong nawalan ng lakas at di ko na napigilang maiyak dahil sa sinabi ng doctor.

Hindi na po namin mapipilit ang pasyente kung ayaw niya na po talaga.

"B-bakit... bakit ayaw mo na?" Pabulong na tanong ko kay Amanda at dahan dahan akong naglakad papunta sa kinahihigaan niya. "Bakit ayaw mo na?" Ulit kong tanong sa kanya hoping na sana ay marinig niya ako at nang makalapit na ako sa kanya ay hinawakan ko ang kamay niya. Hinawakan ko ito ng mahigpit hoping na sana ay mapansin niya ang pagsusumamo ko. "Bakit ayaw mo na?!" Sigaw ko sa kanya at napaluhod na ako sa tabi niya habang hawak hawak ang kamay niya.

Kahit mawalan pa ako ng boses sa kasisigaw ay hindi ako titigil hanggat hindi niya ako pinapansin. Hanggat hindi niya ako sinasagot. Sisigaw ako ng sisigaw hanggang magising siya.

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें