Natapos ang usapan namin dun dahil nagtelebabad si Cindy kay Jooheon. Sinubukan ko na lang na matulog para mabawi ang lakas ko dahil napagod talaga ako ngayong araw. (Huwag ka ng mag-iisip ng kung anu-ano ngayong gabi. Tama na Mozy.)



Kinabukasan ay nauna akong nagising kay Cindy, ang aga kong nagising sa hindi ko malaman na dahilan. Sabado naman ngayon kaya walang pasok kaya hahayaan ko ng matulog si Cindy.



Ginawa ko ang morning routine ko at matapos iyon ay naisipan kong lumabas ng kwarto para maglakad-lakad. It's actually, 5:30 a.m. Nayakap ko ang sarili ko nang tuluyan na akong makababa sa building. Ang lamig kasi ng hangin.


Nagstretching ako bago tuluyang maglakad.



Nilibot ko ng tingin ang Monsta X Academy. Ganito din katahimik noong unang araw ako dito. Naalala ko bigla yung araw na nakilala ko si Kihyun. Napapangiti ako kapag naalala ko yun.




"Ang aga mo nagising ah,"


Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ko iyon.


"Good morning girlfriend ni Kihyun," nginitian ko si Wonho.Napansin kong medyo pawis sya at may hawak-hawak syang puting towel at gatorade.


"Good morning Wonho, bakit ang aga mo rin?," tanong ko.

"Nagjogging kami nila Shownu pero nauna na sila sa hideout," napatango ako.


"Tara sa hideout?,"


Sumama ako kay Wonho patungo dun at nang makadating kami ay sumalubong ang masarap na amoy samin. Naabutan kong nagluluto si Shownu. Ang cute nya tingnan lalo na sa suot nyang apron.

"Good morning," bati ko. Pinasadahan naman nya ako ng tingin.

"Good morning Mozy. Dito ka na magbreakfast," tumango ako. Hindi ako aayaw sa alok na yun dahil mukhang masarap ang nakikita kong pancake ngayon.


"Sige Shownu. Yung iba nga pala? Natutulog pa?," tanong ko.


Sakto namang lumabas si Minhyuk galing sa kwarto. Nakita ko ang pagkagulat nya nang makita ako.

Nginitian ko sya at binati ng "Good morning,"

"Good morning din," aniya saka pumunta kay Shownu.


"Mozy maupo ka muna dito," rinig kong saad ni Wonho kaya sumunod ako sa mini living room nila.

Pinasadahan ko sya ng tingin.

Err. Nakatopless sya at ang ganda ng katawan nya.

"Hoy Wonho! Magbihis ka na nga! Lagot ka talaga kay Kihyun! Sineseduce mo pa si Mozy," tiningnan ko ang kagigising na si Jooheon saka tinapunan ng damit si Wonho.


"Good morning Mozy," ngumiti ako sakanya. Ang cute ng mata nya dahil kakagising nya lang talaga.

"Gago, nakaboxer ka nga lang e," tatawa-tawang saad ni Wonho.


"Nakasando naman ako ungas, ikaw pinaglalandakan mo yang abs mo!," sagot ni Jooheon.



"Sige maliligo muna ako Mozy," kinindatan ako ni Wonho bago umalis. Natawa lang ako.


Umupo naman na ako at pinagnood ang tatlo (Shownu, Minhyuk at Jooheon) na busy sa kusina. Ang cute nilang tingnan at talagang komportable na sila sa isa't-isa. Naisip ko tuloy yung sinabi ni Cindy na para sa mga boys ay kulungan tong academy, pero sa nakikita ko ngayon, this is their home and where they really belong. Ang swerte nga nila dahil kahit only child sila ay para narin silang may kapatid sa ganitong set-up.


MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now