Chapter 40: Last I Love You

12.8K 306 30
                                    

THIRD PERSON'S P.O.V

Hindi inaasahan ng mga guwardiya ang biglang pagdating ng kanilang master kaya lahat sila'y natahimik. Naisip nilang napaka-importante siguro ng identidad ng babae upang kusa at personal na nakipagkita dito ang kanilang master.

Samantalang sa loob ng sasakyan ay biglang lumamig ang hangin. Nagngingit-ngit ang mga ngipin ni Luke dahil sa pagkamuhi sa taong biglang dumating. Maging si Ryker na kanina naka-upo sa backseat ng sasakyan ay mas lalong lumamig ang mga mata nang makita ito.

"Why are you treating our visitors awfully?  Let's welcome them instead. Ms. Schwender, why don't you step out from the car and let's talk while eating. I'm a little bit famished and want to eat steak. What do you think?" palakaibigan ang tono ng pagyaya ng lalake na tila ba'y wala itong kinidnap na bata.

Lumabas si Luke ng sasakyan habang pinipigilan ang inis na kanina pa gustong kumawala. Malamig ang boses na nagsalita ito.
"We don't have to watch you eat. We're here for the kid."

"Pasensya't hindi ko batid ang inyong pagmamadali. Hahaha... pero ano ba ang pinagmamadalian niyo? We have all the time." natatawang sabi nito sa mga bisita.

Nakuyom ni Luke ang kanyang kamao dahil sa sinabi nito. Parang gusto niyang manuntok at ipalabas ang inis na kanyang nararamdaman. Napalingon siya sa katabi nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya.

"Luke you should calm down. You don't want to spoil our plan, won't you?" bulong nito.

Wala siyang nagawa kun'di ang pakalmahin ang sarili bago muling humarap sa lalakeng kanina pa niya kinaiinisan.

"Pero kung talagang nagmamadali kayo. Maybe I can grant your request. But you all know that I need something in return. Sadly I'm sure you're not ready to hand it to me." matapos nitong magsalita ay nakangiting bumaling ito sa tauhang kasama nitong dumating.

"Tell the chef to prepare food. I'll eat after talking to them."

Mabilis na umalis ang tauhan nito at sinunod ang inutos ng kanyang master. Muling nitong ibinaling ang tingin sa mga bisitang kanina pa niya inaasahang dumating.

"We have the chip and we will gladly give it to you basta ibibigay mo saamin ang bata." sa unang pagkakataon ang nagsalita si Ryker.

Malamig nitong tiningnan ang lalaking ilang taon niyang kinilala bilang ama. Si Leonardo Suarez, the person who destroyed his and his mother's life. He became a thief because of this person. Nagsimulang nawasak ang kanyang buhay dahil sa taong kanyang kaharap.

Malaki ang kanyang hinanakit dito at habang nasa harapan niya ito'y maraming mga katanungan ang biglang pumasok sa kanyang isipan. Gusto niyang lapitan ito at itanong kung bakit ganoon ito kalupit sa kanya at sa kanyang ina. Kung bakit nito ipinagtabuyan ang kanyang ina. Nais niyang isumbat rito ang lahat ng kanyang pinagdaanan.

He's throwing menacing glare to Leonardo but all he got is a smile which irritated him. He felt someone patted his shoulder kaya liningon niya ito.

"Don't let your emotions control you. Let me handle this." wala siyang nagawa't napilitang tumango at ipinaubaya kay Luke ang sitwasyon.

"Are you sure? Sa pagka-alala ko'y ilan taon tayong naghahabulan Ms. Schwender para lang sa pinakamamahal mong chip. I never thought your son is your weakest point. Kung noon ko lang pala 'to ginawa tapos na sana ako sa dapat kong gawin." he chuckled lightly feeling a bit skeptical.

"I am more than willing to exchange that thing for the life of my son." wika ng babae na siyang nagpatawang muli ng lalake.

"Oh ano pa ang hinihintay natin? Halina kayo at pumasok sa aking...palasyo." pag-aaya nito sa mga bisita.

My Baby's Father is a Mafia Boss Where stories live. Discover now