Chapter 31: A Hug from Behind

11.5K 307 12
                                    

JILL'S P.O.V

"I think I should kill you." I said menacingly.

Natahimik siya dahil sa sinabi ko. Pero kumunot bigla ang aking noo dahil mahinang yumuyugyog ang kanyang balikat at kinakagat niya ang kanyang labi. I stared confusely at him and suddenly, he bursted out laughing.

"Hahaha! G-grabe nakakatakot ka." and then he continued laughing.

Umismid ako at inilayo ang dagger mula sa kanyang leeg. Ibinalik ko ito sa ilalim ng aking damit. Humalukipkip ako at hinintay ko siyang matapos kakatawa. May natatakot bang tumatawa na parang wala nang bukas?

Nang sa wakas ay tuluyan na siyang natapos kakatawa ay napailing ako. He composed himself and took a deep breath before uttering a word again.

"Damn your reflexes. I should have known, baka dahil kung ano-ano nalang ang pinagsasabi ko ay bawian ako bigla ng buhay." biro pa niya bago muling bumaling saakin.

Sa napakahaba ng mga pinagsasabi niya kanina tungkol sa sarili niya ay nalinawan na nang tuluyan ang aking isip. He's dangerous and even though he's already with us, I still need to keep my guards up. Because of that name, I'm starting to think that I can't actually fully trust this guy beside me.

Natahimik ako at tinitigan ang aking mga paa na tila ba ay ito ang pinakamaganda at pinaka-interasadong bagay sa mundo. Natahimik din siya sa aking tabi. Iginalaw ko ng mahina ang aking mga paa upang pakilusin ang inuupuan kong swing. I closed my eyes while trying to solve the equation that keeps on running around my head. I am trying to analize the situation but, it's hard.

After listening to his story, the situation worsen and got more complicated. I have someone whom I don't know if he's actually an ally or enemy. Pagkarinig ko rin sa storya ng kanyang buhay, mas napatunayan na ang taong iyon ay totoong masama dahil maging sarili nitong anak ay nagawang alipinin.

Napa-angat ako ng tingin dahil may narinig akong papalapit ng yapak. Bumungad sa akin ang kanyang mga matang parang may nais ipahiwatig. Tinitigan ko lamang siya dahil pakiramdam ko ay ni isang salita ay 'di ko magawang iusal.

"I want to speak with you," lumingon siya sa aking tabi. "Alone." he said coldly. Even the surrounding doesn't have any lamps or lights but the light coming from the moon is enough for me to notice the sudden deadly stare in his eyes.

Kumunot ang aking noo dahil wala naman kaming dapat pag-uusapan. But maybe, it has something to do with CJ.

Lumingon ako kay Ryker na nanatiling nakaupo sa swing na nasa aking tabi.
Nagulat ako dahil maging ito ay may nakakamatay na tingin kay Tyrone. Dahil sa kanilang titigan ay parang domuble ang lamig ng paligid. Nailang ako bigla dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari kapag magpapatuloy sila sa kanilang ginagawa.

Tumikhim ako bago nagsalita.

"Pwede mo ba kaming iwan muna para mag-usap." napatingin siya saakin at napansin ko ang pag-alala sa kanyang mga mata.

I smiled at him to assure that I'll be fine. Mag-uusap lang rin naman kami ni Tyrone. Nag-aalinlangan siya pero sa huli ay wala siyang nagawa kun'di ang tumayo.

"I will be with Luke and if you'll need me. You already know where to look for me." he uttered seriously before completely leaving. Hindi ko lubusang naintindihan ang kanyang ibig ipahiwatig kaya ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.

Bumaling ako kay Tyrone na nakapamulsang naglakad papalapit sa akin. Yumuko siya at tinitigan ang aking mga mata. Kumabog ng malakas ang aking dibdib dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Para bang sinusuri niya ng mabuti ang aking mukha. Nakatulalang tinitigan ko lamang siya nang hindi kumukurap.  Inilapit niya ang kanyang mukha malapit sa aking tenga at bumulong.

My Baby's Father is a Mafia Boss Where stories live. Discover now