Chapter 15

206 5 3
                                    

Photo Album

Winter's PoV

Dahil sa nangyari kagabi kay Sapphire natakot ako bigla. Bakit ba kami ginugulo ng taong yon? Ano naman kaya ang koneksiyon namin sa kanya? Sino ba siya?

Nang makarating ako sa room namin ay nakita ko na agad si Austine. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya nagsmirk siya sa akin.

Ano na naman kayang problema neto? Tanong ko sa sarili ko. Dumiretso ako sa upuan ko at umupo na.

Austine PoV

"Hoy, gising na malelate ka na sa School" sabi ng naririnig kong boses. "Oo" sagot ko naman. "Austine, gising na" sabi ulit ng boses.

Maya maya pay nagulat na lang ako ng biglang may malamig na tubig ang bumuhos sa akin. Napatayo agad ako dahil sa nangyari.

Aawayin ko sana ang gumawa noon sa akin pero hindi ko ginawa dahil si mommy pala iyon. "Bata ka ang hirap hirap mong gisingin. Kaninang 7:00 pa kita pinapagising kay Nanay Lourdes pero di ka naman daw nagigising. Kaya ako na mismo ang gumising sa iyo. Bilisan mo diyan dahil malelate ka na" sigaw ni Mom sabay pingot sa tainga ko.

"Mommy, tama na. Masakit. Aray" sigaw ko pero tila walang naririnig si mommy at hinatak niya ako pababa ng hagdan hanggang sa kusina.

"Pfft. Hahhahahahahhha" tawanan ng mga kapatid ko. Kapag sa inyo nangyari to humanda kayong mga asungot.

"Tumigil kayo" bulyaw ko naman sa mga ulol kong kapatid. "Ikaw ang tumigil" sigaw naman sa akin ni mama. "Opo, tama na Mom. Please" I begged her.

"Bilisan mong kumain dahil maliligo ka pa" sigaw ulit sa akin ni Mommy. At dahil takot ako sa kanya binilisan ko agad ang kumain. Nang makaligo ako ay agad akong nagpalit ng damit pang School.

Baba na sana ako ng kwarto ko ng may mapasin akong kulay Black na Box. Dahil sa curiosity ko ay binuksan ko iyon.

Bakit ang daming gamit na pambabae dito? Pambatang babae to be exact. Oh my bathing suit pa. Teddy bear na pink? Kanino kaya tong mga to.

"Impossible namang akin tong mga to hindi ako babae eh" belong ko sa sarili ko .

Pero may isang bagay na nag caught ng attention ko. Yung photo album na iyong nasa cover page eh mukha ko mismo at ng dalawang batang babae.

"Hoy, Austine bumaba ka diyan kung ayaw mong kaladkarin kita" sigaw ni Mommy. Mamaya na lang kita titignan pagkatapos ng class ko.

"Opo, mom" sigaw ko agad pabalik dahil Baka mapingot na naman ang tenga ko. Kinuha ko ang photo album dahil...............gusto ko eh. Wala kayong paki alam.

Pumasok ako sa kotse ko lalabas na sana ako ng gate ng bahay namin pero hinarang ako ng mga sira ulo.

"Makikisabay na lang kami sayo. Para makatipid kami sa gas" sagot ni Alexis. "Mga walang hiya meron naman kayong sarili mga pera pang gas bakit di nalang yung mga kotse ninyo ang gamitin niyo. Ano silbi ng mga yun? Sirain ko yung mga kotse niyo eh" sigaw ko naman sa kanila.

"Sige na kuya. Ako yung magdadrive ngayon tapos si Aldrin naman mamayang uwian" sagot ni Anton.

"Tapos si Alexis naman ang bibili ng pagkain mo mamayang lunch" dagdag pa niya.

"Sa isang kondisyon. Pera niyo ang ibinili ko ng pagkain at pampagas ng kotse ko" sabi ko sa kanila.

"Oo na. Sige na" sigaw naman nilang tatlo. Hehehe panalo ako mga ulol. Kala niyo ah.

Si Anton nga ang nagdrive ng kotse ko papuntang School. Habang nagtatravel kami nilabas ko ang photo album at tinignan ang laman nito.

Binuksan ko ang photo album at tumabad sa akin ang picture ng isang batang babae na may dalang kulay pink na teddy bear.

Tsk. Cute naman netong batang to. Sino kaya to? Nilipat ko ang pahina at nakita ko naman ang picture kong may kasamang dalawang babae. Mukhang may naganap na party dahil nakacostume kami at may party hats sa aming mga ulo.

Mayamaya pay nakarating na kami sa School namin. Sinara ko ang photo album at ipinasok ko sa loob ng bag ko.

Tumuloy na ako sa classroom ko. On my way sa classroom nakita ko na naman ang number 1 victim ko.

Bad tripin ko kaya to? Ay mamaya na lang pala pagdating sa classroom namin.

Himala ako ang nauna sa classroom na ito. Umupo ako sa upuan ko ay tinaas ko ang aking paa. Ipinagpatuloy ko ang pagbabrowse sa photo album na nakita ko sa kwarto ko.

Pagdating ko sa dulo, may nakita akong note. "SANA HINDI MO AKO MAKILUMUTAN-WAW.

WAW? Sino to? Isa kaya siya sa dalawang batang babaeng kasama ko. Matanong nga si Mommy. Wag na lang pala. Wala akong pake.

Pumasok ang bwisit na instructor namin. Haaayyyy, kainis. Ang boring niya magdiscuss.

Nang matapos ang class namin ay agad akong umalis sa classroom na iyon. Nakakaantok talaga magdiscuss ng matandang iyon.

Pumunta ako sa library pagkatapos noon. Hindi para magbasa ha kundi para matulog. Mas malapit kasi yun sa classroom na iyon kesa sa office naming mga Illustrisimos.

Tinamad akong maglakad eh. Bakit may angal kayo? Wala kayong pakialam.

Winter's PoV

Natapos na ang first subject namin kaya naman lumabas na ang iba kong mga kaklase.

Lalabas na rin sana ako pero something caught my attention. Lumapit ako sa upuan ni Austine upang tignan kung ano yung nasa mesa niya.

Nang makita ko kung ano iyon ako ay napa-atras na lang bigla. Ang photo album na iyan. Binigay namin yan ni Avrilynn sa kanya.

Naaalala niya kaya ako? O kilala na ba niya ako simula palang? Ito ba ang dahilan ng pagngiti niya kanina?

Sana hindi dahil mas gugustuhin ko pang ibully niya ako kesa sa kamuhian niya ako.

Sana pagnakilala na niya ako ay hindi niya ako pahirapan ng tudo. Ano kaya ang gagawin niya kapag naalala niya iyon?

Will he hate me to death? Or will he want me to vanish just like before?

Kinuha ko ang photo album at nilagay sa bag ko. Ibabalik ko ba to sa kanya kapag hinanap niya.

Ay hindi ko alam. Tsk. Umalis ako ng classroom at pumunta sa susunod na class ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Maraming salamat sa inyong mga nagbabasa ng story.

Baka once a week na ako magupdate ngayon kaya abangers mga friends.

When the Whirlwood meet the IllustrisimoWhere stories live. Discover now