Chapter 14

106 5 3
                                    


Teddy bear

Aldrin's PoV

Nasa kwarto ako ngayon at nakahiga na. Kani-kanina lang ay narinig ko sila Austine at Alexis na nagsisigawan dahil sa isang text message. Tsss. Ang babaw ng kanilang pinag-aawayan. Mga baliw talaga.

Tumagilid ako upang kunin ang aking cell phone upang itext si Gwen, ang babaeng kinababaliwan ko ngayon.

Pero na baling ang atensyon ko sa teddy bear na nakalagay sa aking study table. Bigay yan sa akin ng kababata kong babae. Iyan din ang paborito niyang teddy bear.

Masakit mang isipin na hindi ko na siya nakikita ulit dahil wala na siya. Pero umaasa pa rin ako na sana magkaroon ng katarungan ang kaniyang pagkamatay.

Kung bakit pa kasi kailangan mangyari ang masalimuot na karanasan na iyon.

Nakidnap kasi siya dahil pinagkamalan siyang si Amethyst. Si Amethyst ay kaibigan ko rin noong kami ay mga bata pa.

May nagtangkang kumidnap kay Amethyst dahil maraming kakompitensya ang kompanya nila. At marami gustong mapabagsak sa kompanya nila.

Pero bigla silang lumipad papuntang America dahil sa nangyari kay Avrilynn. Lalo na noong nalaman pala nila na si Amethyst ang target ng kidnapper at hindi si Avrilynn.

Tumayo ako sa aking kama at kinuha ko ang teddy bear na iyon. Nagulat ako ng may makita akong isa pang teddy bear pero mas maliit lang iyon ng kaunti kumapara sa hawak kong laruan ni Avrilynn.

Ang laruang hawak ko ay kulay pink at alam ko na kay Avrilynn dahil ito ang kaniyang paboritong kulay.

Habang ang isa naman ay kulay blue dahil sa curious ako ay kinuha ko ang teddy bear na iyon at nagulat ako dahil may nakaburdang pangalan.

Jade W. As in Jade Whirlwood kung tama nga ang sinabi ni Alexis. Ibig sabihin maaaring nakita ko na si Jade sa campus ng school namin.

Kung ganoon bakit hindi ka pa rin nagpapakita sa akin? Bakit hindi ka magpakilala?

Kailan ka ba lalapit ulit sa akin? BAD trip naman Oh. Hoy, babae ka magparamdam ka naman tutal di naman kita pinapahirapan tulad ng ginagawa ni Austine sa Ate mo.

Autumn's PoV

Pagkatapos naming kumain ng mga kapatid ko ay umakyat na agad ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit ay humiga na ako sa aking kama.

Kinuha ko ang cellphone ko at may nakita akong picture noong bata pa ako. Kasama ko ang isang batang lalaki at isang Teddy bear na kulay blue. Ang naalala ko akin yang Teddy bear na blue kaso di ko na alam kung nasaan o kung ibinigay ko ito.

Kung ibinigay ko ang paborito kong laruang iyan kanino ko ba ito ibinigay? At sino naman kaya tong kasama ko sa picture na ito?

Kahit kasi anong klaseng titig ko sa picture na iyon upang maalala kung sino yung batang kasama ko pero di ko talaga siya makilala eh. Matanong nga bukas si ate tungkol dito.

Bigla namang sumigaw si Sapphire. Nabulabog ang tulog ko kaya bumangon ako at pumunta sa kwarto niya. 

Nagulat ako ng makita ko siyang umiiyak at nakita ko sa sahig ang basag niyang cellphone.

Sinabi niyang may nagtext daw sa kanya at sinasabi ng messenger na siya raw si Avrilynn. Imposible matagal ng patay iyon.

Pero hanggang ngayon sinisisi pa rin ni Ate Winter ang sarili niya. Dinaman niya kasalanan pinagkamalan ng mga kidnapper na iyon na si Avrilynn ay ang Ate Winter ko.

Kailangan naming mag-ingat dahil maaaring death threat na ang kasunod non. At bukas na bukas din ay ipapatrack namin ay may-ari ng number na iyon.

Kinabukasan. . . . . . .

Pagkagising ko ay ginawa ko na ang morning rituals pagkatapos noon ay bumaba na ako upang kumain.

"Nga pala yung number na nagtext sa iyo Sapphire pinatrace ko na kay Avhi" pagsisimula ni Ate Winter.

"Avhi? Avhighaleh Illustrisimos?" Tanong naman ni Emerald. "Oo, siya nga tumawag kasi siya sa akin kanina dahil sa isang requirement namin sa Chem. Tapos nakwento ko sa kanya ang nangyari kagabi. Sabi niya na siya na raw ang magtretrace sa number ng nagtext kay Sapphire" sagot naman ni Ate.

"Ha? So ibig mong sabihin ate marunong siya mag hack?" Tanong naman ni Summer.

"Siguro? Yun lang naman ang sinabi niya sa akin eh" sagot naman ni Ate Winter.

"Kung ganon hintayin na lang natin ang result." sabi ko naman.

Nang matapos na kaming kumain ay nagpahatid na kami sa driver namin. Ngunit gaya nang nakasanayan na namin bumaba kami sa isang kanto malapit sa skwelahang pinapasukan namin at naglakad.

Inilabas ko ang cellphone ko at tinanong ko siya. "Ate,kilala mo ba siya?" Sabay pakita ng picture ko kasama ang isang batang lalaki at ang Teddy bear kong blue.

"Teka, di mo siya mamukhaan? Kilalang kilala mo yan eh." Sagot naman sa akin ni Ate Winter.

"Hindi,Ate eh" sabi ko naman. "Titigan mo kasing mabuti" sagot naman niya.

Nakapasok na kami sa School. As usual,kung ano anong  pambubully na naman ang natanggap namin pero sanay na rin ako sa mga ginagawa nila sa amin.

Kaya dinedead ma na lang namin sila  at nagdadala kami ng mga extrang damit, oo mga damit kung ano-ano kasi ang tinatapon nila sa amin.

Pagkatapos ng pathway ng hell na dinaanan namin. Oo, pathway pa lang iyon dahil pagpasok namin sa mga classroom namin ay hell. Well, not totally for me dahil ang tinutukoy kong hell ay ang subject kong Algebra.

Naglakad ako papunta sa chair ko at mas binilisan ko ang paglalakad dahil may napansin akong kulay blue na bagay.

Papalapit pa lang ako na pansin ko na agad na parang isang laruan ang nasa chair ko.

Kamukhang-kamukha ito ng laruan kong teddy bear. Napangiti tuloy ako dahil naalala ko ang laruan ko.

Bumalik ulit ng mga childhood memories ko habang naglalaro. Ilalapag ko na sana ang teddy bear ng may mahawakan ako.

Tinignan ko ang parte yun teddy bear na nahawakan ko may nakaburda. Jade W.

Aldrin's PoV

Oo, alam ko mukha na akong tanga dito sa labas ng room namin. Natuwa ako sa nakita ko dahil napangiti siya ng makita ang teddy bear niya.

Naaalala na kaya niya?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Maraming salamat po sa pagbabasa ng kwentong ito.

Feel free po to comment and vote for my story. Thank you! Thank you po ng marami!

When the Whirlwood meet the IllustrisimoWhere stories live. Discover now