Chapter VIII

120 5 0
                                    

The War

Spring's POV

Second day na nang School days kaya maaga akong nagising. As usual ginawa ko ang daily routine ko. Pagkatapos kong magdamit ay bumaba ako para kumain.

Nang matapos kaming kumain ng mga kapatid ko ay agad kaming pumunta sa School.

Pagdating namin sa School ay nasira agad ang araw ko, paano ng hindi eh nakita ko na naman ang kumag na yun.

Tss, kainis sa dinami-dami ng taong unang kong makikita pagdating sa School, siya pa talaga Bwisit. 😡😡

"Hoy, bruha" saad ni Anton.

"Hoy, witch kinakausap kita" sigaw niya pero di ko siya pinansin.

"Uy, uy, uy malditang panget. Spring wala kang karapatang mag-inarte, kasi ang pangit moo sooobbbrrraaa" sigaw ni Kumag.

"Eh, g*go ka pala eh" sabi ko sakanya sabay sapak ko sa kanya. Natawa na lang ang mga schoolmate namin na nandito sa quadrangle ng campus.

Susugurin ko sana siya pero napigilan ako ng mga kapatid ko. Kaya lumapit ako sa kanya at sinabing "sa susunod piliin mo ang taong binubully mo. Hindi mo ako kilala kaya tigilan mo na ako kung ayaw mong maranasan ang impyerno". Susuntukin ko sana ulit siya pero narinig ko ang boses ni Ate Autumn.

"Spring naman, ba't mo yun ginawa?" tanong ni Ate Autumn. Patay, baka isumbong niya ako kay Mommy at daddy.

"Eh kasi Ate binubully niya ako. Alam mo naman na ayaw kong itolerate ang mga taong nambubully sa akin" sagot ko kay Ate Autumn.

"Oo, alam ko kaso sana kinausap mo na lang siya ng maayos. Hindi yang ganyang sinasaktan mo yung tao. How many times did I told you to stop doing this to other people?" sagot naman ni Ate na galit na galit.

"Ate alam ko kaso sumusobra na siya eh. Di ko na nga siya pinapansin kanina, kaso nagsalita pa siya kaya ko yun ginawa" sagot ko naman kay Ate.

"Kahit anong sabihin mo Spring Mali pa rin yung ginawa mo" Sabad naman ni Ate Winter kasama ang kaibigan niya at si Summer.

"Say sorry to him Spring kung ayaw mong malaman nila Mommy at daddy to" sabi naman ni Ate Autumn.

Kainis naman ako na nga yung naagrabyado ako pa yung magsosorry. Tssk.

"Sorry ha Anton" sabi ko sa kanya sabay bulong ng "hindi pa tayo tapos may susunod pa bakulaw". Ang pangit talaga nang pangalan niya pangmatanda. Pwee, nakakasuka ang mukha niya.

Pagkasabi ko nun tumingin siya sa akin ng nakakaloko na para bang sinasabi niya na hindi niya ako aatrasan. Nginitian ko na lang siya at pumunta sa elevator para makapunta na sa classroom ko.

Anton's PoV

Guess what? Well, nakita ko lang naman yung babaeng amazona. Ok lang sana yung pagiging masungit niya kung maganda siya kaso hindi eh.

Naglakas loob akong pumunta kung na saan siya para asarin siya tutal wala naman yung mga kapatid niya. Humanda ka babadtripin kita ng todo-todo.

"Hoy, bruha" sabi ko sa kanya. 
"Uy witch kinakausap kita" sabi ko ulit.

"Uyyy, pangit, PANGITTT" sabi ko ulit. Aba, di siya tinatablahan. Teka nga eto ang sasabihin ko " hoy, witch kinakausap kita". Ay wala pa rin.

"Uy, Uy, uy malditang panget. Spring wala kang karapatang mag-inarte, kasi ang pangit mo sooobbbrrraaa" sabi ko sa kanya.

Boogsh. Aray, ang sakit ng suntok ng babaeng to ah. Kadugo niya ba si PAC-MAN? Tss. Kainis.

Susugurin sana niya ulit ako kaso dumating ang mga kapatid. At ayun napagsabihan siya. Hahaha, buti nga sayo.

"Sorry Anton ha. Hindi pa tayo tapos may susunod pa bakulaw ka" sabi ni Spring sa akin. Wow, ako pa talaga ang tinakot mong babae ka.

Kaya tinapunan ko siya ng hindi kita aatrasan look. Humanda ka sa akin babae ka.

Pagkatapos ng nangyari kanina sa parking Lot ng school. Eh, pumasok na ako sa classroom ko.

Iniwan namin silang magkakapatid doon habang sila ay nag-uusap pa. Hhhmm, mukhang alam ko na ang gagawin ko.

Humanda ka sa akin, gusto mo ng gulo pues pagbibigyan kita. Ihahanda ko ang patibung ko sa iyo.

Spring's PoV

So after ng nangyari sa parking lot ay kinausap ako ng mga Ate ko. "Ate, bakit mo ginawa yun?" tanong ni bunso.

"Eh, kasi hindi na ako makapagtimpi sa pang-aasar niya. Tawagin ba naman niya akong witch, bruha at pangit. Hindi ko siya pinapansin nung una kaso itinuloy niya pa rin. Nabadtrip ako ng sobra-sobra kaya ayun nasapak ko siya" paliwanag ko kay Summer.

"Ahh, mapang-asar naman pala kasi tsk. Yung mga magkakapatid na yon talaga cancer sa lipunan" tugon naman ni Summer.

"Hoy, hindi tayo pinalaki ni Mom at Dad para manghusaga at manakit ng tao. Ipapalala ko lang sa inyo ang sinabi ni Mom na kapag nalaman niya na may inagrabyado o sinaktan tayong tao eh ibabalik niya ulit tayo sa America. Gusto niyo ba uling mapalayo sa mga childhood friends natin dito?" Palalala ni Ate Winter.

"Siyempre hindi ate" sabay sabay naming sabi nila Ate  Autumn at bunso.

"Oh yun naman pala eh. Walang gagawa ng kahit anong hindi maganda para hindi tayo madeport sa America. Deal" sabi ni Ate Winter.

"Deal" tugon naming tatlo. Pagkatapos noon ay pumunta na kami sa kaniya-kaniyang classroom namin.

Habang papunta ako sa classroom namin biglang tumunog yung cellphone ko nagtext si Mary.

From: Mary
          Wag ka munang buksan ang pintuan pagdating mo sa harap ng classroom natin baka kasi mapaano ka eh.

To: Mary
     Ha? Paki elaborate Pls. Di kita maintindihan Mary.

Well, yah close kami ni Mary but not that close either. Classmate ko siya yun lang.

Di na siya nagreply kaya itinuloy ko na lang ang pagpasok sa classroom namin.

Binuksan ko ang pinto at......

*SPLASSHH*  Sh*t ang lagkit ng liquid na to. Tinignan ko ang sarili ko at nakita ko na nabuhusan ako ng pintura. Nakita ko naman si Anton nakasmirk sabay kuha ng picture sa akin.

Linapitan ko siya. Hinablot ko sa kanya ang cellphone niya at hinulog yun sa bintana. Nasa ikalawang palapag kami ng building kaya malamang wasak na yun ngayon.

Lumapit ulit ako sa kanya at sinabing. "Hinding-hindi ako magpapatalo sa iyo at hintayin mo rin ang paghihiganti ko dahil patingin lang yun gag* ka.

When the Whirlwood meet the IllustrisimoWhere stories live. Discover now