Chapter VII

141 8 0
                                    

The Beginning
Alexis' PoV

"Ma, pwede ba akong lumabas muna?" Tanong ko. "Oo naman" sagot ni Mommy.

Lumabas ako sa bahay at pumunta ako sa garden namin dahil kapag nan doon ako narerelax ako.

Bwisit ba't ba nalala ko yung babaeng yun nung nakita ko si Emerald. Eh, ang layo naman ng mukha ng babaeng yun kay Emerald. Si Emerald maganda, mukhang campus crush.

Tapos ang tangos ng ilong niya, ang Ganda ng labi niya. Don't get me wrong di ko naman siya minamanyak nagagandahan lang ako sa kanya.

Eh yung Summer na yon baliw, nerd, at sobrang pangit. Teka bakit ko nga kaya siya nalala? Ano bang meron sa Summer na yon at naalala ko siya ng makita ko si Emerald.

Pero sa totoo lang feeling ko, feeling ko lang ha. Feeling ko talaga maganda rin yung Summer na yon kapag walang eye glass at pagnatuto yung pumustura ng maayos.

Aish. Naprapraning na ata ako Eh. Bahala na papasok na lang ulit ako. Nakakabadtrip.

Summer's PoV

Hala anyare dun? Bakit kaya lumabas yung mokong na yun?

Teka, Ano bang pakialam ko sa isang yon? Wala namang ginawa sa akin yung isang yun kundi ang pagtripan ako ng pagtripan.

Unang araw pa lang kami sa school na yun pero ang dami nambubully sa amin.

Minsan nga nagtataka nga ako kung bakit ginagawa iyon ibang mga tao sa kapwa nila Eh, hindi naman yon nakakatuwa.

Porket may eyeglass nerd agad, Di ba pwedeng malabo lang yung mata?

Hala bumalik na yung halimaw. Halimaw? Bagay yun sa kanya, ah. Matawag nga siyang ganun sa School bukas.

Alexis' PoV

Pagpasok ko sa loob ng bahay namin napatingin siya sa akin. Oo, alam ko gwapo ako. Ngayon lang ba kayo nakakita ng ganito kagwapong nilalalang.

Ang Ganda niya talaga. Nakakalula ang perpekto niya mukha.

"Amiga, mauuna na kami. Maaga pa ang flight namin papuntang New Zealand para sa business trip naming mag-asawa" pagpapaalam ni Tita.

"Sige, amiga na iintindihan kita. Kung ganoon maiiwan naman ang mga prinsesa ninyo" sagot naman ni mama.

"Oo, nga eh. May tiwala naman ako sa kanila na hindi sila gagawa ng kahit anong ikakagalit namin ng Daddy nila. Di ba?" Tanong ni tita sa apat na Dyosa. Este, anak pala nila yung apat, hehehehe.

"Oo naman ma, don't worry we won't do anything stupid. We promise" sagot naman ni Amethyst.

Oo na oo, kayo na yung mabait na anak. Sa totoo lang magaganda silang magkakapatid. Matalino at mababait.

Pagkatapos ng mahabang kwentuhan ng mga magulang ko sa mga magulang nila ay umuwi na sila.

Pagkatapos ng mahabang kwentuhan ng mga magulang ko sa mga magulang nila ay umuwi na sila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Problema nang dyosang to. Ba't ba nakatingin siya sa akin? Dyosa, bagay na bagay yun sa kanya.

Humanda ka sa akin pagnakita ulit kita liligawan kita. Sisiguraduhin ko yon.

Summer's PoV

Bakit ba yun nakatingin sa akin? May dumi ba sa mukha ko? Letse kang lalaki ka ano bang problema mo at tinitignan mo ako ng ganiyan?

Naman, wala ba siyang ibang matignan? Gustong-gusto ko na siyang sigawan kaso baka sabihin niya na feeling ako o Di kaya ay mataray. Ayokong matawag na ganoon no. Hindi nakakatuwa.

Juice colored sarap niyang batukan. Oyyy, halimaw na wiwierdohan na ako sa'yo. Ano ba halimaw ka sa iba ka naman tumingin? Konting-konti na lang tatanggalan na kita na mata. Gustong-gusto ko siyang bulyawan pasalamat siya takot ako kay Mommy .

Nakahinga ako ng maluwag ng sinabi ni Mommy na kailangan na naming umuwi. Thank you lord, finally natapos din ang nakakapagod na araw na to.

Ok na sana kaso makikita ko pa rin siya ulit sa School, kakainis naman.

Lumabas kami ng bahay nila Halimaw ay agad kaming umuwi sa bahay.

Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming umakyat ng mga Ate ko sa palapag kung na saan ang mga kwarto namin.

Kakatapos ko lang maligo at biglang pumasok si Ate Spring. "Wala la bang napansin kay Alexis?" Tanong niya sa akin. "Wala naman Ate, bakit?" Sabi ko naman sa kanya.

"Sus, ako pa yung niloko mo eh, napansin namin nina Ate Winter at Ate Autumn na ikaw lang ang tanging tinitignan ni Alexis. At tumitingin ka rin sa kanya" sagot naman ni Ate.

"Paanong di ako mapapatingin sa kanya Eh, sa akin lang nakaset yung mga mata niya. Ang creepy kaya non" sabi ko naman kay Ate.

"Alam namin na creepy yun. Kaso iba siya kung makatitig eh, parang?, parang may gusto siya sayo eh." sabi naman ni Ate Winter na pumasok sa kwarto ka kasama si Ate Autumn.

"Napansin niyo rin pala yun? Akala ko kasi ako lang?" Tanong naman ni Ate Autumn. "Talaga ng mapapansin yun Eh, ang obvious niya kaya" sabat naman ni Ate Spring.

"Masyado na kasi akong maganda" sagot naman sa kanila. "Ang hangin, sobra, kailangan ko ng kumot" sagot naman ni Ate Winter. Akala niyo ako lang yung baliw sa amin. Lahat naman kami may humor, ako nga lang yung pinakamalakas yung humour.

"Ate, naman" sagot ko na kuwari naiiyak ako. "Sorry, bunso. Sorry ulit" sagot naman ni Ate Winter sabay hagod sa likod ko para tumahan ako.

"Hehehe, charot lang" sabi ko naman sa kanya. "Ang kulit kulit mo talaga. Bunso, 18 years old ka na kaya magmature ka na ok" sabi ni Ate Spring.

"Spring, ang pagmamature ng isang tao May proseso yan. Kaya hayaan mo muna siyang ganyan dahil naniniwala ako na magmamature din siya sa tamang panahon" sagot naman ni Ate Autumn.

Tinignan siya ni Ate Winter na parang na parang naguguluhan kung saan na halukay ni Ate Autumn yun.

"Saan nanggaling yon? Autumn, hoy Autumn, may sumapi ba sa'yong kung ano man?" sabi ni Ate Winter.

Nang dahil doon nagtawanan kaming apat. "Sa utak ko Ate, matalino ako Eh" sagot naman ni Ate Autumn.

"Babalik na ako sa kwarto ko may homework pa akong gagawin eh" sabi naman bigla ni Ate Spring. At lumabas naman siya agad sa kwarto ko.

"Ako rin pala may homework, kaloka unang araw palang ng class may homework na agad" Saad naman ni Ate Winter.

"Eh, wala naman tayong magagawa studyante lang tayo, Ate. Babalik na din ako sa kwarto ko dahil May homework din kami"sagot naman ni Ate Autumn.

"Una na kami, bunso ha" paalam naman ni Ate Winter. Ano nga kayang iniisip nang halimaw na yun? Nakapagtaka yung pagtingin niya? Ah, wala akong pakialam.

Ginawa ko ang homework ko at nang matapos ako ay agad akong natulog.

———————————————
Sorry po sa late update busy po kasi sa ako sa School tsaka grade 12 palang po kasi ako at required po ang immersion for gradutation.

When the Whirlwood meet the IllustrisimoWhere stories live. Discover now