Chapter 57-3. Truth Bites! Rawr!

Magsimula sa umpisa
                                    

Sumulyap ako sa direksyon ni Sef at para kong napaso sa mga titig niya. Dati, para kong nasa alapaap na buhat-buhat ng mga anghel papuntang langit sa tuwing nakatingin siya sa akin… ngayon… parang binabalatan ako ng buhay at mas lalong sumasakit habang tumatagal… Pakiramdam ko pa, sa’kin nga siya nakatingin pero iba naman ang nakikita niya – si Lianne.

I looked away from Sef as fast as I could. Nagpapasalamat ako’t naubos na ‘yung luha ko kay Max kanina… kasi kung hindi, pakiramdam ko dito ko mismo hahagulgol.

Napaka-unfair naman kasi ni Sef eh. Sa mga kumakampi sa kanya, sige! Damayan niyo siya! Pero pakiusap lang ‘wag niyo kong husgahan. Siguro nga isang malaking kagagahan ‘yung ginawa ko – na sabihing kaibigan lang niya ko. Siguro katangahan na i-deny ko siya… pero pusang-gala naman talaga!!! Pa’no ko ba sasabihing girlfriend ako sa BABE ni Sef? PAANO? I was the one who felt denied in the first place. Ako ‘yung unang nakaramdam nun! AKO! Sinong anakshutang animales ang gagawing contact picture ‘yung masayang magkahawak ng kaway sila ng ex niya? Tapos hindi pa nakontento at hindi man lang binago ‘yung pangalan!!!

BABE?!

Pusang-gala talaga!!!

Tapos sa tono ng pagsasalita ni Lianne kanina… nung akala niyang ako si Sef… pakiramdam ko ako si Bea Alonzo sa The Mistress at higit sa lahat, ako si Maja Salvador sa The Legal Wife!!!

Nakakatawa talaga. Lahat ng taong nakapalibot kay Sef, walang ibang bukang bibig kung hindi si Lianne. Oo, aminado naman akong medyo apektado ko kahit noon pa man, kahit nung unang beses pa lang siyang nabanggit sa’kin ni Yaya Kusing… pero kahit ganun I just never took it so damn seriously. Iniisip ko naman kasi, WALA na ‘yun. Siguro tapos naman na ‘yung sa kanila. At saka, hindi ko naman nakita si Sef na nahirapan o nag-struggle dahil sa Lianne na ‘yun. I just assumed na baka naman… nakalimot na siya.

Lahat nang nakakalaam tungkol sa kanilang dalawa eh NAIPAMUKHA na sa’kin kung gaano naging seryoso ang isang Miguel Josef Uy Monteverde sa Lianne na ‘yun. Pero kahit laging nababanggit sa’kin si Lianne, hindi ko lubos akalain na ganito pala talaga kalala ‘yung sitwasyon. NO STORY prepared me for this moment. NOTHING prepared my heart from hurting like this.

Partida, tawag pa lang ‘yan sa cellphone ganito na agad katindi ‘yung epekto sa’kin… what more kung makita ko silang magkasama ni Sef in person? Punyemassss!!!

At sa puntong ito… gusto ko sanang kay Sef naman manggaling kung sino ba talaga si Lianne.

I want to know.

I want to hear it.

I want the TRUTH.

This time, coming from him.

“Sino ba talaga si --Lianne?” I asked, and I could hear my voice trembling. Saying her name felt like knives cutting deep in my skin.

Hindi ko alam kung narinig ba ko ni Sef kasi isinandal lang niya‘yung likod niya dun sa sofa at pinikit ‘yung mga mata niya.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon