00: He Got Down On One Knee

3K 65 90
                                    

#IYAALMPrologue: He Got Down On One Knee

✿ ♥ ✿

"LETIZIA!"

"Bumangon ka na Letizia!"

"Mahuhuli ka na sa trabahong bata ka!"

Napatakip ako ng unan sa ulunan ko dahil sa maingay na tawag na naririnig ko mula sa labas ng aking kwarto. Kaagad akong umikot sa kama para humanap ng mas kumportable pang pagkakahiga para naman mas makatulog nang maayos.

"Letizia, nasa baba si Joaquin!"

Para akong hinugot sa panaginip para mapaupo nang biglaan sa kama at saka nanlalaki ang mga matang tumingin sa taong kapapasok lang sa pinto na may dala dalang sandok at handa na itong ihampas sa akin. I immediately jump to stand up on the floor and put up a defensive stance againt my mother earth.

"Mama naman!" Reklamo ko sa kan'ya habang nagpapaawa. Hindi man lang tumalab kaya lihim akong napa-irap. "Nasa baba si Killian?" Dagdag tanong ko pa at saka ngumiti nang maamo.

"Joaquin, Joaquin, Joaquin, kapag talagang iyon ang binabanggit halos liparin mo ang distansya n'yo ano?" she nagged so early in the morning that made me groan. She definitely saw my grumpy expression that's why she chased me with the spatula!

"Mama! Maliligo na, ito na lalabas na ako sa papuntang banyo!" Dali dali kong kinuha ang tuwalya at damit ko at saka kumaripas ng takbo sa banyo at dire-diretso pa rin sa pagsesermon ang Mama ko. I chuckled softly as I went to the bathroom door just beside my room. Before I went in, I shouted a question.

"Nasa baba nga si Killian?"

"Wala!" Tumatanging-ting na sagot ni Mama at saka nag-ambang susundan ako sa banyo para hampasin at saka ako dali daling pumasok para maligo ng mabilisan dahil male-late na nga ako sa trabaho ko kagaya ng sabi ni Mama.

Sabi kasi ni Killian hindi n'ya ako masusundo ngayong umaga, kaya naman akala ko nasa baba na talaga at  bigla na lang sumulpot. Tsk!

Nang matapos mag-ayos para sa trabaho ay dali dali akong bumababa sa kusina para kumuha ng pandesal. Nasa hapag si Mama, Papa at ang mga kapatid ko.

"Kapag wala si Kuya Killian nale-late ka lagi Ate." Banggit ni Leonora na nakababatang babaeng kapatid ko na nasa high school pa lang.

"Pahinging baon, Ate!" Hirit naman ng ikalawang kapatid kong nasa kolehiyo na si Javier. Kaagad akong dumukot sa wallet ng pera nang walang sabi sabi.

"Mahuhuli na ako sa trabaho, 'Ma, 'Pa. Una na ako." Sambit ko nang pamamalam bago kumuha ng pandesal na pakay ko. Narinig ko pa ang mga sermon ni Mama habang tahimik lang si Papa at ngumiti sa akin bago ako tuluyang umalis sa bahay para sumakay ng dyip.

Mabuti na lang naabutan ko pa ang dyip papuntang trabaho ko, ngunit sikip na sikip na at halos kalahati na lang ng pwet ko ang naka-upo. Hindi ko na inalintana dahil sanay na rin naman ako na ganito.

Habang umaandar ang dyip ay nag-abot na ako ng bayad at saka tiningnan ang mumurahing cellphone ko, na halos kapanahunan pa ni Kopong-kopong. Joke! Asa namang papayag si Killian sa gano'n. Maarte 'yun eh.

Good morning, love!

Napangiti kaagad ako nang makita ang mensahe galing kay Killian. Hindi na ako nag-abalang mag-reply pa. Bukod sa sayang sa load, siguro naman alam na n'ya ang sagot sa mensahe n'yang iyan.

If You Are Anything Like MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon