Umupo muna ako sa bleachers para doon maghintay. Ayoko rin naman kasing maka-istorbo sa kanila dahil sa pagkakaalam ko ay sa susunod na linggo na magsisimula ang Inter School Football Tournament.

Kinuha ko na lang muna ang aking notebook tapos ay isinulat doon ang mga puwede kong itanong kay Yoda.

"Ano b'ang pwedeng itanong sa kanya?" Tanong ko sa sarili.

"Here." Nagulat ako nang biglang may mag-abot sa akin ng isang papel. Inangat ko ang tingin at nakita ko lang naman si Carys na abot langit ang ngiti. "Here, I prepared some questions you can ask him. Take it." Dagdag niya pa habang hinihintay na kunin ko mula sa kamay niya ang papel. Tinitigan ko muna siya dahil hindi ko alam kung dapat ko bang kunin 'yun o hindi- knowing her, the questions written here are probably for her sake. "Take it na." Sabi niya habang iwinawagayway sa harapan ko ang papel. Dahil alam kong hindi niya ako titigilan ay kinuha ko na lang 'to saka binasa.

Halos mapa-facepalm ako sa mga tanong na nasa papel:

1. Are you single?

2. Favorite food?

3. Favorite color?

4. Hobbies?

5. Favorite books (if ever)?

6. Favorite movie?

7. Favorite type of music?

8. Favorite song/s?

9. Birthday?

10. Ideal girl?

"Seriously?" Kunot-noo kong tanong habang nakatutok pa rin ang mata sa papel.

"Yes! Ayos 'di ba?" Proud niyang sagot. Sa tingin niya ba talaga ay itatanong ko 'to doon kay Yoda? Baka ang isipin niya pa ay crush ko siya.

"Carys, it's not for a slam book, okay?" I remind her.

"Ali, please lang. Do it for me. You know I have a crush on him." She pleads like a little kid.

I roll my eyes. "Okay. But just some questions from this."

"Yay!" Parang bata niyang sabi habang pumapalakpak pa, samantalang ako ay napapa-iling na lamang.

Nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat ng mga tanong. Si Carys naman ay napaka-ingay habang nanonood ng practice. Hindi naman siya sobrang maingay na tipong makukuha ang atensyon ng lahat ng tao sa paligid. Hindi naman ganun kalakas ang boses niya pero dahil katabi ko siya eh rinig na rinig ko siya.

"OMG! He's really good in Football! Look at him, Ali. Look at him!" Wala na akong nagawa kundi i-angat ang tingin para tignan ang tinutukoy ni Carys- na sino pa ba kung hindi si Braeden-- dahil wala siyang tigil sa paghampas sa braso ko. Madaling mapansin si Yoda-este Braeden dahil siya ang pinaka matangkad sa Football Team. He's wearing a blue jersey shorts, plain white t-shirt and pair of typical Football shoes.

"Anong magaling diyan?" Nakatayo lang naman siya doon, nothing special. Mas magaling pa sa kanya si Landon-speaking of him, hindi ko pa siya nakikita ngayon. Dapat nasa practice din siya ng Football Team pero wala siya. Siguro ilang dokumento dahil 'di naman sila Filipino Citizen. Hindi ko rin siya nakita kaninang umaga at wala akong katabi sa room.

Usually kapag nasa International School ka eh asahan mo na, na absent ang isa mong kaklase dahil busy sila sa pag-aayos ng kailangan nilang visa o kung anu-ano pang papeles--kung wala silang sakit.

Binalik ko ang atensyon sa pagsusulat pero agad din ako natigilan nang bigla na lang akong yugyugin ni Carys. "OMG, OMG, girl. Look at him!" She shrieks, still shaking my poor body. I have no choice but to look at the players-there I see Yoda doing nothing special at all-- making my eyes to roll.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon